Part 4

8.3K 191 17
                                    


PUPUNGAS-PUNGAS PA si Tara nang lumabas sa kanyang silid. Mag-a-alas onse na ng tanghali nang magising siya. Normal na sa kanya ang ganong gising kapag day-off niya. At day-off niya ngayon. Kung hindi lang siya nakaramdam ng tawag ng kalikasan ay baka mamayang hapon pa siya lumabas ng silid niya.

Tila nagulantang lang ang pagkatao niya nang makita si Avex sa kanilang sala. Prenteng nakaupo pa ito sa kanilang sofa, naka-de kuwatro, habang nagbabasa ng diyaryo na tila ba kaharian nito ang kinaroroonan nito at hindi bahay ng ibang tao.

He lowered his newspaper when he seemed to noticed her presence. Deym! The guy was hot even in his usual crappy looks! Hey, wait a minute...anong crappy looks ang pinagsasasabi niya? Iba ang itsura ngayon ni Avex. Magulo pa rin ang buhok nito ngunit nakikita na ang halos eigthy percent ng mukha nito, salamat sa tila pagsisikap nitong ahitin ang bigote at balbas nito. May mga facial hairs pa ring natira ngunit hindi na iyon nakasagabal sa mukha nito. Bagkus ay tila nagpag-enhance pa iyon sa kaguwapuhang taglay ng binata. At ang damit nito...isang puting long sleeve polo, na lukot-lukot pa rin, pero at least tila bagong laba lang iyon na basta na lang nito hinablot sa sampayan at isinuot. Ang itim nitong pantalon ay malinis at maayos ding tingnan. Hindi na tsinelas na goma ang suot nito kundi isang pares ng gladiator sandals.

He looked...oh my gosh!

"Avex?"

"Hi."

Napadiretso siya ng tayo nang marinig ang boses nito. Wala namang bago, medyo...bumagay lang nang husto ang pananalita nito sa suot nito na talaga nga namang nakakapagpaikot nang husto sa sistema niya.

Kailangan na yata niyang maghilamos para mahimasmasan.

"Anong...anong ginagawa mo rito sa amin?

"I was trying to call you last night." Itiniklop na nito ang diyaryo sa paraan ng mga royalties na napapanuod niya sa mga programa sa telebisyon. "You gave me a wrong number."

"Wrong number...?"

"Alam mo ba kung ilang oras akong nag-aksaya ng laway sa pagbabanta sa may-ari ng numerong iyon para lang ibigay sa iyo ang cellphone kagabi? I even had his number blocked from the NTC because I thought he stole your phone. Kaya ngayon, hindi ka lang sa akin may atraso kundi pati na rin sa walang muwang na may-ari ng numerong ibinigay mo."

Pinigil ni Tara ang mapangisi. She could only feel sorry for that poor person who must have had a nightmare last night. Uminit kasi talaga ang ulo niya nang i-refer siya ng sira ulong Avex na ito na isang 'other minority' sa buhay nito kaya hayun, ibang numero ang ibinigay niya rito. Malay ba naman niyang mangha-harass na naman ito ng ibang tao para lang makausap siya. But then, this was the second time he did this and in its strange twisted way, it was...sweet.

He was sweet.

Malakas nga lang talaga ang topak.

"Paki-tanggal na sa pagkaka-block ang numero ng taong iyon. Ibibigay ko na ngayon din ang numero ko."

"No need. Your parents already gave me your number."

"Ang mga magulang ko?" Lumingon-lingon siya sa paligid. "Nasaan na nga pala ang mga iyon ?"

"I don't know. Pinapasok lang nila ako rito at hintayin na lang daw kita dahil magigising ka na rin naman."

Nagdududa niya itong tiningnan. "Bakit ka naman nila pinapasok?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Basta na lang nila ako niyaya dito nang makita nila akong naglalakad-lakad sa labas."

Mas lalo siyang nagduda. "Bakit ka naglalakad-lakad sa labas ng bahay namin?"

The Unexpected You (COMPLETE)Where stories live. Discover now