Part 3

8.2K 207 22
                                    


"SENYORITO, ANG MABUTI pa ho doon na kayo sa loob ng bahay ninyo matulog. Para kumportable ho kayo."

Idinilat ni Avex ang isang mata at sinilip ang butihing driver na si Mang Manny na nakasungaw sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Nakatulog na naman pala siya sa backseat ng kotse. Tumayo na siya at naglakad papasok ng bahay.

"Senyorito, gusto ho ba ninyong papuntahin ko rito si Luding para ipagluto kayo ng makakain ninyo?"

Si Luding ang asawa nito at siya ring opisyal niyang kusinera kapag nalalagi siya sa bahay na iyon. "Hindi na. Wala naman akong ganang kumain."

"E, Senyorito, parang kaninang tanghali pa ho kayo hindi kumakain. Hindi ho ba kayo nagugutom? Baka ho kung ano ang mangyari sa inyo niyan."

"Ako na lang ang magluluto kapag nagutom ako. Magpahinga na kayo. Tatawagin ko na lang kayo kapag may kailangan ako."

Matapos itong magpaalam ay pumasok na siya sa malaking bahay. Ngunit nasa may pintuan pa lang siya ay tila ba gusto na naman niyang lumayas nang salubungin siya ng malawak, maalwan at marangyang sala na iyon. Nag-iisa lang siya sa malaking bahay dahil may sarili namang bahay ang kapatid niyang si Trax, gaya ng kanilang mga magulang. Mula kasi nang makapagtrabaho sila at magkaroong steady flow of income ay nagdesisyon silang umalis na sa poder ng kanilang mga magulang at magsarili na ng mga bahay.

He was okay with it. He was okay living alone. Until recently. For some unknown reason, he was getting bored with his solitude.

Hinubad ni Avex ang suot na jacket at basta na lang iyon inihagis sa sofa saka dumiretso sa kusina at kumuha ng isang bote ng wine at dalawang kopita saka siya nagtungo sa malawak na hardin. Sa isang bahagi niyon ay may isang tipak na malaking bato kung saan nakaukit ang pangalan ng kanyang ina. Bata pa lang siya nang namayapa ito at dahil hindi niya ito madalaw sa libingan nito sa probinsya, ipinagawa na lang niya ang batong iyon bilang alaala nito. At sa tuwing nami-miss niya ito ay doon siya nagtutungo sa harap ng bato.

"Hi, Ma. You miss me?" Inilapag niya sa bermuda ang mga dala at naupo rin doon paharap sa bato. "Pasensiya ka na kung hindi kita madalas kausap mula nang dumating ako rito galing Australia. Si Trax kasi, ang gulo. Natuto lang magmahal, naging sira ulo na. Nadamay pa tuloy ako." Nagsalin siya ng inumin sa kanyang baso. "Oo nga pala, Ma, may girlfriend na si Trax. Her name's Mirajane. She's a nice girl, considering the fact that she had to deal with Trax's unruly attitude. Muntik pa ngang makawala sa kanya ang babaeng iyon dahil, sabi ko nga, sira ulo si Trax. Mas pinili kasi niyang layuan ang babaeng mahal niya dahil sa obligasyon daw niya sa akin na laging maging karibal niya sa stage. Dahil mawawalan daw ako ng direksyon sa buhay kapag nawalan ako ng karibal. See that? I told you he's an idiot." He sipped on his drinks with a smile on his lips. "He's a good guy, but an idiot nonetheless. It's a good thing Mirajane didn't give up on him. Kaya hayun at masaya na siya sa wakas. Minsan, Ma, kapag hindi ka busy sa pagpupuri kay Lord diyan sa langit, puwede mo bang dalawin si Trax at batukan? Wala lang. Sira ulo kasi."

Pinaglaruan ni Avex ang yelo sa kanyang alak nang mapansin ang nangingintab na bahagi ng kanyang kamay, salamat sa ilaw na nagmumula sa bawat bahagi ng hardin. Kung hindi siya nagkakamali, pulbura iyon galing sa ginamit niyang baril sa target shooting kanina. His hands still hurt a little from holding and firing a gun for hours. Yet it didn't lessen the boredom he was feeling.

"You know what, Ma? I'm still hoping Trax would stay the same, as my eternal rival. Coz he was right. Beating him to the top was the only thing that keeps me up my feet. Ngayong may iba na siyang ibang pinagkakaabalahan. Don't get me wrong, okay? I want him to be happy. And I'm glad he finally found the woman who would complete him and take him out of his idiocy. Hes' a good guy, a good friend...a great brother. He deserves to be happy." He sighed with a pouted lips. "I'll miss beating him to the top."

The Unexpected You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon