Part 8

6.4K 175 1
                                    


KASING GLOOMY ng panahon ang mood ni Tara nang umagang iyon habang nakatitig lamang siya sa cash register ng Hanoel. Kahit na nga pagod na siya sa maghapong pagtatrabaho, hayun at hindi pa rin siya makapagpahinga ng maayos sa gabi pag-uwi niya. At nagsimula iyon nang araw na magpaalam siya kay Avex. Pero may motto yata sa buhay ang mga bagong nagmamahal.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

Ayaw niyang batukan ang sarili. Pinili niya ang pangarap niya para sa kanyang pamilya imbes na pakinggan ang pangungulit ng kanyang puso. Kaya dapat ay masanay na siyang laging nanghihinayang sa pinalagpas niyang pagkakataong lumigaya sa piling ng lalaking minahal niya. Kapalit iyon sa naging desisyon niya.

Gayunman, hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na mangarap na sana ay makita pa at makausap si Avex kahit hanggang sa makaalis man lang siya ng bansa. Masyado ba siyang makasarili? Hindi naman siguro. Gusto lang naman niyang pagbigyan ang hiling ng kanyang puso kahit sandali lang. O kahit makita man lang si Avex. Kahit isang sulyap lang...

"Pabili nga."

Lumipad ang lahat ng iniisip niya nang marinig ang boses na iyon. Avex! Pag-angat niya ng tingin, hayun nga sa harapan niya ang lalaking natutunan ng mahalin ng kanyang puso. In his usual stylish messed up garb, he was still the most gorgeous messed up-looking guy she had ever seen. Hindi nga lang ito nakatingin sa kanya, kundi sa menu na nakalagay sa bandang itaas sa likuran niya.

Lumipat siya mula sa cash register patungo sa harapan nito. Still, he was looking at nowhere else but at the menu above. She could feel her heart shrinking into a corner, trying to comfort that little pains she was starting to feel.

Gone was the man who made her feel like she was the only woman in the world. The only beautiful thing in his eyes. The only woman in his life.

Okay lang, kumbinsi niya sa sarili. Okay lang iyan...

"One brewed coffee."

Tahimik niyang itinala sa cash register ang order nito at muling hinintay kung magdadagdag pa ito ng order. Ngunit matapos ang ilang sandaling katahimikan ay naglabas na lang ito ng pera at iniabot iyon sa kanya.

"That would be all, thanks," wika nito saka nagtungo na sa bakanteng table sa tabi ng glass panel window at itinutok na ang atensyon sa pagbuhos ng ulan sa labas ng coffeeshop.

Okay lang...

"May LQ kayo?" narinig niyang tanong ni Gerry. "Hulaan ko kung sino ang may kasalanan. Ikaw."

Napabuntunghininga lang siya para kahit paano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman. "One brewed coffee daw."

"Hindi ka tatanggi? Himala."

"One brewed coffee. Gawin mo na agad o ikaw ang igigiling ko sa gilingan ng kape."

"Okay, okay. Grabe. Ang init yata masyado ng ulo mo ngayon. Guilty?"

"Oo. Super."

Kung anoman ang naging reaksyon ni Gerry sa sagot niya, marahil ay sinarili na lang nito dahil hindi na niya ito narinig pang nagsalita. Siya naman ay muling inabala ang sarili sa cash register sa paghahanap ng magagandang piraso ng barya na isusukli sa pera ni Avex. She took her time, to avoid letting her eyes and attention drifted to that man who now owns her heart.

Naglagay si Gerry ng extra bagel sa tray kasama ng tinimpla nitong kape. "Baka kasi gutom na ang sweetheart mo. Kung anoman ang pinag-awayan ninyo, ayusin mo na. Alalahanin mo, aalis ka na sa susunod na araw. Oo nga pala, bakit nandito ka pa? Resign ka na kaya dapat 'yung pag-eempake ng mga gamit na ang inaasikaso mo."

The Unexpected You (COMPLETE)Where stories live. Discover now