Part 5

7.4K 177 2
                                    


"IIIIIHHH...KINIKILIG AKO!"

Natawa na lang si Tara nang makita ang customer na niyakap ang cellphone nito. "Good news, Mam?"

"Better than good news. Dominic called me."

"Boyfriend nyo?"

"Hindi. Top five kong crush."

"Ah." Inilapag na niya sa table nito ang in-order nitong kape at isang hiwa ng blueberry cheesecake. "Top five. Ang dami nyong crush, ah."

"Kailangan ko 'yon para mabuhay. Lalo na sa tulad kong manunulat."

"Writer kayo, Mam?"

"Oo. Tagalog romance. Nagbabasa ka ng ganon?"

"E...hindi masyado, Mam. Busy ako sa trabaho ko, eh."

"Ay naku. Kailangan mong magbasa, lalo na ng mga gawa ko." May kinuha itong maliit na libro sa bag nito, pinirmahan iyon saka inilapag sa tray na hawak niya. "Hayan. Gawa ko iyan. Basahin mo kapag stressed ka na."

Natawa na lang siya. "Sige, Mam. Salamat. May order pa ho ba kayo?"

"Wala na. Ah, wait. May kilala ka bang Tara? Dito raw siya nagtatrabaho, eh."

"Ako ho?"

"Ikaw si Tara? Great.  Dominic said their dear Avex wanted to date you."

Muntik ng dumulas sa kamay niya ang hawak niyang tray. "Si...Avex?"

"Oo. 'Yung guwapo-kahit-mukhang-gusgusing musician na half-brother ng isa pang guwapong talented na musician."

"Kilala mo sila?"

"Isinama kami ng boss namin minsan sa reunion ng barkada ni Dominic. Ewan ko nga rin kung paanong napasama roon si Boss Rodgine samantalang ang pagkakaalam ko e school for boys ang dating paaralan nina Dominic..."

Hindi na niya masyadong nasundan ang kadaldalan ng babae dahil na-stuck na siya sa naunang impormasyong sinabi nito. Avex wanted to date her.

'I'm enjoying this. I'll see you in a few days, Miss Minority.'

Those were Avex's words when they last saw each other a few days ago. Akala nga niya ay hindi na ito magpaparamdam pa pagkatapos ng munting eksena nilang iyon sa kanilang bahay sa harap ng kanilang refrigerator. Hindi niya sineryoso ang sinabi nitong liligawan siya nito. Pero babae siya, kaya natural lang sa kanya na umasa kahit paano na sana nga ay totoo ang sinabi nitong iyon. Ngunit sa paglipas ng ilang araw na wala man siyang narinig na kung ano mula nang huling beses silang nagkita, unti-unti na rin niyang pinilit ang sarili na kalimutan na lang ang kalokohang iyon ng sira ulong artist na iyon. Unfortunately, hindi siya nakalimot.

Kaya nang muling marinig ang pangalan ni Avex, hayun at nagrarambulan na naman ang daga sa kanyang dibdib.

Ah, whatever! Sa tipo ng lalaking iyon, hindi na dapat siya umasang magseseryoso ito.

"Huwag mo masyadong intindihin ang sinabi ng top five mong crush, Mam. Malamang nahipan na naman ng malamig na hangin ang utak ng musikerong iyon."

"Lakas tama ba? Kunsabagay, para ngang may saltik iyong si Avex. But then again, artists have their own unique ways to convey what they want to someone. Gaya ko. Since I'm a romance novelist, considered na artist na ako at isa sa paraan ko para maiparating kay Lord ang appreciation ko sa pag-manufacture Niya ng mga pogi sa mundo ay sa pamamagitan ng mga nobela ko."

"Babae ka naman kasi, Mam. Kaya alam kong seryoso ka sa pagpapahayag mo ng kung anomang gusto mong iparating sa mga tao. Pero si Avex? Ilibre mo lang iyon, siguradong magbabago na agad ang pananaw nun sa buhay."

The Unexpected You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon