Part 10

13.3K 389 74
                                    


"TAWAGAN MO NA SIYA! BILIS!"

"Kapag iyon nakapasok na ng eroplano, lagot na tayo! Hindi na natin talaga siya maaabutan!"

"Tawagan nyo uli si Rodgine . Sabihin nyong hwag nya munang papasukin si Tara sa departure area!"

"Ako na ang tatawag—"

"Markus, huwag mo nang painitin ang ulo ni Rodgine ngayon at baka iligaw pa tayo ng babaeng iyon."

"She would never do that. Mahal ako nun."

"Si Tara ang dapat na tinatawagan ngayon! Avex, just call her damn number!"

Iyon na nga ang ginagawa ni Avex kanina pa. Hindi nga lang niya magawa nang maayos dahil sa ingay at gulo ng mga kasama nyang nagsisiksikan sa sports car ni Dryden na dapat e pang-apatan lang. Mabuti na lang at nakababa ang hood ng kotse kaya nagkasya silang anim doon. Ang pobreng sasakyang iyon ni Dryden ang basta na lang nila sinampahan nang matanggap nila ang tawag kanina ni Rodgine na paalis na nga raw ng bansa si Tara nang araw na iyon. Mabuti na lang at magkakasama sila ng mga kaibigan niya habang dinudurog ng mga ito ang pagkatao niya sa hindi raw niya pakikipaglaban sa nararamdaman niya para sa dalaga. When he ran out after he heard that call, his friends followed him and hopped in the nearest car available in sight.

"Hoy! Huwag kayong magulo riyan at baka masira ang upholstery ng baby ko!" saway ni Dryden sa kanila.

"Huwag mo na kaming pakialaman dito at 'yang pagmamaneho mo na lang ang asikasuhin mo! Tingnan mo, maiipit na tayo sa trapik! Humanap ka ng ibang daan!" sigaw niya rito.

"Bakit kasi itong kotse ko ang pinag-initan nyong sakyan? Pinahihirapan nyo ang baby ko! Ang bibigat nyo, mga lintik kayo!"

"Nanda kure?! What the hell is this?! Ang sikip! Ang ingay! It-taaaa!"

Itinulak ni Avex ang mukha ni Keigo dahil istorbo na ito sa pagpindot nya sa numero sa cellphone na hawak.  "Shit! I can't remember her number!"

"You what?!" Pinitsarahan siya ni Trax. "You don't have your girl's number?"

"How can you not remember your girl's number?!" singhal na rin sa kanya ni Dominic.

"I have her number! Pero pinabura nya!"

"At binura mo naman?!" asar na talaga si Trax. "You idiot! Paano ba kita naging kapatid?!"

"Bakit hindi sinasagot ni Rodgine ko ang tawag ko?!"

"Trapik! Trapik! Shit!"

"Ibalik nyo ako ng Japan!"

Balak na talaga ni Avex na itapon ang cellphone nyang walang silbi at tumalon sa sports car oras na huminto iyon sa papakapal na trapik sa bandang unahan ng highway na iyon. Tatakbuhin na lang niya papuntang airport tutal malapit na rin naman. O kaya ay mang-hostage siya ng taxi at silawin ng pera ang driver para makarating siya agad ng aiport sa lalong madaling panahon.

Nang mapansin niya tatlong hagad ng pulis na sumulpot sa harapan ng kotse nila. Hinawi niyon ang ibang mga sasakyan at gumawa ng daan kung saan agad na kinabig ni Dryden ang manibela ng sports car nito. Their car picked up speed. Sa likuran nila ay napansin niya ang isang itim na Pajero.

Bumukas ang bintana niyon at sumungaw ang nakangising mukha ni Emiru. "Hi, boys! Mukhang enjoy na enjoy kayo sa roadtrip nyo, ah."

"Save me!" sigaw ni Keigo rito.

Kilala ni Avex ang sasakyang iyon. Kay Jamic. At malamang ay ang senador din na iyon ang may pakana ng mga hagad na umaalalay sa kanila ngayon.

Jamic, I could kiss you for this!

The Unexpected You (COMPLETE)Where stories live. Discover now