1.Time Machine

47 5 0
                                    

"Bakit ba ako ganito? Bakit ang unfair ng mundo?"

Nuhuhuli ko na lang talaga minsan na kinakausap ko ang sarili ko. Weird ba? o isang kabaliwan? Hay... Ewan ko. Ang drama kasi ng buhay ko. Minsan iniisip ko na gumawa ng time machine kahit alam kong imposible. Nakakatawa man, pero seryoso talaga ako dito dahil gusto kong takasan ang mapaglarong mundong 'to.

Dali dali akong tumayo. Kinuha ko ang aking journal at ballpen at tsaka umupo sa harap ng aking computer desk.

Dear Journal,

Mag-isa na naman ako, ang lungkot journal pero 'di ba eto naman ang gusto ko? Ang palaging mag-isa? Ang alone time ko? Saan ba kasi nagsusuot etong bestfriend ko, kailan ba siya dadating sa buhay ko? Nakakainip na maghintay. Baka pag dumating na siya wala na ako. Sana bilisan mo. Magpakita ka na.

Sana dumating ka na... Bestfriend ko.

Ipinasok ko na ang aking journal sa loob ng aking bag at agad na kinuha ang cellphone ko at headset, pagkatapos ay pinatugtog ang paborito kong kanta ang 'Be Still' na kinanta ni Kari Jobe. Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim na inaanalisa ang bawat lyrics ng kanta.

"Ano kaya ang feeling ng may kaibigan? Siguro masaya, gusto ko din maranasan yung may nag-aalala sakin, may nagmamahal sakin."

Nang bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko.

"Ang drama mo talaga Viean" ang tanging sambit ko at agad itong pinunasan.

Tumingin na lang ako sa kisame at iniisip ang bagay na yun, ang time machine. Totoo kayang may ganun? Kung oo saan naman ako makakabili nun? Ang daming mga katanungan na namumuo sa aking isipan dahil sa pagiging desperada ko dito. Alam ko na isang kabaliwan lang sa iba ang time machine. Pake ko ba? Hindi parin ako hihinto. Gusto kong bumalik sa nakaraan. Malay mo maawa ang Diyos sa akin at ibalik ako sa nakaraan. Malay mo lang naman.

Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid. Masikip at puno ng libro ngunit napako ang paningin ko sa isang bagay. Ang bracelet na yun na bigay sa akin ng dati kong kaibigan, kaibigan na akala ko totoo. Sinayang niya ang mahigit na isang taon naming pinagsamahan.

Naaalala ko pa ang lahat.

Ang lahat lahat mula ng nagkakilala kami at kung paano niya ako iniwan.

Wag ka ng magparamdam sa akin Viean. Di kita kailangan. I don't need an Immature Bestfriend. Isip bata ka talaga. Tss

Napaluha na lang ako dahil sa mga katagang iyon na itinatak niya sa aking isipan at dahilan upang kamuhian ko siya. Ang sakit isipin na ang itinuring kong kapatid ay ipinagtabuyan lamang ako na parang isang aso. Ito din ang dahilan kung bakit nag-iingat na ako sa pagpili ng kakaibiganin.

Kinuha ko ang bracelet na yun at kumuha ng gunting upang sirain ito. Napaupo na lang ako sa isang sulok, takip ng dalawa kong palad ang aking mukha.






Gusto ko ng makawala...

Time TravelWhere stories live. Discover now