6.Bestfriend

21 4 2
                                    

Dito pa lamang ay tanaw ko na si Aivan na nakatayo sa gate. Para bang may hinihintay ito. Tumingin ito sa kanan at sa kaliwa, nagtama na naman ang aming mga mata. Binigyan ako ni Aivan ng isang malaking ngiti ng makita ako.

"Yan Yan!"

Sigaw nito habang taas taas nito ang kanyang kamay at winave pa. Nahiya ako bigla sa ginawa niya. Nagulat na lang ako ng may maramdaman kong isang kamay sa balikat ko.

Ang bilis naman kumilos ng taong ito.

"Let's go"

Pag-anyaya nito sakin. Hindi ako makapaglakad at tanging ang lakas lamang ng kanyang mga kamay ang nagpapaabante sa akin. Pinagtitinginan kami ng mga tao na para bang isang celebrity.

"Akin na yang bag mo, ako na ang magbubuhat Yan Yan. Hindi ka na kasi makapaglakad baka nabibigatan ka diyan."

Nakakapagtagalog ka pala Aivan e. May pa-english english ka pang nalalaman ha.

"Nagulat ka ba Yan Yan? Nag-aral talaga ako magtagalog para naman maintindihan mo na ako."

"Pakiramdam ko kasi dati palaging dumudugo ang ilong mo kapag naririnig mo na akong magsalita." Sabi nito habang tumatawa.

No comment parin ako at hinahayaan ko lang na pakinggan ang mga sinasabi niya. Pagkarating namin sa classroom ay bumungad sa akin ang napakasamang tingin sa akin ni Zoe.

Ano bang problema ng babaeng 'to? Palagi na lang siyang ganito, walang naman akong ginagawang masama sakanya.

Aivan: Yan Yan?
Ako: Hmmm?
Aivan: Akala ko hindi mo na naman ako papansinin e.
Aivan: Kamusta ka naman dito habang wala ako?

Ang totoo niyan Aivan, pumayapa ang pamumuhay ko nung nawala ka.

Aivan: Oh, hindi kana naman ba magsasalita?
Aivan: Hindi ka ba naaawa sakin Yan Yan?
Aivan: Para akong kumakausap sa hangin.
Aivan: Yan Yan?
Aivan: Yan Yan.....

Tinignan ko siya at ang cute niyang tignan. Nakapout siya na parang isang bata.

Ako: Para kang baliw Aivan.
Aivan: Sa wakas, kinausap mo din ako.
Ako: No comment
Aivan: Oh, hindi ka na naman magsasalita?
Aivan: Yan Yan naman e.
Aivan: Pero okay lang at least ito yung pangalawang beses na narinig ko ang boses mo.

"Bring out a one fourth sheet of paper!"

"Ma'am naman..."

"Ma'am...."

"Hindi pa ako nakakapagreview"

"Quiz na naman?"

Rinig ko ang pagrereklamo ng mga kaklase ko ng bigla na lamang pumasok si Ms. Vanna.

"Number 1!"

Aivan: Huy Yan Yan..
Aivan: May papel ka na ba?
Ako: No comment
Aivan: Hati na tayo dito.

Inilapag ni Aivan sa table ko ang papel pero tinitigan ko lamang ito. Hindi ko alam kung bakit nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko din magawang kumuha ng ballpen sa bag.
Aivan: Ano Yan Yan? Wala ka bang ballpen? Oh, eto. Pasalamat ka boy scout ako.

Oo na lang Aivan, boy scout ka na lang.

Napansin kong napatingin si Aivan sa papel ko na walang sulat kahit pangalan ko.

"Pass your paper in front!"

Aivan: Ano bang nangyayari sayo Yan Yan?

Hindi ko alam Aivan.. Hindi ko alam.

Pagkaalis ni Ms. Vanna ay hinila ni Aivan ang kamay ko. Idinala niya ako sa burol.

Hindi pa tapos ang klase. Bakit tayo umalis?

Gusto ko siyang tanungin ngunit may kung ano na pumipigil upang manatiling nakatikom ang aking labi. Pero agad din nasagot ang katanungang iyon.

Aivan: Pansin ko kasi Yan Yan na wala ka sa sarili mo. Hindi mo sinulatan ang papel na bigay ko sayo.
Aivan: May problema ba?
Ako: Aivan?
Aivan: Hmmm?
Ako: Hindi ka ba napapagod?
Aivan: Saan?
Ako: Sa kakasalita.
Aivan: Hindi at salamat sa sarili ko dahil dun ay kinausap mo din ako.

Proud nitong sabi habang nakangiti. Ang sarap niyang pagmasdan sa angulong iyon. Kinuha ni Aivan ang bag nito at may inilabas. May dalawang maliit na magu-mogu, chippy, burger, at pizza. Medyo mainit pa naman ang pizza at natatakam na talaga ako. Pero kailangan kong pigilan, nakakahiya.

Aivan: Ayan, sinadya ko talagang bilhin yan para sayo.
Ako: Bakit?
Aivan: Ano ba naman yang tanong na yan Yan Yan. Syempre, kasi paborito mo yan. Hindi ba?
Aivan: Dali na, hindi na masarap ang pizza kapag lumamig.
Ako: Mmmm...

Nginitian ko siya at kinuha ang isang box ng pizza. Dalawang subo pa lang pero ubos ko na ang isang slice nito. Napatingin ako kay Aivan na kanina pa ako tinitignan. Tumatawa ito na halos mawala na ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagtawa.

"Naaalala mo pa ba? Yung sa may tabing dagat?"

Nabilaukan ako bigla sa sinabi niya. Dahil alam ko na kung ano ang pinupunto niya. Binigyan niya ako ng isang bottle ng tubig saka ulit ito nagsalita

"Eat slowly Yan Yan, there's no rush going on."

"Wait, there's something on your face."

Pinunasan ko ang aking mukha upang maalis ang something na sinasabi niya.

"Here, let me do it."

He wipes my lips with his handkerchief.

"There"

Ako: Aivan?
Aivan: Bakit?
Ako: Thank you
Aivan: For what?
Ako: Thank you kasi ang laki na ng pinagbago mo. Thank you kasi ang bait mo na. Thank you kasi pinasaya mo ako ngayong araw.

Tinignan ko ulit si Aivan. Napatameme ito. Ikinaway-kaway ko ang aking kamay sa harap nito.

"Ang dami ng sinabi mo Yan Yan, ulitin mo nga. Bibilangin ko lang kung ilang words yun."

"Yun na talaga ang pinakamahabang sinabi mo."

Pumapalakpak pa ito na akala mo'y nang-iinsulto.

"Narealize ko din kasi Yan Yan na mali pala ang mga ginawa ko sayo. Kaya ngayon bumabawi ako."

Aivan: Nung una kitang nakita sa may kalsada habang nanonood napangiti talaga ako kasi hindi ko akalain na makikita ulit kita at ang mas masaya pa nun ay classmates tayo.
Ako: Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit mo ito ginagawa Aivan.

Nginitian lamang ako nito saka tumayo at muli akong tinignan. Ibinaling ulit nito ang kanyang paningin sa paligid.

"Today at this moment. I would like to declare Viean Harper as my bestfriend!!!"

Sigaw nito na labis na nagpangiti sa akin.


May bestfriend na ako.



Time TravelWhere stories live. Discover now