2.First Day of School Ulit

36 3 0
                                    

Tatlong araw din akong nawala at ngayon ay papasok na naman ako sa mala-impyernong lugar. Nakayuko parin akong naglalakad patungo sa classroom, sa Room 3 katabi nito ang Room 2 at Room 1 kung saan ang rooms ng senior, habang sa kanang bahagi naman nito ay faculty office at principal office. Sa kaliwang bahagi naman ang clinic. Habang sa first floor naman ang library, computer lab, SSG office, at cub office.

Habang tinatahak ko ang papuntang classroom bigla ko na namang naramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Kailangan ko pang umakyat ng hagdanan bago makarating doon. Nasa second floor kasi ang classroom ko. Habang naglalakad hawak hawak ko ang naninikip kong dibdib.

Heart, please behave. Please lang. Sana makisama ka ngayon.

Pagkarating ko ng classroom.

Ang tahimik yata, himala

Dire-diretso kong tinungo ang upuan ko at inilapag ang aking bag. Hinanap ko agad ang headset ko at nakinig ng music. Nasa tabi ng bintana ang upuan ko, sa pangatlong row kaya mula dito ay kitang kita ko ang langit.

Ang ganda. Feeling ko first day of school ulit. Mapayapa ang lahat at nakikiayon ngayon ang aking mga kaklase. Para silang nakainom ng potion na pampatikom ng bibig.

Gusto ko tuloy humiga sa ulap at tignan ang baba mula doon.

Bigla kong napansin si Alex na nakatingin sa akin na para bang may dumi ako sa mukha. Si Alex Perez ay isa sa mga sikat na basketball player sa school. Pinunasan ko ang aking mukha dahil baka mayroon nga, ang lagkit kasi ng tingin, nakakairita. Napatingin muli ako sakanya at ngayon ay tumatawa naman ito na kung titignan ay parang bagong labas sa mental.

Ang engot talaga ng taong 'to kahit kailan.

Napatingin naman ako sa paparating pa lamang na si Sir Charles Tan. Nag-iwan lamang ito ng gagawin at umalis din agad. Dati nagrereklamo ako kasi ganito madalas ang ginagawa niya ang mag-iwan ng seatwork saka aalis agad ng hindi man lang ito ipinapaliwanag. Pero narealize ko ayos din pala ang ganito.

Ibinaling ko ulit ang aking atensyon sa labas. May nahagip ang aking mga mata na burol. Sa tagal ko ng nag-aaral dito ngayon ko lang napansin 'to.
-------

Uwian na. Agad agad kong kinuha ang aking bag at napagpasyahang puntahan ang nakita kong burol kanina. Hindi din kasi ito kalayuan. Gusto ko munang mapag-isa kahit ilang sandali lang.

Pagkarating ko dito ay ramdam ko na naman na naninikip ang aking dibdib.

Wag ngayon please, wag ngayon.

May nakita akong maliit na puno sa may gilid at mayroong gawang pahaba na upuan dito. Para talagang ginawa ang lugar na ito para sakin. Itinaas ko ang aking mga kamay upang damhin ang ihip ng hangin. Para bang wala akong dinadahing na sakit. Sa wakas, nahanap ko din ang comfort zone ko.

"Hindi ko alam na mayroon palang ganito rito. Bakit ngayon lang kita nadiscover. Ito ang sinasabi kong langit. Walang maingay, walang mga classmates, walang gulo, tanging ako lang."

Humiga ako sa damuhan at tumingin sa kalangitan. Ang mga ulap ay parang may buhay. Ang mga damo ay malayang sumasayaw kasabay ng bawat pag ihip ng hangin.

Napatingin ako sa aking relo at lampas 6 na pala. Pero parang napako na ako sa kinahihigaan ko ngayon, pinapanood ang paglubog ng araw.

Ang ganda talaga.

Time TravelOnde histórias criam vida. Descubra agora