11.Where are you?

10 3 0
                                    

Aivan's POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto kong tuparin ang bucket list ni Yan Yan. Nagawa ko na yung iba kahapon at satisfied ako dun, ngayon kailangan ko ng gawin lahat yun dahil Gusto ko siya maging masaya.

Ang tagal naman pumasok nun. Madalas nga akong nauunahan nun pumasok e. Bakit kaya wala pa siya?

Yan Yan, nasaan ka na ba?

"Hi Aivan" bati sakin ni Ruby

"H-hi"

"Oh, bakit wala si princess mo?"

"P-princess k-ko?"

"Hindi ba? Ang sweet niyo kasi at tsaka palagi kayong magkasama"

"Bestfriend ko lang yun"

"Kung ganun, may pag-asa pa pala ako." Narinig kong bulong ni Ruby

"Sige ah, may hinahanap kasi ako."

"Okay Aivan ko"

Tss. Ganito ba talaga dito? Ang lalandi ng mga babae. Hindi naman sa pagiging mahangin pero masyado siyang obvious. Buti pa si Yan Yan ko, simple lang, tahimik, at gusto ko ang pagiging weird niya.

"Stay from being weird Yan"

Nalibot ko na ang buong campus pero hindi ko parin siya mahagilap, hindi na din ako pumasok para lang hanapin siya. Hindi ko din kasi siya macontact pati phone ng mama niya, walang sumasagot. Tumungo ako sa burol kung saan kami madalas tumatambay pag hapon. Kaso wala parin akong makitang Yan Yan dito. Para akong nakikipaghide and seek sa hangin na napakaliit ng chance na makita ko siya.

"Where are you Yan Yan? WHERE ARE YOU!"

Napasigaw na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagiging hopeless ko na hindi ko siya makikita buong araw. Hindi ako sanay ng wala siya. Di man lang niya ako tinext o tinawagan na hindi siya makakapasok. Imbes na magtampo ako, binabalot ako ng pag-aalala.

"Paglaki ko papakasalan kita Yan Yan. Itaga mo yan sa bato ha. Pakatandaan mo itong sinabi kong ito."

Nagflaflashback ang lahat, ang childhood ko, ang childhood promise ko.

Naramdaman kong may malamig na tubig na bumagsak mula sa itaas. Naglalakad akong basang basa ng ulan.

"Mabuti pa ang panahon dinadamayan ako"

Nararamdaman kong umiinit ang aking mukha. May tumutulong luha mula sa aking mga mata. Bakit mo ba ako ginaganito Yan Yan?

"A-Aivan?"

Pinunasan ko agad ang mga luhang kanina pa bumabalot sa buo kong mukha. Iniangat ko ang ulo ko para makita ang nagsalita.

"I-ikaw na ba yan bro? Long time no see ah"

Nginitian ko lang ito saka yumuko agad. Aaminin ko disappointed ako, akala ko siya.

"Ano? Kamusta ang Australia dude? Tagal mong nawala a"

"Para kang binagsakan ng Pluto sa itsura mo. May problema ka ba?"

"Babae ba yan?"

"Naku, sino yan ha?"

"Napakatinik mo parin sa babae. Iba ka talaga dude."

Bakit nga ba ako ganito sakanya? Isang araw lang naman siyang wala, isang araw ko lang naman siyang hindi nakita pero ang o.a ko magreact.

"May alam akong malapit na bar dito. Makakapagrelax ka dun. Ano? Sama ka ba?"

Hindi ko siya pinansin. Ang dami dami niyang sinabi. Masahol pa siya sa M16 riffle. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapunta ako sa tabing-dagat. Umupo ako sa may light house at hinahayaan na i-comfort ako ng hangin.

"Yan Yan! Please naman!!!"




Viean's POV

Buong araw akong nakikipagkarera sa hinanga ko, buong araw din akong nakikipagbattle sa puso ko. Hindi ko kinaya ang pagod kahapon idagdag pa ang scarry rides na sinakyan namin ni Aivan. Naka77 missed call siya sakin, pati din kay mama tumatawag siya pero sinabi ko sakanya na wag niyang sagutin dahil ayoko na mag-alala siya, ayoko na kaawaan niya ako.

Hirap na hirap na ako, hirap na hirap na akong mabuhay. Inhaler, electric fan, at nebulizer lang kasa-kasama ko sa buong magdamag. Personal na din na pumunta si doctor Taylor para tignan ang kalagayan ko. Sinaksakan ako ng napakaraming apparatus sa katawan, nangailangan na din ako ng oxygen dahil hindi na sapat ang ihaler at nebulizer para makahinga ako ng maayos. Gusto ko na lang mamatay kaysa mahirapan pa ako.

"Mr. and Mrs. Harper, sinabi ko na sainyo na mas makakabuti kung dito na lang siya sa bahay. Hindi makakabuti sakanya ang ibinibigay ng kalikasan sa katawan niya. Kung gusto niyo pa siyang mabuhay ng matagal sundin niyo ang sinasabi ko."

"Gusto ko lang naman na mamuhay ng normal ang anak ko."

Okay lang ako ma, pa

Nakita kong umiiyak sina mama at papa. Naiintindihan ko sila. Sorry po pinag-aalala ko kayo ng sobra. Kailangan ko na din siguro magpaalam kay Aivan. Kamusta na kaya siya? Gusto ko na siyang makita ulit, gusto ko ng pumasok ulit. Kaso ang sabi ng doctor ay kailangan kong magpahinga at least isang linggo.
Niyakap nila ako na parang wala ng bukas.

"Ma, okay lang po ako. Wag kayong mag-alala. Malakas ang mga Harper."

Sabi ko sakanila para naman mabawasan ang pag-aalala nila sakin. Nagiguilty din kasi ako sa tuwing nakikita ko silang ganito.

"Anak, okay lang ba sayo na wag ka na munang pumasok?"

"Pero pwede po ba na pumasok ako bukas? Kahit bukas lang po. Magpapaalam lang po ako kay Aivan."

Nagtinginan sina mama at papa na animo'y tutol sila sa gusto kong mangyari.

"Payagan mo na Pa."

"Sige anak, pero siguraduhin mo na magiging maayos ang kalagayan mo ha. Umuwi ka ng maayos."

Tumango ako ng may ngiti bilang sagot. One day is enough. One day is enough para makapagpaalam ako.





Sorry Aivan...

Time TravelWhere stories live. Discover now