7.Exhaustive

18 4 1
                                    

"Yan Yan!"

Rinig kong sigaw ni Aivan habang tumatakbo papalapit sakin. Hinila nito ang bag ko papunta sa balikat niya. Tinignan ko lang siya ng walang kahit emoticons sa aking mukha.

Aivan: Bakit?
Ako: No comment
Aivan: Ano ba Yan Yan, ang creepy niyan.
Aivan: Tumigil ka na nga.

Natatawa na lang ako sa bawat reaksyon niya. Kalalakeng tao ganyan siya natatakot, sa tingin lang. What more kapag grabe na.

Ikaw talaga Aivan

"Tara na nga"

Itinutulak niya ako sa likuran ko papuntang classroom. Ng mahagip ng aking mga mata si Dylan na tila bubungguhin ako sa paglalakad.

"Op Op Ops!"

Humarang si Aivan para pigilan si Dylan sa binabalak nito.

Aivan: Ano ha? Ano?!
Dylan: Problema mo?

Tinaasan lang ng kilay ni Aivan si Dylan saka hinila ang kamay ko na para bang kinakaladkad na ako. Pagkarating ng classroom ay sa wakas binitawan din niya ang kamay ko.

"Ang sakit nun" Daing ko habang hawak hawak ito.

"Sorry Yan Yan" sabi nito habang hinahaplos ang namumula kong kamay.

"Nalaman ko kasi kay Penelope na palagi ka palang ginugood time ng chimpanzee na yun."

Kailan ka naman nagkainterest na alamin ang tungkol sakin?

"Syempre we're bestfriends kaya nagpapaka superman ako. Ano ayos ba?" sabi nito habang itinataas taas ang kilay niya.

"If you say so Mr. Smartypants"

Nakaupo na ako pero siya ay nakatayo parin sa harap ng pinto na nanlalaki ang mga mata. Lumapit ito sakin.

"Anong smartypants ka diyan."

Bakit ayaw mo ba?

Hindi parin siya humihinto sa pagsasalita. Inilabas ko ang journal ko at sinimulan ang pagsusulat.

Dear Journal,

May bestfriend na ako at ito ang unang araw na ganito kami. I mean masaya ako kapag kasama ko siya. Ang laki na talaga ng ipinagbago niya journal at seryoso, labis akong natutuwa dahil feeling ko ay secured ako palagi kapag kasama ko siya. Sana lang hindi niya ako iwan. Dahil baka hindi ko kakayanin kapag iniwan pa ako ng isang kaibigan. Masaya pala kapag alam mo na may taong nagpapahalaga sayo. Sige Journal mamaya na lang ulit baka mabasa pa niya 'tong entry ko.

"Yan Yan, hindi ka ba nagugutom?"

Umiling lang ako bilang pagtugon.

"Okay, samahan mo na lang ako"

Hinila na naman nito ang kamay ko ng wala man lang pasabi kung saan tutungo. Kaming dalawa lang ang nakikitang naglalakad dito sa quadrangle at tanging ang mga yabag ng aming mga paa ang naririnig. Napukol ang paningin ko sa stage.

"Anong gusto mong kainin Yan Yan?"

"Sabihin mo na. Treat ko"

"Ano Yan Yan?"

Nilingon ako ni Aivan na hindi sumunod sakanya dahil kinuha ng palaruan ng table tennis ang atensyon ko.

Gusto kong maglaro. Gustong gusto.

Hinila na naman ni Aivan ang kamay ko na kanina pa namumula dahil kanina pa nito ako hinihila. Iniabot niya sakin ang isang raketa na animo'y gusto nitong sabihin na maglaro daw kami.

"Wala naman si Sir Charles e. Vacant natin sakanya."

"Ang matatalo ay manlilibre. Game?"

Kinuha ko ito at inumpisahan ang laban. Tinotodo bigay ko ang paglalaro para sa hindi nila pagsali sakin sa nakaraang intramurals at city meet. First set 11-0. Second set 11-0. Third set 11-0.

"Hindi ka man lang nagpabigay" Nayayamot na sabi ni Aivan.

"Halika na"

Hinawakan ko ang kamay niya. Ng bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, rason para hindi ako makahinga ng maayos. Nasa gitna kami ng quadrangle ng tumigil ako sa paglalakad. Hawak hawak ko ang aking dibdib dahil bigla na lang itong sumakit

Hindi ko na kaya...

Niyakap ko si Aivan nang tumingin ito sakin.

Ayoko na makita mo akong ganito Aivan. Ayoko

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha kasabay nito ang pag-init ng buo kong katawan. Nanghihina ako.

"Yan Yan, okay ka lang ba?"

Pinunasan ko agad ang luha ko dahil ayoko na makita niya akong nagkakaganito. Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Ayos lang ako."

Aivan's POV

Kanina pa ako salita ng salita hindi pala sumunod si Yan Yan sakin. Nilingon ko siya at nakita ko na nakatitig siya sa palaruan ng table tennis. Parang gusto niyang maglaro. I grabbed her hand at itinungo ko siya doon. Nakatingin lang siya sakin.

"Wala naman si Sir Charles e. Vacant natin sakanya."

Ibinigay ko sakanya ang raketa. Hindi ako marunong maglaro nito pero para sakanya gagawin ko.

"Ang matatalo ay manlilibre. Game?"

Nagpatuloy ang laro at puro smash ang inabot ko sakanya. Kita ko sa bawat galaw niya na todo bigay talaga siya. Hanggang sa huling set ay wala man lang akong nakuha kahit isang score.

"Halika na"

Pagtawag ko sakanya. Sandali pa ay bigla na lang ako niyakap ni Yan Yan. Hindi ko alam kung bakit pero parang tumigil ang mundo at ayoko na pakawalan pa siya sa mga bisig ko. Naramdaman kong may parang isang patak ng tubig ang tumulo sa aking balikat. Umiiyak siya, alam ko.

"Yan Yan, okay ka lang ba?"

Tinignan niya ako at nginitian.

"Ayos lang ako."

Alam ko na parang may mali. Ang mga ngiti na pinapakawalan niya ay hindi totoo.

Ano bang problema Yan Yan? Bakit hindi mo sabihin sakin? Sana kahit minsan magsabi ka naman sakin.

Ipinaupo ko muna siya sa isang bench para bumili

"Dito ka muna Yan Yan, babalik din ako agad."

Magsasalita pa sana siya pero umalis na ako.
-------

Babalik ako ngayon na may dalang chippy at mogu mogu. Ito kasi ang kaligayahan niya. Lalapit na sana ako sakanya pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Ang ganda niyang pagmasdan habang nakatingala sa kalangitan. Inilabas ko ang aking cellphone at kinuhanan siya ng litrato. Itinago ko ito agad ng mapansin kong nakatingin siya sa akin.

"Kain na"

"Bakit Aivan?"

Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan ang pagkain para sakanya. Nakatingin lang ito sakin at hinihintay ang sagot ko.

Ako: Pwede ba kitang sunduin bukas?
Viean: Saan tayo pupunta?
Ako: Ganyan ka ba talaga kapag tinatanong? Tanong din ang sagot?
Ako: Ipapasyal mo ako, hindi ba?
Ako: Bukas ng alas tres susunduin kita ha. Tara na ihahatid na kita.

Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha pero nginitian ko lamang siya ulit.

Nandito na 'ko Yan Yan. Hindi na kita iiwan.

Time TravelWhere stories live. Discover now