8.Bucket list

9 4 0
                                    

Nawala na sa isip ko ang tungkol sa time machine dahil kay Aivan. Mukhang magiging imposible din ang iniisip kong iyon kaya gumawa na lang ako ng bucket list. Para wala akong regrets kung sakali. Mas okay na ang handa no.

*Learn how to swim.
*Watch the sunrise and sunset in one day.
*Ride in a ferris wheel.
*Stay awake for 24 hours while watching movies.
*Ride on a scarry roller coaster.
*Go on a road trip.
*Learn how to play drums.
*Walk barefoot in the rain.
*Go stargazing.
*Watch a fireworks.
*Watch a meteor shower.
*take up photography.
*Dress up as nagi of the Hayate the Combat Battler.
*Eat a whole pizza by myself.

Simple lang ang mga ito pero hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa. Sana lang magawa ko na ang mga ito.

"Viean boyfriend mo nandito!" tawag sakin ni ate Joy.

Boyfriend? Sino naman kaya?

"Viean, susunduin kita bukas ha"

Tama, si Aivan nga. Loko yun pumunta talaga.

"Hi Yan Yan" bati sakin ni Aivan habang nakangiti.

"Bakit hindi ka pa nakapalit?"

"Aivan, kasi ano... Hindi ako papayagan ni mama."

"Ipinagpaalam na kita kay tita. Kaya magpalit ka na, dito lang ako maghihintay."

Nagsuot ako ng jacket at pajama. Bahala siya, nagyaya lang siya e. Bigla namang pumasok sina ate Joy at mama sa kwarto.

"Bakit yan ang suot mo? Mag-oovernight ka ba dun?" -Ate Joy

"Ito ang isuot mo anak"

Inilabas ni mama mula sa kabinet ang isang dress na hanggang tuhod ang haba.

"Mama, ang sagwa niyan. Ito na lang po. Di naman masama ang suot ko e."

"Bihis na bihis si Aivan tapos ikaw ganyan lang?" Sabi ni ate.

Lumabas na ako ng kwarto dahil wala talaga akong balak na magsuot ng ganun. Magmumukha lang akong kurtina dun.

"Tara na"

Pag-anyaya ko kay Aivan na nakatayo lang at titig na titig sakin.

"Ano? Ayaw mo? O, sige hindi na lang ako sasama."

"Hindi hindi, tara na"

Agad nitong kinuha ang kamay ko at isinakay ako sa kanyang motorsiklo.

"Kapit ka ng maigi Yan Yan, mabilis ako magmaneho."

Sabi nito habang itinuturo ang baywang niya.

Humawak ako sa balikat niya. Nakakahiya kasi kapag sa baywang baka iba pa ang isipin ng ibang tao.

Idinala niya ako sa tabing-dagat kung saan siya nangako sakin nung mga bata pa kami.

"Aivan, what's in your mind?"

"Can you still remember what I've promised you before?"

"Ha?"

"Nothing Yan Yan, don't bother."

Oo Aivan, naaalala ko pa. Pero masaya na ako kung ano tayo ngayon.

Ako: Aivan?
Aivan: Hmmm?
Ako: What are you afraid of?
Siya: I'm afraid of several things.
Siya: You?
Ako: I'm afraid of being forgotten.

Kahit hindi ko siya tignan alam ko na nakatingin siya sakin.

"Its just... I don't know. I'm afraid of change. I mean people do change. But I don't want you to change Aivan."

Sa pagkakataong ito ay tumingin ako sakanya.

"I want you the way you are right now. I hope you don't change. I'm afraid of losing people that matters to me."

"I won't change Yan Yan, I won't."

Nginitian ko lang siya sa sagot niyang yun at tumingin sa dagat.

Inabutan niya ulit ako ng chippy at mogu mogu. Napapalagi na niya akong binibigyan nito. Tinignan ko siya at nasa dagat ang atensyon nito. Ang sariwa ng hangin dito. Para kaming inililipad ng hangin dahil sa lakas ng ihip nito.

"Let's talk about other stuff  Yan Yan."

"You decide."

"You haven't told me anything about your crush."

Wala naman akong ganun Aivan e.

"Is it something to eat?"

Tinawanan niya lang ang sagot ko.

"Bakit ikaw mayroon ka ba nun?"

"Yeah, but she doesn't look like supermodel or something like that but she's pretty in and out."

Sino naman yun?

Tumayo siya at nagpagpag. Iniabot niya ang kanyang kamay sakin.

"Bakit?"

"Rock-paper-scissor"

Pinitik ni Aivan ang noo ko dahil wala akong tinira, ni rock, ni paper, o scissor man.

"Rock-paper-scissor"

Sabi niya ulit. Talo ako sa papel niya kaya pinitik na naman niya ang noo ko.

"Rock-paper-scissor"

Talo na naman ako sa papel niya. Napapikit ako ng akmang pipitikin sana na naman niya ang noo ko. Pero tumakbo siya palayo sakin na para bang sinasabi nito na habulin ko siya.

Nakikipaghabulan kami sa alon ng tubig. Ang saya talaga.

Kumuha siya ng stick at gumuhit sa lupa.

"Ako ba yan?"

"Mmm... Nagustuhan mo ba?"

"Ako ba talaga yan?"

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman ako ganyan kapangit e."

"Kaya nga kamukha mo 'to Yan Yan." Sabi nito habang tumatawa.

Umupo kami sa may hagdanan dito sa light house.

"Ano na naman yung gusto mo maging, Yan Yan?"

"Mmm... Puno, para kapag nagkaugat na ito hindi na ako mawawalay pa sa mga mahal ko."

"Ikaw?"

"Ako ba? Gusto ko maging jacket at pajama mo para palagi mo akong suot suot." Sabi nito habang tumatawa at kinakamot ang ulo.

"Loko ka talaga Aivan"

"Gusto mo na ba umuwi Yan Yan?"

"Dito muna tayo"

Gusto ko masaksihan ang paglubog ng araw.

"Okay" Sabi nito na nakangiti habang nakatingin sa cellphone niya.

Kanina pa siya titig na titig dito parang yung cellphone pa niya ang gusto na lang niyang kausapin.

Pero thank you Aivan, pinasaya mo na naman ako.

Time TravelOnde histórias criam vida. Descubra agora