Kabanata Una

11.2K 256 45
                                    

Hello, ang story na ito ay 2012 pang tapos sa isip ko at naisulat ko na sa notebook, noong panahong di pa uso ang touch screen cellphone sa akin at pocketbooks pa ang tanging sandigan ko at tanging classmate ko ang readers ko. Now naalala ko siyang i-share dito sa watty. Thanks to pinayblonde at  UndeniablyGorgeous dahil nabuksan ko ulit ang story na ito na matagal nang nakatabi sa mga gamit ko noong highschool pa ako. Share ko lang ito. Kung di man kayo magandahan atleast di ba? Pangarap ko ang nakalagay dati dito.. Hehehe..

CELESTINA

"Teacher review-hin natin ito", nakangiting sabi sa akin ng tutee ko na si Kiko. Naiiling naman ako nang ipakita niya sa akin ang isang libro history book siya.

Nang buklatin ko iyon at umpisahing review-hin siya ay kaagad naman niya itong nasagot. Nagreview pa kami sa ibang subject pero ang batang ito ang hilig talagang basahin ang history.

Eh tanda ko noon lagi kong tinutuluyan yan kasi naman. Ang daming loophole sa history. Yung mga bayani na hindi naman dapat. Hangang-hanga ako dati sa kanila kaso ng malaman ko ang katotohanan namili na lang ako ng bayaning iidolohin.

"Teacher paano kung isang araw mapadpad ka sa panahon ng mga Espanyol, ano ang gagawin mo?"

Napaisip naman ako bago ngumiti at ginulo ang buhok niya. "Bahala na kapag nakapunta na lang siguro doon, tyaka ko na iisipin"

Nagpout naman siya bago itinaas ang isang book. "Ako, pipigilan ko ang kasal ng lalaki dito sa kwentong ito, walang kwenta naman iyong papakasalan niya eh!"
Kaagad ko namang tinakpan ang bibig ni Kiko nang mapansin kong napatingin sa akin si Sister Anastacia.

"Ssh. Maghunos dili ka Kiko, bawal ang bad words. Understand?"

Tumango naman sa akin si Kiko baho sumandal sa aking balikat. Kinuha ko naman ang libro at binuklat-buklat ito. Luma na ang libro at parang konting panahon na lamang ang aantayin ay maaagnas na ang libro.

"Saan mo ito nakuha Kiko?"

Nangunot naman ang noo ni Kiko. "Teacher, di ba sa inyo iyan? May nakapangalan pa nga sa unang page eh"

Nagtataka man ako ay binuklat ko ang libro.
Para sa iyo Celestina, Mi Amore'

"Pero hindi akin ito Kiko", sabi ko. Nagkibit balikat naman siya. Napalingon kami ng may tumunog na busina.

"Sige teacher alis na ako, andyan na ang sundo ko",

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. "Sige, mag-ingat ka",
Napatingin naman ako sa hawak kong libro. Naiwanan pala ni Kiko, hahabulin ko sana siya pero hindi ko na inabutan pa. Nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa pagkakaupo. Inayos ko na ang mga gamit ko at nag-out.

Pagkalabas ko ng gate ay bumungad kaagad sa akin sina Maffy at Jayson. Ang sweet nila, grabe sana nga lang wag silang langgamin. Hindi ko sila kaaway sadya lang sigurong bitter ang lola niyo. Bakit kasi isang araw nagising na lamang ako na laging naiisip na ikakasal na ako?

Yan tuloy di ko sinasadyang nabasted si Alfred ang sweet tuloy nila ngayon ni Hannah Balakatak. Si Alfred, one year ko nang suitor pero dahil lang sa isang umaga nagising ako at nasabi sa kanyang 'Alfred, wag mo nang ipagpatuloy ang panliligaw mo dahil ikakasal na ako!' Boom!  Ano ba naman kasing klaseng katol ang nalanghap ko ng araw na iyon at nasabi ko yun sa kanya?

Yan tuloy lagi akong nagseselos lalo na kapag magpopose si Hannah ng "hashtag iba na ang in love". Ang sarap hambalusin.

Napabuntong hininga na lamang ako bago tumingin sa relo ko. Habang naghihintay ako ng sasakyan, binasa ko muna ang librong naiwan ni Kiko. At dahil literal na bookworm ako, natapos ko kaagad siyang basahin bago pa tumigil sa harapan ko ang bus. Kakainis namang yung lalaki, si Markus Archanghel. Aba't happily ever after na sina Trinidad at Juan ay inagaw pa niya si Trinidad. Kahit talaga sa history may mang-aagaw pa rin. Pero teka! Totoo kaya ang story na ito?
At para makasigurado ay inilabas ko ang cellphone ko. Swerte ko, may free wifi ang bus. Agad kong sinearch si Markus Archanghel kaso walang info. Sinunod ko naman sina Trinidad Flores... Yun meron... Wala nga lang picture. Year 1895 yung timeline. Ikatatlo sa anak ni Don Anastacio Flores at Donya Guada Flores.
Sinearch ko din yung kay Juan Cardenas at meron din. Triny ko ulit yung kay Markus Archanghel pero wala pa rin. Sobrang galit siguro sa kanya ng mga historian kaya hindi siya napasama sa history.

Sumasaiyo, Mi Amore'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon