Kabanata Dalawampu't Isa

3.2K 110 5
                                    

Dedicate ko ang kabanata na ito kay springmendezphr . Ang favorite kong author sa lahat... Thanks Miss Spring sa pagfollow. 😊😃😃.. Masaya po akong maging fan niyo.. Sensya na po hanggang ngayon hindi ko mahanap ang dedication button sa app na ito.. Hehe

Celestina

"Tumawa ka na please? Please Kristina?" nagsusumamong sabi ni Lucas.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang paglalaba ng nga damit. Kahit kailan talaga ang kulit-kulit niya.

Pumuwesto pa siya sa harapan ko at nagmake face pero sa halip na matawa ako ay lalo akong nainis.

"Maaari ba Lucas tigilan mo na ako? Kita mo oh? Naglalaba ako!"

"Tama siya Lucas. Tigilan mo na siya", sabad ni Markus at inagaw mula sa kamay ko ang linalabhan ko. Napakamot na lang si Lucas at nakitulong sa paglalaba.

"Conso-- ahm Kristina, ano ito?" tawag ni Markus ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang isang bagay na itinaas niya.

Dagli akong lumapit para agawin iyon ngunit nakuha kaagad ni Lucas. Para akong bata na pilit inabot ang hawak niya ngunit hindi sinasadyang tumilapon iyon at sumabit sa sanga ng isang puno malapit sa talon.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko habang pinagmamasdan ang nakasang-it na bagay.

Bakit ba naman kasi sa lahat ng damit na mahahawakan ni Markus ay iyon pa?

Iyong pasador ko na may bakas pang naiwan. Kakapiga ko lang doon eh!! Bakit kasi hindi uso rito ang sanitary napkin?!!

"Patawad", sabay nilang sabi. Halos lumabas na ang usok sa ilong ko sa inis sa dalawang ito.

"Maaari ba iwanan niyo akong dalawa! ***t" , angil ko.

Nakayuko naman nila akong iniwanan.

"Kristina patawad tungkol sa pasador mo!!" sigaw ni Lucas na ikinalingon at ikinahagikhik ng ilang kadalagahan naroon.

Nasampal ko na lang noo ko sa labis na hiya. Lupa pakiusap lamunin mo na ako!!

Sigh.

Isang linggo na ang mabilis na lumipas mula nang mamatay si kuya Rafael at hindi pa kami ganap na naghihilom nina ina. Masakit pa rin para sa amin ang nangyari sa kanya ngunit kinakailangan naming magpatuloy. Buhay lang naman kasi ni kuya ang nawala ngunit sa mga puso namin ay buhay na buhay pa rin ang bawat alaalang iniwan ni kuya.

"Ano ba kuya Markus! Tigilan mo na ako!" sigaw ni Lucas.

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sila. Naghilahan sa tubig at parang mga batang ngayon pa lang nakapunta sa ilog.

May pagkakataon pa na sumasakay si Markus kay Lucas sa likod dahilan para bumagsak silang dalawa sa tubig. Napalingon ako sa kababaihan na kanina lang ay ako ang tinatawan pero ngayon halos mamatay na sa kapipigil sa kilig habang pinagmamasdan ang dalawang mokong.

"Kay swerte mo talaga Kristina at may dalawa kang makikisig na manliligaw", bulong ni Florentina sabay siko sa akin.

Nailing lang ako at muling ipinagpatuloy ang paglalaba.

"Maglaba ka na lang para matapos ka!"

******************************

"Oh ano? Napala mo? May pahila-hila ka pa sa tubig na nalalaman, sakitin ka naman!" natatawang sabi ni Lucas kay Markus. Kahit nanghihina naman si Markus ay hinila niya para yakapin si Lucas.
"Ha! Hahawaan naman kita para magkaroon ka rin!"

Napangiti ako na nauwi sa tawa. Itong magkapatid na ito talaga namang.

"Ang lambing niyo talaga sa isa't isa"

Natilihan naman sila at sa isang iglap ay naghiwalay. Nasa bungad ako pinto dala ang tubig na pamunas daw sabi ni Rebecca.

"Kayo na ang bahala sa isa't isa ha? Uuwi muna ako kasi malamang hinahanap na ako ni ina",

Tumango sila at nagpaalam na ako sa kanila.

Sigh.

Heto na naman si Sandro at ang kabayo niya.

"Pag ihinulog talaga ako ng kabayong yan kakatayin ko iyan!" banta ko kay Sandro na nagpatawa sa kanya at isinakay na ako.

Humugot ako ng hininga at sumakay sa kabayo. Makaraan lang ang kalahating oras ay nakauwi na ako sa aming bahay. Nagmano ako kay ina at pumasok na kami. Hindi na ako nag-abalang papasukin pa si Sandro na nagmamadali ring umalis dahil kay Rebecca.

Alam na.

"Anak?" tawag ni ina. Napalingon ako sa kanya habang sabay naming pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.

"Sa tingin mo, alin sa mga bituin na iyan ang kuya Rafael mo?"

Marahan akong natawa sa kanyang tinuran.

"Talaga ina? Naniniwala kang naging bituin si kuya?"

Si ina naman ang natawa at yinakap ako ng mahigpit.
"Ikaw talagang bata ka. Ang hilig mong magbiro",

Nagkwentuhan pa kami ni ina ng iba't ibang bagay. Tulad ni ate Ofelia, napakahinhin kapag nandyan si Emmanuel (yung boyfriend niya) kapag wala naman ang lakas kumain tapos dumighay na dahilan para pandilatan ni Doña Guada. Kapag gabi naman minsan nakikitulog siya sa kwarto ko dahil may nakita raw siyang multo sa tapat ng bintana niya. Hinahayaan ko naman siya kaso ang lakas humilik.

Tawa lang kami nang tawa ni ina. Naku sana huwag makagat ni ate Ofelia ang dila niya kasi siya ang topic namin.

"Ikaw ba anak? Kailan mo balak ibigay ang puso mo sa isa sa magkapatid na Archanghel?" tanong niya.

Para namang nalunok ko ang dila ko. Hindi ako makaimik. Bakit nga ba?

"H-Hindi ko pa po kasi naiisip ang tungkol sa bagay na iyan",

Naiiling na bumuntong hininga si ina at bumangon. Napabangon na rin ako at hinarap si ina.

"Ito ang pakakatandaan mo anak. Kung nangangamba ka na baka may masaktan sa kanilang dalawa, wala ka nang magagawa pa roon. Dahil kahit sinuman ang piliin mo ay may masasaktan at masasaktan pa rin sa kanilang dalawa. Ang maipapayo ko lang na sana oras na namili ka hindi isip o hindi lang puso ang pairalin mo. Dapat nagkakasundo sila sa isang bagay",

Napangiti ako sa sinabi ni ina. Mahirap na desisyon nga ang sinasabi niya dahil kung isip lang ang susundin ko ay si Lucas ang pipiliin ko ngunit nakikipag talo sa kanya ang puso ko na ang nais makasama ay si Markus.

Kanta na lang kaya ako. 'Mahal ko o mahal ako?'

"Ina gusto kong piliin si Lucas ngunit ayoko siyang saktan dahil sa hindi ko siya magagawang mahalin"

"At ayaw mo namang piliin si Markus dahil natatakot kang muli niyang masaktan?" dagdag ni ina.

Tumango ako kasabay ng pagbuntong hininga. Bahagyang natawa si ina nang sa gitna ng pamomroblema ko ay napahikab ako.

"O siya. Hayaan na natin ang bukas ang siyang magdala ng iyong mga suliranin. Matulog na tayo, anak"

Hindi na ako nakaimik at nagpatangay na lang kay ina.

Sino ang pipiliin ko? Ang taong sigurado ako na mahal ako o ang taong sigurado ang puso ko na siyang itinitibok?

Sino ba? Si Markus o si Lucas?

Pero ayokong may masaktan sa kanila at ayokong mawala ang isa sa kanila sa akin.

Ugh.

Celestina ang selfish mo talaga!!

"Tulog na anak", bulong ni ina.

Sigh.

"Opo ina",

Sumasaiyo, Mi Amore'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon