Kabanata Labing Walo

3.4K 147 14
                                    

Celestina

Dalawang linggo na ang nakakaraan matapos ang pagtatagpo iyon sa sayawan. Maliit lang ang San Mateo at nakakabilib din na nagagawa ni Lucas na hindi pagtagpuin ang mga landas namin ni Markus. Kahit na may iilang minsan na magtatagpo ang aming landas ng hindi niya namamalayan. Ngunit dahil iba ang pangalan ko sa bayan na ito ay hindi niya iyon nahahalata.

"A-so. Aso. Ba-ka,  baka. Ba-boy, baboy!"

Nakangiting pinagmasdan ko ang mga bata nagbabasa sila. Nakakatuwa naman kasi at talagang pursigido silang matutong magbasa at magsulat.

"Guro para po sa inyo", nakangiting sabi ni Piko at nag-abot sa akin ng isang gumamela. Inilagay ko naman sa pagitan ng aking tenga at matamis na ngumiti sa kanya.

"Salamat"

"Guro ang ganda niyo po talaga!" sagot niya. Inasar naman siya ng ibang bata dahilan para mamula siya sa hiya.

"Tigilan niyo na nga si Piko. Mabait si Guro kaya dapat lang siyang bigyan ng bulaklak", sabad ni Elizabeth.

Napalingon naman kami sa kanya na nakalabi. Kapatid ni Rebecca at tulad niya madaldal din. Nangunot naman ako dahil hindi niya kasama si Lucas tulad ng gawi niya noong nakaraang araw.

"Elizabeth, sino ang iyong kasama sa pagpunta mo rito? Hindi ba ang bilin ng mga magulang mo ay hindi ka pwedeng maglagalag kapag mag-isa ka lang?" sabi ko.

Lumabi naman siya at lumingon sa pinanggalingan niya. Ganoon na lang ang pagtambol ng dibdib ko nang unti-unting luminaw ang kabuuan niya sa aking paningin. Malamang siguro ay nag-iilusyon na naman ako at kapag lumapit na ako para hawakan siya ay maglalaho ulit siya na parang bula.

"Elizabeth hindi ba ang sabi ko sa iyo huwag kang tumakbo. Paano kung ikaw ay nadapa?"

             Natigilan naman siya ng magtama ang aming mga paningin.

            Ang mukhang iyon, na kahit parang pagod na pagod at hindi nakatulog ng ilang araw ay gwapo pa rin sa aking paningin. Nakatingin lang ako sa kanya habang unti-unting namimilisbis sa pagtulo ang luha niya.

"B-Buhay ka?"

Bumaling naman ako sa mga bata.

"Bukas na lang natin ituloy ang pag-aaral mga bata. Maaari na kayong umuwi",

Umungol naman ng protesta ang mga bata ngunit wala silang nagawa. Hinila naman ni Piko si Elizabeth na namula. Muli akong tumingin kay Markus na nakatitig sa akin.

Sigh.

Hindi ito totoo. Ang kasama ni Elizabeth ay si Lucas o kaya si Rebecca hindi si Markus. Pagbilang ko ng lima mawawala rin siya. Mariin akong Pumikit at nag-umpisang magbilang.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lim--

Napasinghap ako ng mabini niya akong hilahin at yakapin tulad ng ginawa ni Lucas.

Umiyak siya nang umiyak sa balikat ko. Tila naman nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang lumapat ang kamay ko sa likod niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit hindi na ako makaluha. Natigang na ang mga mata ko.

"H-Hindi ako naniniwalang patay ka na. Hindi iyon matatanggap ng puso ko Consolacion"

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Gusto kong magpanggap bilang si Kristina, na ibang tao ako dahil ayoko pa siyang makausap. Hindi pa ngayon. Ngunit ang puso ko ay matagal nang nangungulila sa kanya at siguro kailangan na rin ng closure para matahimik na.

"Patawarin mo ako, Consolacion.
Gumawa ako ng isang bagay na hindi man lang pinag-iisipan. Patawad",

Hindi ako nakaimik. Hinila ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak.

"Kung kapatawaran ang iyong hinihinga ay napatawad na kita"

"Consolacion--"

"Maayos ako. Buhay at nakakahinga pa naman. Kaya kung nagsisisi ka sa pang-iiwan mo sa akin huwag na. Alam kong si Trinidad ang talagang iyong mahal kaya nauunawaan ko ang lahat ng iyong ginawa",

"Consolacion--"

Ngumiti naman ako pero sana hindi magmukhang plastik o kawawa.

"Patawarin mo na ang sarili mo Markus. Dahil hindi ba, pinangako ko naman sa iyo na hindi kita mamahalin. Kaya hindi naman talaga ako ganoon nasaktan kasi hindi kita minahal ng lubusan",

Lie.

'Anong hindi masakit? Bakit ka umiiyak gabi-gabi kung hindi masakit?! Ang sabihin mo masokista ka lang!' sigaw ng isip ko.

"Mahal na kita Consolacion", bulong ni Markus.

Natulala naman ako at tinitigan siya. Ah. Siguro nagbibiro na naman siya o kaya nagi-guilty lang.

"Talaga? Kailan pa?"

"Hindi ko alam kung kailan. Ang alam ko lang ay hindi ko kayang mawala ka sa akin at hindi ko hahayaang mawala ka ulit sa akin"

Tumaas naman ang isang kilay ko sa kanya. Lumalabas na naman ang pagkamaldita mode ko.

"Talaga? Sigurado kang mahal mo ako? May pruweba ka ba na mahal mo ako?"

Bahagya naman siyang natahimik at pinagmasdan ako. Hindi niya siguro akalain na lalabas ang side ko ng pagiging mataray.
                Wala na akong pakialam kung maturn off siya sa akin at ligaean niya o sirain niya ang lovelife nina Trinidad. Maldita ang babaing iyon at kung hindi siya magbabago, hindi niya deserve ang happily ever after.

"Papatunayan ko sa iyo na mahal kita. Kung kinakailangan na manligaw ako kahit abutin pa ako ng mga taon ay maghihintay ako",

Tumaas naman ang sulok ng labi ko sa sinabi niya. Napagtanto rin niya siguro ang kamalian niya kaya napatikhim.

"Ng taon"

"Huh! Walang bawian! Mga taon ang sinabi mo. Tingnan na lang natin", sabi ko at inirapan siya.

Tatagal ka kaya? Oo gusto kong mahalin ka uli. At may maliit na parte ng puso ko ang nagdiriwang dahil nagkita tayong muli pero ang papasukin ka sa buhay ko nang ganoon kadali? Ayokong tumulad kay Rebecca. May part two ang pagiging martir.

                Napangiti naman siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Salamat Consolacion",

Iimik sana ako nang bigla na lang siyang tumilapon. Marahas akong napalingon kay Lucas na madilim ang anyo.

"Ang kapal din naman ng iyong mukha na humingi kay Consolacion ng isang pagkakataon pagkatapos ng iyong mga ginawa kuya"

Lumapit naman ako kay Lucas para payapain siya pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya ng gumanti si Markus ng suntok sa kanya.

"Ano ba tigilan na ninyo iyan!" sigaw ko.

Kaso ang dalawa panay pa rin ang pambuno. Naiinis akong pumasok sa bahay at kumuha ng tatlong kutsilyo.

"Ano ba naman kayo! Tumigil sabi kayo eh!"

Initsya ko ang isa na dumaan sa mukha nilang magkapatid at dumeretso sa punong nasa tabi nila. Natigilan sila at napatingin sa akin.

"Ano? Mag-aaway pa kayo? Pasalamat kayo marunong akong bumato. Ang sunod na tama na nito sa mga hita na niyo. Walanjo kayo, hindi kayo masabihan",

                Napatayo naman sila na namumutla dahil sa ginawa ko. Kutsilyo lang pala ang katapat niyo eh. Nag-flip hair ako. Consolacion is no more, ngayon makikilala niyo kung sino talaga si Celestina.

Update dahil sunday.. Thanks kina ChahaGamboa at dyen-dyen sa pagvote...!! 😊😃

Sumasaiyo, Mi Amore'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon