Kabanata Dalawampu't Walo

3K 130 7
                                    

Celestine

"Kyaaah. Ate buksan natin ang TV. Palabas ngayon sa TV ang pantasya ko!!" tili ni Katrina. Napatakip naman ako ng tenga habang pilit na nagbabasa ng wattpad. Sabi na nga ba outdated na ako.

Sabi na nga ba?

Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Napalingon naman kaming magkapatid ng may kumato sa pinto. Si Lucas pala...

Ay oo nga pala Luke.. Saan naman nanggaling ang Lucas?

"Kamusta na ang paborito kong pasyente?" bati niya. Matipid naman akong ngumiti at itinaas ang tablet na bigay niya.

Yup. Bigay niya at ng ospital kasi naman natuwa sila na nagising pa ako after two years na coma. Himala raw. Kuh... So expected na nila na matsutsugi na ako?

"Heto nagbabasa sa wattpad. Namiss na kasi ako ng Watty World",

Tumango tango naman siya. Kasi naman iyong cellphone at headphone ko na snatch atah nung mahimatay ako sa daan hindi na nakita pa nina nanay.

"Watty World?"

"Yup. Ang mundo sa loob ng wattpad, kung saan bawat readers ay magkakaroon na ng sariling mundo sa oras na magsimula na silang magbasa"

Natawa naman siya kasabay ng pag-iling. Lumabas tuloy ang dimples niya. Ang cute!!

"Ganun ba? Sige try ko rin iyan minsan. Handa ka na ba sa first day ng therapy mo?"

Ngumiti naman ako. Iyong totoong ngiti kasi gusto ko na talagang umalis sa ospital na ito. Sandali naman siyang natulala at inalalayan ako patungong wheel chair.

"Katrina?"

"Go ka lang 'te. Gusto ko pang pagpatasyahan ang lodi ko?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Lodi? Ano naman iyon?"

"Ate, binaligtad lang iyon na idol. Grabe ka", engross na sabi niya. Napatirik naman ang mata ko at nagpadala na lang kay Luke.

Tinulungan naman niya ako. Una ay inestrech niya ang mga binti at paa ko. Geez. Bakit feeling ko parang namumula atah ako sa ginagawa niya? Natigil naman siya ng tumunog ang cellphone niya. Kaagad siyang nag-excuse para sagutin iyon.

Sigh.

Buti na lang. Nang may ilang minuto na siyang hindi bumabalik ay pinilit kong tumayo para bumalik sa wheel chair pero mahina pa atah ang tuhod ko dahil kaagad bumigay iyon.

Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko ngunit hindi iyon nangyari. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa paningin ko ang isang gwapong lalaki na may matang kasing dilim ng gabi. I don't know why but it seems that everything about him is seemingly familiar.

"Muntikan ka nang masaktan, Miss", bulong niya.

Napahawak naman ako sa ulo ko ng may tila isang pangyayari ang biglang nagflash sa isip ko. Ang sakit.

"Muntikan ka nang masaktan, Binibini"

"Celestina ayos ka lang? Naku Kuya salamat sa pagligtas kay Celestina", sabi ni Doctor Luke.

"Celestina?" narinig kong bulong ng lalaki ngunit hindi ko na gasino napagtuunan ng pansin dahil sa sakit ng ulo ko.

"Markus", usal ko ba tuluyang nilamon ng dilim ang lahat sa akin.

*****************************
"Hahanapin kita pangako. At sa muli nating pagkikita magpapakasal na tayo. Hindi ka man makilala ng mata ko, makikilala ka naman ng puso ko",

Dagli akong napamulat sa mga salitang iyon na tila ba isang espadang tumutusok sa puso ko. Hindi ko pala napansin ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Bakit masyado ata akong nadadala sa mga napapanaginipan ko? Iyan kasi Celestina, wattpad pa more!

Napalingon ako kay Katrina na naglalagay ng bulaklak sa plorera. Mga pulang rosas ngunit hindi ako nakaramdam ng tuwa habang pinagmamasdan iyon. Ibang bulaklak ang hinahanap ko, hindi rosas.

"Saan galing iyan?"

"Malamang ate sa flower shop",

Napabuga naman ako sa hangin. Ang hirap talaga kapag may kapatid ka na kakambal ni Pilosopo Tasyo.

"As if naman bibili ka niyan sa flower shop. Kesa iyan ang bilhin mo alam kong Poster at Album ng Korean chuchu mo ang pagbabalakan mo no! So now tell saan galing iyan?"

Natawa naman si Katrina. "Wow, para naman ate wala kang picture ni Choi Minho sa kwarto mo at tinitilian gabi-gabi",

Napairap lang ako sa kanya na lalo niyang ikinatawa.
"At least loyal ako kay Choi Minho. Ikaw nga makakita ng panibagong k-pop group aayawan mo kaagad ang nauna mong crush"

Bumaling naman sabakin si Katrina na nangingislap ang mga mata.

"Alam mo ate, ang gwapo talaga ni Doctor Luke no'? Kaso hindi ko alam na may mas gagwapo pa pala sa kanya. Iyong kuya niya, grabe ate makalaglag underwear tapos mouth watering pa!"

"Tss. Ang sabihin mo Katrina talandi ka lang talaga!" irap ko. Nakilala niya kasi iyong kuya ni Luke kahapon dahil iyon daw ang bumuhat sa akin papunta sa silid ko. At ito namang si Katrina kilig na kilig dahil ayaw daw akong ipabuhat kay Luke. Ang dahilan lang naman nung tao ay dahil mabigat daw ako.

Sigh.

"Haist. Ate single pa kaya si kuya?" tila nangangarap na sabi ni Katrina. Napa rolled eyes ako at pilit inabot ang mga libro sa ibabaw ng cabinet nang may kumuha noon at inabot sa akin.

"Heto", aniya. Napamaang naman ako sa kanya. Siya yung lalaking sumalo sa akin. Hindi nga ba?

"Salamat", tipid kong sagot. Napalingon naman ako kay Katrina na nakatalikod sa amin habang kumakalog ang mga balikat. Naku, ang babae mauutas sa kilig.

"Celestina", tawag niya. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya kasabay pagkunot ng noo.

"Alam mo ang pangalan ko?"

Ngumiti lang siya at inabot ang kanyang kamay.

"Ako nga pala si---"

"Hi Tenten! Kamusta na ang paboritong pasyente ng ospital na ito?" bati ni Luke. Gulat naman siyang napalingon sa lalaking nagpapakilala sana.

"O kuya Markus, napadpad ka rito?"

Lalo namang kumunot ang noo ko sa tinawag sa kanya ni Luke. Nakatitig lang ako sa mukha ng tinawag niyang kuya kasabay ng mabilis na pagpintig ng aking puso.

Markus? Saan ko nga ba iyon unang narinig? Hindi ko namalayan ang pamamasa ng pisngi ko na ipinagtataka ko. Pupunasan ko sana iyon ngunit madaling nakalapit sa akin ang kuya ni Luke at pinunasan ang mga mata ko.

"Ayos ka lang ba Celestina?" nag-aalala niyang tanong.

Inilayo ko naman ang mukha ko sa kanya at tumango.

"Wala ito. May malfunction lang yata ang tear ducts ko", biro ko. Ngumiti ako sa kuya ni Luke at iniabot ang kamay ko. Sa sobrang focus ng mga mata ko sa kanya hindi ko napansin ang pagsimangot ni Luke.

"Hi, ako nga pala si Celestina Marie Mendoza. Ikaw anong pangalan mo?"

Sandali siyang natigilan at inabot ang kamay ko. May nakita akong emosyon na dumaan sa mga mata niya ngunit hindi ko kayang bigyan ng pangalan.

"My name is Markus. Markus Archangel",

Sumasaiyo, Mi Amore'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon