Kabanata Labing-Anim

3.4K 129 18
                                    

Ang kabanata na ito ay para kina itsmeellaymontero, Mikiohanazaki at sunkyurio. Dito ko na lang kayo babatiin at magpapasalamat. Nabubundok kasi ako at hindi marunong magdedicate. Hehe. Yung iba po sa ibang kabanata ko na lang babatiin.

Celestina

"Handa ka na ba Kristina, anak?" tanong niya ina.

Sumagot naman ako bago muling sumulyap sa salamin. Hindi na ako nagpakaabalahang magmake-up kasi alam ko naman na karamihan ng dadalo roon ay mahihirap baka ma-OP lang ako kapag nag-ayos ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabungaran ko sa ibaba si Sandro na nakasuot ng polong puti at pantalon. Yung buhok niya parang dinilaan ng baka na hinding hindi magugulo ng kahit anong bagyo. Pero sige ang gwapo niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti lang siya habang hindi inaalis sa akin ang tingin. Bumaling ako kay ina na maluwag na nakangiti sa amin. So ano ito? Playing cupid?
"Talaga ina, ipapaubaya niyo ako sa kanya?" tanong ko kay ina na sinamaan ako ng tingin. Ngumiti naman siya kay Sandro at humingi ng paumanhin.
"Mabait na bata si Señorito Alessandro, anak. Alam kong hindi ka niya pababayaan"

Muli akong tumingin kay Sandro ng ialok niya ang kanyang kamay sa akin.
"Nag-aalala lamang ako na hindi mo ako siputin sa sayawan Binibining Kristina",

Tinaggap ko naman ang kanyang kamay.
"Hindi po ako, yung tao na di tumupad sa napag-usapan", mapait kong tugon.
Napahugot na lang ako ng hininga. Ang laki ng problema ko ngayon, ang mga diary parehong blangko. Hindi nga punit, blangko naman. Ano ang ibig sabihin noon? Ano ba ang mga nangyayari?
Natigilan naman ako ng sumakay si Sandro sa kabayo kasabay ng pag-aalok ng kamay na tinitigan ko lamang.
"Anong gagawin ko sa kamay mo?"

Napabuga naman siya sa hangin at hinagip ang kamay ko. Sa isang iglap ay nasa harapan niya ako at patagilid akong nakaupo sa kabayo.

"T-Teka?! Ayokong s-sumakay ng kabayo!"

Natawa naman siya pero nagpapanick na ang isip ko lalo na nang gumalaw ang kabayo.
"Hindi pwedeng lakarin ang nayon ng San Mateo. Dahil kung iyon ang iyong babalakin ay siguradong aabutin ka ng isang araw",

"Eh di, m-maglalakad na lang ako kaysa sumakay sa k-kabayo!"

Namamangha naman niya akong tinitigan na para bang ako ang kauna-unahang tao na nakita niyang hindi sumasakay ng kabayo. Kaso may takot na ako simula ng muntikan na akong mapisak noong kabayo ni Juan. Mabuti na nga lamang at iniligtas ako ni Markus.

Sigh.

Markus na naman!

"Kumapit ka sa akin dahil hindi kita hahayaang mahulog o masaktan", bulong ni Sandro.

Hindi na ako nagsalita at mariing pumikit kasabay ng pagkapit sa damit niya. Bahala na kung magusot ito o mapunit. Ayoko lang mahulog!

Matapos ang kalahating oras ay natunton na namin ang nayon. Ang daming mga kadalagahan at kabinataan ang nasa paligid. Ang daming magagandang babae na ang tingin ay kay Sandro. Kung sabagay may ipagmamalaki naman sadya ang lalaking ito, kasi kahit ihalo atah siya sa dami ng binata rito ay lulutang pa rin ang kisig niya. Inalalayan naman akong bumaba ni Sandro ngunit hindi pa ganap na lumalapat ang paa ko sa lupa ng may humatak na sa buhok ko.

Napaigik ako kasabay ng pwersang pagtatanggal sa kamay mula sa ulo ko. Ang sakit, akala ko matatanggal na ang anit ko.

Bumaling ako sa babaing nabunot sa akin. Grabe siya. Ang sakit niyang manabunot, babae ba talaga siya. Oo, ang ganda niya at nangingibabaw din siya sa mga kadalagahan pero wala siyang karapatang manabunot.

"Kaya pala hindi ka na nagpapakita sa akin Alessandro kasi may iba nang babaeng lumalandi sayo!" sigaw ng babae.

Napataas naman ang kilay ko. Gusto ko sanang magpaka dalagang Filipina kaso simula atah ng mapadpad ako rito ay nakalimutan ko nang maging isa.

Hinatak naman siya papalayo ni Sandro kaya naiwan akong mag-isa rito.

Sigh.

Buti pa si Sandro may lovelife. Hayun oh. Bati na atah sila nung babaing nanabunot sa akin, nagP-PDA na sila eh.

Naiiling na tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. Pinanood ko na lang ang mga taong magsayawan. May pailan-ilan na nag-aalok kaso sanay na talaga akong hindi tumanggap ng kasayaw.

Maya-maya pa'y lumapit sa akin si Alessandro at ang kanyang kasintahan.

"Patawad sa inasal ko kanina, binibining Kristina. Ako nga pala si Rebecca, ang mapapangasawa ni Sandro",

Ngumiti lang ako kahit na ramdam ko pa rin ang pananakit ng anit ko. Sabunutan ko rin kaya siya para patas kami.

"Wag ka na lang sana ulit mananabunot nang hindi nagtatanong. Ang sakit ng sabunot mo, akala ko mauubos na ang buhok ko",

Natawa naman siya bago at iniwanan ako kay Sandro. Sasalubungin daw niya ang isang pinsan galing sa kalapit na bayan.

"Patawad nga pala Binibing Kristina sa inasal ni Rebecca. May pagkaselosa din kasi ang mapapangasawa ko"

"Hindi halata", sarcastic kong sabi kahit nakangiti na ako ngayon. Nawala na ang ilang mode sa akin kasi alam kong taken na siya.

"Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya nagkakaganoon. Dalawang beses ko nang iniwan siya sa harap ng altar", sabi niya. Mangha naman akong napatitig sa kanya.

"Dalawang beses?"

Tumango naman siya na ikinatawa ko nang nakakaloko.
"Mabuti binalikan ka pa niya. Ang gago mo kaya para iwan siya",

Nahihiya naman siyang napatungo. Nakaramdam naman ako ng awa para kay Rebecca. Ako nga isang beses lang iniwan ay halos mabaliw na ako. Siya pa kaya na dalawang beses?
"Anong ipinaliwanag mo sa kanya para paniwalaan ka niyang hindi mo ako babae?",

Napakamot naman siya sa batok at tumawa.
"Wala naman. Bukod sa sinabi ko na hindi ang tulad mo ang magugustuhan ko, napansin niya rin ang pagkakahawig mo sa namayapa kong kapatid",

Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Kapal ng mukha niya. Anong hindi magugustuhan?! Pero...

"Namayapang kapatid?"

Mapait naman siyang ngumiti at inalok ako ng sayaw na pinaunlakan ko naman.

"Namayapang kapatid?" ulit ko. Bumuntong hininga naman siya bago tumango.

"Si Margarita, nakakatanda kong kapatid na namatay dahil sa paglusob ng mga tulisan mula sa bundok"

"Patawad"

"Matagal na iyon. Kasing edad mo rin siya noong pumanaw siya. Pitong taon palang ako noon at siya na ang nag-aalaga sa amin noon ni Rebecca. Lalo na kapag dumadalaw si Rebecca sa hacienda"

Ngumiti naman ako at inimagine si Margarita.
"Kaugali ko rin ba siya?"

Ngumisi naman siya. "Halos, pwera lang sa mas barumbado ka at medyo kilos lalaki kumpara kaysa sa kanya. May pagka-ugaling taong bundok ka rin"

Nanggigil na uumbangan ko na sana siya ng suntok nang tumawag sa likuran namin si Rebecca kasama ang sinasabi niyang pinsan. Napabitaw sa akin si Sandro at nakangiting lumapit kay Rebecca.

Napatulala naman ako sa taong kasama niya, na para ring nakakita ng multo. Bago ko pa namalayan ay nakapaloob na ako sa kanyang bisig. Tila gumapang sa buo kong katawan ang init na nanggagaling sa kanya.

"Consolacion buhay ka! Salamat sa Diyos at buhay ka!"

Sumasaiyo, Mi Amore'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon