Chapter 16

474K 14.7K 6.6K
                                    

Chapter 16


WALA na siya sa tabi ko.


Gulat akong napabangon sa kama. Napasarap ang tulog ko.


"Monmon?" Wala na siya nga sa tabi ko ng tingnan ko ang kama. Kaya pala parang kulang ang pakiramdam ko nang magising ako kanina.


Bumangon ako at lumabas ng kuwarto, tahimik ang paligid. Nasaan na siya? Akala ko pa naman ay magigising ako na katabi ko pa siya.


Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nasa mood na akong kumain ngayon, kasi kahit pa wala kaming pinag-usapan ni Damon, alam kong okay na kami. Okay na ako. Kasi okay na kami. Na-miss ko lang naman talaga siya, e.


Pagpunta ko sa hapag kainan ay nabigla ako nang makitang nandon si Damon. Inaayos niya ang mesa at inilalagay ang dalawang plato sa magkabilang bahagi. Napatingin din siya sa akin pero agad ding nagbawi ng tingin.


"Kain na..." yaya niya na di pa rin natingin sa akin.


Binata na nga, marunong ng mahiya, e.


Nakangiti ko siyang sinaluhan sa mesa. Pero pati ang puso ko ay napangiti ng siya na mismo ang maglagay ng kanin sa plato ko.


"Kumain ka nang marami..." mahinang sabi niya.


"Opo, Kuya!" ngingiti-ngiting sagot ko sa kanya.


And just like that, iyong parang pader sa pagitan namin ay parang bigla na lang natibag.


Hindi na ako nakatiis. "I miss you..." mayamaya ay sabi ko.


At tama ba itong nakikita ko? Nakangiti si Damon?!


"I miss you, bunso..." ulit ko.


Nag-angat siya ng tingin sa akin. Dumukwang naman ako para i-kiss siya sa pisngi.


Gulat siyang napatitig sa akin.


"I love you, Monmon. Love mo pa rin ako, di ba?" hindi siya sumagot kaya nangulit pa ako. "Mon, mahal mo ako, di ba?"


Namumula siyang tumango at halos di magkandatuto sa pagsubo ng kanin.


Ang saya-saya ko naman talaga!


...


KUMAKAIN ako ng cupcake habang naglalakad sa tapat ng bahay ng malaking mansiyon ng mga Saavedra ng biglang may lumabas na aso mula sa gate. Takot akong napaatras.


Lumapit ito sa akin at inamoy-amoy ang binti ko habang nanginginig ako sa takot. Takot ako sa aso. Kahit ilang taon na ako rito sa hacienda ay hindi pa rin ako napapalagay sa mga aso rito.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon