Chapter 38

518K 14.4K 5.6K
                                    

Chapter 38


NAKAKAAKIT. NAKAKASABIK.


Inilabas ko mula sa paper bag ang isang pirasong syringe. Inilagay ko iyon sa tabi ng mga bote ng droga na inihanda ko. Magagamit ko na rin iyon sa wakas.


Tumingin ako sa pader. Nakadikit sa pader ang iba ibang kuha ni Jesusa Andrade. Puro stolen. Whole body, hald-body at close up. Merong naka-uniporme ito na pang-teacher at nasa labas ng academy. Merong naka-casual habang naglalakad sa mall at meron ding nakapambahay lang habang nagsasara ng gate ng tinutuluyan nitong apartment.


Inilipat ko ang paningin ko sa kabilang dako ng kuwarto, naroon ang malaking darting board kung saan nakadikit ang picture ng tatlong lalaki.


"Akala niyo napatay niyo na ako? Mga ulol." Inasinta ko ng dart ang mga picture. Sunod-sunod.


"Saavedra, Batalier at ikaw, Montemayor, may mga araw rin kayo sa akin." Gigil kong pinukol ulit iyon ng dart.


Hindi ko sila malalabanan nang patas, hindi dahil sa hindi ko sila kaya. Kund dahil sa hindi rin naman lumaban nang patas ang mga putanginang iyon. Palibhasa mayayaman. Palibhasa may mga koneksyon. Palibhasa alam na kayang-kaya ng mga itong takasan ang kahit anong krimen kaya malalakas ang mga loob ng mga ito.


Napalugmok ako sa sahig saka ko niyakap nang mahigpit ang aking sarili. Mayamaya ay umaatungal na ako ng iyak. Mga gago sila! Mga hayup!


Ginapang ko ang ilalim ng aking kama, sa ilalim niyon ay merong garapon. Sa garapong iyon nakalutang ang bagay na hinding-hindi na maibabalik sa akin. 


It's been years pero ramdam ko pa rin ang sakit.


Hindi ko mahagilap ang isa sa kanila, pero ang dalawa ay madali lang makita. Palagi silang laman ng mga magazines, ng mga news at billboards... Saavedra at Montemayor, mga lalaking may malaking atraso sa akin.


Nakikita ko pa rin sa mga bangungot ko ang itsura ng dalawang batang lalaki na pumasok sa loob ng bartolina. Nakagapos ako habang pinaghahampas nila ako ng baseball bat. At nang halos wala na akong malay ay saka ginupit ng batang lalaki na may kulay itim na mga mata ang ari ko.


Voss Damon Montemayor and his cousin, Rogue Saavedra.


Mula sa ilalim ng kama ko ay inilabas ko ang isa pang kahon. It is full of different types of adult toys. May nawala man sa akin, meron naman ako ng mga ito. Binalingan ko muli ng tingin ang picture ni Jesusa.


"Malapit na, baby... malapit na malapit na..."


...


5 p.m. after my last class at ng saglit na meeting sa school ay naghanda na akong umuwi. Wala akong na-kontratang Uber o Grab dahil nakalimutan kong i-charge ang cell phone ko. Nilakad ko na lamang ang daan hanggang sa makapunta ako sa paradahan ng jeep.


Napalingon ako ng maramdaman kong tila may nakasunod sa akin. At hindi nga ako nagkamali. May nakasunod nga!

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon