Chapter 39

493K 15.1K 6.2K
                                    

Chapter 39

"HI LOVE."

Napaigtad ako ng biglang yumakap sa akin si Damon. Nang lingunin ko siya at ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin.

"O bat ang saya mo?"

Kanina ko pa nga siya napapansin. Pasipol-sipol pa siya habang pinagluluto ako ng almusal. Grabe pa makangiti at makatingin.

"I saw you last night, nagsusuka ka." Hindi mapalis ang pagkakangiti niya. Ang liwa-liwanag ng mukha at nagniningning ang mga mata.

Napatanga ako sa kanya. Anong dapat niyang ikasaya ron? Nakakatuwa ba na nalunok ko iyong maliit na buto ng manok at bumara iyon sa lalamunan ko kaya napilitan akong sungkitin ng daliri ko sanhi para magduduwal ako sa banyo?

"What do you like? Hmn?" sinimulan niyang papakin ang leeg ko. "Come on, anong gusto mo? Bibilhin ko."

"Damon, sandali nga..." nakikiliti kasi ako dahil sinisipsip niya ang leeg ko.

"Gusto mo ba ng mangga?"

"Hindi ako mahilig sa mangga."

"E ano?"

"Wala. Wala akong gusto."

Naghimas si Damon ng baba. "Okay, ang selan mo siguro."

"Maselan?"

"Just look at me, Jesusa."

"Ha?"

"Hindi ba nakakainis ang mukha ko?"

Napatitig ako sa kanya. Mukha siyang anghel kahit na may pagka-demonyito minsan. Super guwapo. Para nga sa akin ay walang binatbat sa kanya ang mga artista. Masarap siyang titigan, kaya bakit ako maiinis sa kanya?

Lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa pagtitig ko sa kanyang mukha. "That's a good sign."

"Ano kamo?"

"Hindi ka naiinis sa akin, so you can still look at me. Mas okay iyon para maging kamukha ko ang—"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Lalong sumakit ang ulo ko.

"Thank you..." Sinimulan niya akong halik-halikan sa leeg pababa sa dibdib ko, at pababa sa tiyan ko.

Itinulak ko ang mukha niya. "Damon, sandali nga!"

Hindi ako pinakinggan ni Damon. Hinila niya ako at ihiniga sa sofa. Sumubsob siya agad sa pagitan ng mga hita ko kahit pa may suot pa akong cotton shorts at panties.

"Damon, ano ba?!" Nabasa na ng laway niya ang gitna ng shorts ko. At kahit may suot ako ay ramdam ko roon ang init ng kanyang hininga. Pero hindi pwede. Ayoko. Namimihasa na siya. Hindi na tama. Kung saan-saan na lang, kahit anong oras na lang!

"Damon, please..." Humiwalay naman siya. Agad akong tumayo at inayos ang damit ko.

Nang tumayo siya ay may napansin akong kakaiba sa kanya, parang may kung anong galit na dumaan sa itim na itim niyang mga mata. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin, baka namalik-mata lang ako.

Ngumiti siya ulit. "Are you pregnant?"

"What? No." tanggi ko.

Hindi naman kasi talaga ako buntis! Good thing ay hindi pa ako nate-tyempuhang fertile ni Damon. At nagsimula na akong mag-pills mula nang sunod-sunod na ang pagtatalik namin.

Nabura ang ngiti niya. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Pinagmasdan ko siya sa mga kilos niya. Para kasing may mali sa kanya. Lately ay nagiging aligaga siya.

"Kumain na tayo, Damon." Hinila ko siya sa kamay at dinala sa kusina.

Bago ko siya bitawan ay nahawakan niya ako. Napaloob sa mainit na palad niya ang kamay ko. "Damon..."

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon