21

484K 17.4K 5.3K
                                    


Chapter 21

PARURUSAHAN NIYA AKO?!

Really?! Neknek mo, Monmon!

Nang malayo na kami sa guard na sumaway sa amin kanina ay gigil kong ipinagpag ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Pag di mo ako binitawan babayagan kita!"

Huminto siya at salubong ang kilay na hinarap ako. "You will do that?"

Napalunok ako. "Oo... at bakit hindi?!"

"Really, huh?"

"R-really!" Tinigasan ko ang mukha ko. "Hindi porket mas matangkad ka na sa akin at mas malaki na ang katawan mo sa akin ay kakayan-kayanin mo na lang ako! Ate mo pa rin ako, Monmon ka!" Dinuro ko siya.

Tumaas ang sulok ng bibig niya pero di siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na tila naaliw.

"Saka anong asawa ang sinasabi mo diyan? Itsura mo!" Inirapan ko siya. "Yari ka kapag ipinagkalat nung guwardiya ang sinabi mo, malamang headline ka na sa mga balita bukas. Trending agad na may asawa ka na!"

"So?"

"Damon!" Bigla na lamang sumulpot si Maricel.

Pakendeng-kendeng itong lumapit. Napaka-sexy nito sa suot na halter dress na kulay itim at itim din na stilettos. Nakatutok ang buong atensyon nito kay Damon kaya hindi ako napansin.

"Damon? Fancy meeting you here!" Matamis ang pagkakangiti ng babae sa kanya. "Sabi ko na nga ba ikaw iyan!"

Lumapit ako para magpakita. "Hi, Maricel! Nandito ka rin pala. Ang ganda-ganda mo na lalo, a!" Niyakap ko siya. "Namiss kita, gusto sana kitang dalawin kaso palagi ka yatang wala sa apartment mo."

"Jesusa?" Gulat na gulat siya. "M-magkasama kayo ni Damon?"

"It's Jessie." Nginisihan ko siya saka ako umabri-siete kay Damon. "And yes magkasama kami."

"Ha? I thought you two are not in good terms..." halos paanas na sabi ni Maricel. "I mean... nong pumunta siya sa Amerika di ba hindi na kayo nag-uusap?"

Bumungisngis ako. "Bati na kami."

"Nag-away ba tayo?" tumungo si Damon sa akin. Salubong ang makakapal na kilay.

Humagikhik ako saka ko siya pabirong kinurot sa braso. "Secret."

Napa-tsk na lang si Damon. Si Maricel naman ay palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Let's go." Yaya ni Damon sa akin. "Ihahatid na kita sa apartment mo."

"Wait!" Habol ni Maricel sa amin.

Tiningnan siya ni Damon na nagtatanong ang mga mata. Ako naman ang napalipat ng tingin sa kanilang dalawa. Anong meron?

"Ah..." kinagat ni Maricel ang ibabang labi. "Tatanungin ko lang sana si Jessie..."

"What is it, Maricel?" Binitawan ko si Damon.

"Wala naman, yayain lang sana kita sa birthday party nung friend ng friend ko... ahm, wala lang. Party lang. May ipapakilala rin ako sa'yo, baka magustuhan mo and—"

"No." Nagulat ako ng biglang sumabat si Damon.

Maski si Maricel ay napatanga.

Kinuha ni Damon ang kamay ko ay muling ibinalik sa pagkakahawak sa braso niya. "Good-bye, Maricel."

"Sige, Maricel! Bye, sensiya ka na! Medyo mahigpit 'tong kuya ko." Idinaan ko na lang sa biro ang tensiyon. Pero hanggang sa makaalis kami ay seryoso pa rin si Damon.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon