20

529K 18.6K 7.3K
                                    

Chapter 20

HINDI ko alam kung panaginip lang ba na parang may mainit na palad na humihimas sa pagitan ng mga hita ko.

Napaliyad ako at napaungol. Doon nawala ang mainit na palad.

Umaga na ng magising ako. Ang sarap kasi ng tulog ko, parang may kayakap akong anghel sa sobrang himbing ng tulog ko. Kinusot ko ang mga mata ko nang maalala ko iyong panaginip ko kagabi.

Bigla kong naipasok ang kamay ko sa loob ng kumot. Bukas na ang butones ng pantalon ko, kinabahan ako. Nag-wet dreams ba ako kagabi?

Bumangon ako at agad kong hinubad ang highwaist jeans na suot ko. Isinunod ko ang manipis na lacey bikini. Basa pa ang gitna niyon. Lalong nangapal ang mukha ko sa hiya.

"Kasalanan 'to ng babaeng iyon." Sinabunutan ko ang sarili ko. Kasi si Honeylet kung ano-anong ikinu-kwneto sa akin tungkol sa sexcapade nila ng asawa niya, ayan tuloy, nilulumot na ang utak ko!

Pero hindi ko matanggap. Shocks! This is the first time!

"Teka? Nasan na si Damon?" Muli akong naupo sa gilid ng kama.

Pagud na pagod ako kagabi. Nakatulog na nga ako sa sasakyan niya sa sobrang antok ko. Dinala ako ni Damon sa Antipolo para mag star gazing sa ibabaw ng kotse niya kagabi. Doon namin inubos ang magdamag.

Ang natatandaan ko lang ay binuhat niya na ako pababa ng sasakyan. At heto nga at nandito na ako kuwarto ko. Tiyak na pinakialaman ni Damon ang bag ko para makuha ang susi ng apartment ko.

"Hindi naman siguro niya nakita iyong kabalbalang ginawa ko kagabi?" Sunod-sunod akong umiling para sagutin ang aking sarili. "Hindi. Hindi pwede."

Naman. Nakakahiya. Mabuti na lang at wala na si Damon. Bakit ba kung kelan dumating ang kapatid ko ay saka pa pinasok ng kung anu-ano ang isip ko?! Nakakahiya!

Tumayo ako at hinubad ang suot kong crop top. Kumunot ang noo ko ng mapansing wala na pala akong suot na bra. Iyong bra ko e nakapatong sa ibabaw ng side table at katabi ng lamp shade.

"Ah, baka hinubad ko kagabi." Hindi kasi ako sanay matulog nang naka-bra.

Naghanap ako ng isusuot sa cabinet. Mamaya na ako maliligo, maglilinis-linis muna ako since wala naman akong pasok today.

Manipis na oversized T-shirt at boyleg panty ang kinuha ko. Hindi ko na kasi pwedeng suutin iyong panty ko kagabi, iba na ang amoy, e.

Suot ang manipis at lumang oversized shirt ko ay bumaba na ako sa sala. Kitang-kita ang collar bone at kalahati ng aking balikat dahil sa laki kwelyo ng suot kong T-shirt. Turok na turok ang mga nipples ko tuwing umaga.

Kapag nandito ako sa apartment ko ay wala akong pakialam sa kahit ano pa ang itsura ko, kaya basta ko na lang ding itinali ang buhok ko. Bumagsak pa rin tuloy ang ilang hibla non sa gilid ng mukha ko.

Ang in-expect ko ay wala na nga siya. Malamang hindi iyon makakatiis dito sa maliit kong apartment. At malamang na busy iyon. Marami siyang business plus pa na member siya ng Black Omega Society Band.

Nakababa na ako sa hagdan ng matigilan ako. Paano'y may narinig akong lalaking kumakanta!

"Guess it's true, I'm not good at a one-night stand, but I still need love 'cause I'm just a man..."

Gulat akong napaatras.

"These nights never seem to go to plan. I don't want you to leave, will you hold my hand?"

Nakatayo si Damon sa harapan ng kalan habang may hawak na siyanse. Preskong-presko ang itsura niya, bagong paligo at mukhang kay bango. T-shirt na puti ang suot niya saka hapit na pantalon sanhi para mas ma-emphasized ang matambok niyang pang-upo. Sa paahan naman ay extrang tsinelas ko na pambahay ang suot-suot niya.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon