26

526K 17.2K 5.9K
                                    

Chapter 26

"MARRY ME."

"A-ano bang sinasabi mo?" Napaigtad ako ng bahagya niyang kagatin ang leeg ko. Parang may boltahe ng kuriente na tumulay sa mga ugat ko.

"I will buy you an engagement ring tomorrow."

"No!" Inipon ko ang lakas ko para itulak siya, pero lalo siyang dumiin sa katawan ko, halos mayupi na ako sa bigat niya.

"Yes!" Ipinatong niya ang kanyang noo sa akin.

Kung gaano kainit ang katawan niya ay ganoon din kainit ang mga mata niyang nakatunghay sa mukha ko. 

"Damon, ano bang kalokohan ito?!" Napasigaw na ako. Unti-unti nang nauubos ang pasensiya ko.

"Hindi ito kalokohan." Nagtagis ang mga ngipin niya. "I love you..."

"Damon, naman..." Gusto ko ng umiyak.

"Hindi bilang kapatid."

Ngumiti ako na ipinagtaka niya. "Ikaw talaga, lakas ng tama mo. Alam mo, m-matulog ka na nga lang... b-bukas tayo mag-usap kapag matino na iyang utak mo. Pagod ka na siguro kaya ka nagkakaganyan at—"

"Stop it, Jesusa!" Dumiin ang kamay niya sa magkabila kong pulso. "Don't you get it? Oo, pagod na ako."

 Napatanga ako ng ilang segundo sa kanya, saka ako biglang natauhan at napailing.  

"Pagod ng magpanggap, pagod ng magpigil, I'm so fucking tired."

"K-kailan pa?" Natulala ako sa kanya. Kandalunok ako.

Umamo ang kanyang mukha. "Since the very first day."

Umiling ako habang pilit iniiwasan ang malalim niyang tingin. "Ano ba namang trip to, Damon? B-bakit naman—"

"Alam mo na ito noon pa." Mariing putol niya sa sinasabi ko.

"T-tumigil ka na nga diyan... hindi ka na talaga nakakatuwa..." Shit. Gusto ko na talagang maiyak.

"Alam mo na ito noon pa. Ang di ko lang maintindihan kung bakit hirap kang tanggapin ang katotohanan! Bakit nagtatanga-tangahan ka!"

Lalo na naman siyang dumiin sa akin. Pakiramdam ko ay babaon na ang matigas na bagay na iyon sa sikmura ko. Gusto kong kilabutan, pero nakapagtatakang wala akong ganoong nararamdaman, sa halip ay hindi ko maintindihan kung bakit umiinit ang paligid. Nababaliw na nga yata talaga ako!

"Damon, pakawalan mo na ako... N-nasasaktan ako..." tumulo na ang mga luha ko.

Hindi ko na kasi alam kung paano ko siya papaalisin sa ibabaw ko. Nahihirapan na ako, hindi ko na kayang magtagal pa ang usapang ito. Pakiramdam ko kapag tumagal pa ito ay may mangyayari ng pagsisisihan namin sa huli.

Saka lang siya umalis sa ibabaw ko ng makita niya ang pagluha ko. Todo hingal akong naupo. Pinakawalan niya nga ako pero mukhang wala pa siyang balak na paalisin ako.

"Don't you still get it?" Mahinahong tanong niya na para bang bata ako na inuuto niya para sa isang laruan o candy. "Gusto kitang pakasalan. I've waited so long for this, Jesusa. So long. Umalis ako nang matagal dahil gusto ko makalimutan mo ako bilang kapatid mo. Nakontento ako sa pakikibalita lang tungkol sa'yo, ayoko na istorbohin ka sa buhay mo dahil you deserved the time."

Nanlaki ang mga mata ko ng iangat niya ang mukha ko gamit ang kanyang daliri. "Umalis ka para don?"

Ngumiti siya na para bang napakasimple lang ng pinag-uusapan naming dalawa. "Yes. I gave you all the time in the world at ngayon nandito na ulit ako. I'm back for you... and guess what? I am not leaving anymore. Iyon naman ang gusto mo, di ba? Ang magkasama na tayo?"

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon