Chapter 40

468K 15.3K 3.7K
                                    

Chapter 40


"WHAT IS WRONG WITH YOU?"


Hindi pa rin ako nagsasalita. Tinapos ko ang pagpupunas ng mesa saka ako naglagay ng tubig sa mga pitsel at isa-isa iyong inilagay sa ref.


Inihilamos niya ang mga palad sa mukha. "Tell me, may nagawa ba ako?"


Nagpunas ako ng kamay at saka tumingin sa kanya. "Pumasok ka na sa office, wag mong ubusin ang oras mo kakatanong sa akin."


Ilang araw na kasi siyang nakabuntot sa akin. Ni hindi na siya uma-attend sa rehearsal ng banda nila, hindi na rin pumupunta si Damon sa opisina para i-check ang mga dapat i-check doon. Lagi lang siyang nakabantay sa akin. Kahit tanghali ay pumupunta siya sa school para bantayan ako at usisain kung ano ang problema ko, kung bakit hindi ko siya gaanong pinapansin. At ilang araw na rin siyang hindi nakaka-score.


Kinuha ko ang tuwalya at pumasok ng banyo. Nakahubad na ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Damon.


Tiningnan ko siya nang masama. "Anong ginagawa mo rito?"


"Maliligo tayo..." nagbaba-taas ang kanyang Adam's apple. Ang mga mata niya ay nakatutok sa katawan ko.


"Ako lang ang maliligo. Lumabas ka."


Sa halip na sundin ay hinubad niya ang lahat ng suot saka lumapit sa akin. Tayong-tayo at matigas na matigas ang ari niya. Agad niyang sinapo ng palad ang pagitan ng mga hita ko. "I miss you..."


Tinabig ko ang kamay niya saka ako umatras palayo. "Labas, Damon!"


Nakaawang ang natural na mapupula niyang mga labi ng mapatitig siya sa mukha ko. Nagtataka sa nakikitang galit sa mga mata ko.


"Tell me, ano bang kasalanan ko bakit mo ako pinaparusahan ng ganito?"


"Nandidiri ako sa'yo."


"What?"


Gumuhit ang kirot sa mga mata niya.


Bumuntong-hininga ako saka sinalubong ang malungkot niyang tingin. "You and Maricel..."


Natigilan siya.


"Magsabi ka ng totoo, Damon. Nag-live in ba talaga kayo sa New York?"


Hindi siya makasagot. Nakatanga lang siya sa akin.


"At iyong sa tree house noon... siya rin ba iyon?"


Nagtagis ang mga ngipin ni Damon. "Kinausap ka niya?"


"Ang tanong ko ang sagutin mo, siya ba iyon?!" Lalo akong nanggalaiti sa galit.


Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon