Chapter 1

330K 4.1K 417
                                    

Tatlong taon na ang nakalipas nang ikasal kami dahil sa kagustuhan ng lolo niya.

Three years ago niligtas ko ang lolo niya nang makita ko ito sa gilid ng kalsada... Nanghihina.

Saktong nag-aabang ako ng masasakyang jeep papasok sa eskwela nang tanghaling iyon. Tirik na tirik ang araw, halos lahat kay hinagawang pamaypay ang dalang panyo o kaya'y ang kanilang payong pag nasa silong na. Imbis na sumakay sa kadarating lang na jeep, dali-dali akong tumawid sa high way at nilapitan ang nanghihinang matandang lalaki at pina-inom ng baon kong tubig.

Agad akong pumara ng taxi para agad siyang madala sa pinakamalapit na hospital. Hindi ako umalis sa hospital hanggang sa matapos ang mga doktor sa pagtingin sa matanda.

Muntik na palang maheat stroke ang matanda, mabuti nalang daw at nadala ko agad sa hospital.

Simula nang araw na iyon nagbago na ang simple kong buhay, naging komplekado na ito.

Sinong mag-aakala na ang isang simpleng estudyanteng tulad ko, sa isang hindi kalakihang pribadong unibersidad ay makakapag-asawa ng isang bilyonaryo?

Isang gwapong bilyonaryo.

Pero kung anong ikina')-gwapo niya ganoon naman kasama ang ugali niya.

Pinakasal kami ng lolo niya, which is ang matandang tinulungan ko. Noong una hindi ako pumayag sa gusto nang matanda na magpakasal ako sa nag-iisang apo niya, pero pisti lang napa'oo' nalang ako kaagad ng tanongin ulit ako ng matanda habang nakatitig sa apo niya, habang nasa isa kaming ekslusidong restaurant. Alam niyo iyong feeling na kusang bumubukas ang bibig mo. Unconsciously napa'oo' na pala ako sa kasal na alok ng matanda.

Sinong hindi mapapa-oo kung ang long time crush ko lang naman ang gustong ipakasal sakin?

Pero hindi ako tanggap ng asawa ko. Nang dahil daw kasi sakin nasira ang buhay niya.

∞∞∞

'One of the youngest billionaire in his generation, Devin Nicklaus Wechsler, closed a billion dollar deal. Again.'

Basa ko sa diyaryo na binabasa ng isang matanda habang nag-aabang din ng bus na masasakyan sa waiting shed pauwi.

Hindi na kasi jeep ang pwede kong sakyan patungo sa bahay ng asawa ko, araw araw isang oras ang biyahe patungo sa exclusive village kung saan na ako nakatira ngayon mula sa waiting shed sa tapat ng school namin.

Mula sa gate ng village kung saan ako binaba ng bus ay kailangan kong maglakad papunta sa bahay.

Nadadanan ko muna ang sampong mansiyon sa village bago ang mismong mansyon ng mga Wechsler. "Magandang gabi po Mang Erning" bati ko sa isa sa mga guwardya na nagbabantay sa may gate. Asawa siya ng mayordoma sa bahay nina Devin.

"Ikaw pala Mende, magandang gabi din saiyow, ginabi ka na ata". Puna nito.

Napangiti nalang ako dahil sa pamamaraan ng pagbanggit ni Mang Erning sa pangalan ko. Noon palagi ko siyang tinatama sa pagbigkas ng pangalan ko, pero ngayon hindi na. Nasanay na rin siguro ako. Tsaka isa pa hindi siya si Mang Erning kung hindi 'Mende' ang tawag niya sakin.

"Kaya nga po e, may tinapos lang po ako sa eskwela, sige po maiwan ko na kayo, babalik nalang po ako dala ang hapunan niyo". paalam ko sa kanya.

"Kebait mo talagang bata ka, sige mag-iingat ka, pakisabi nalang sa asawa ko na mahal na mahal ko siya at 'wag kamo niya ako palaging mamiss". Biro pa nito.

"Opo, sasabihin ko po kay Nay Ester".

Napatingala ako sa gate ng bahay ng asawa ko pagdating, sa gate palang malalaman mo nang hindi basta basta ang mga nakatira dito.

Kasalukuyang nasa Amerika ang lolo ng asawa ko kaya kaming dalawa lang ang nasa bahay kasama si Nay Esther at dalawa pang kasambahay.

Pagpasok ko dumiretso agad ako sa kusina, nadatnan kong nagluluto doon si Nay Ester, ang mayordoma dito sa bahay. Ang asawa ni Mang Erning, na isa sa mga gwardiya ng village.

"Sinigang na hipon po ba 'yan?" tanong ko kay Nay Ester na hindi man lang naramdaman ang pagdating ko.

Napatalon siya nang kaunti dahil sa gulat  "Mindy hija, ikaw pala, halla, maupo ka na at ipaghahanda kita ng makakain."

"Huwag na po kayong mag-abala kaya ko pong maghanda ng sarili kong pagkain." Sabay mano at masahe sa balikat niya, "pinapasabi po pala ni Mang Erning na mahal na mahal daw po niya kayo at huwag niyo daw po siyang palaging mamiss."

"Palagi namang iyan ang sinasabi ng matandang iyon e, halla, kumain ka nang bata ka."

"Magpapalit lang po ako." paalam ko tsaka ako pumanik sa pangalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwartong tinutuluyan ko.

Bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko, hindi ko maiwasang tumingin sa katapat kong kwarto. Ang kwarto ng asawa ko. Nagkibit balikat nalang ako, siguradong maaga nanaman 'yun uuwi lalo na ngayon.

Maagang uuwi kasi madaling araw na iyon umuuwi.

hay nako Mindy dapat sanay ka na. Sa loob ng tatlong taong paninirahan mo sa bahay na 'to ni minsan ba hindi umuwi ng hindi madaling araw 'yang asawa mo?

Nagkibit balikat nalang ako at nagbihis na.


"Good evening, ma'am" bati ko sa kapapasok lang na customer dito sa café na pinagtratrabauhan ko.

Eight pm hanggang alas dos ng madaling araw ang swift ko araw araw kaya minsan pagkagaling sa eskwela dito na ako dumidiretso kung gahol na ako sa oras.

Kahit bilyonaryo ang asawa ko hindi ako umaasa sa kanya pagdating sa pera, kahit na may binigay sa aking credit card/ cheke ang lolo niya. Ayon inaamag na ata sa drawer ko. Ayoko kasing isipin ng asawa ko na pera lang ang habol ko sakanya kaya ako pumayag sa gusto ng lolo niya na magpakasal kami.

Pero kahit ilang beses ko pang sabihin sa kanya iyon, mukhang pera pa rin ang tingin niya saakin.

Hindi din niya alam na nagtratrabaho ako at wala akong balak na ipaalam sa kanya, wala naman siyang pakealam sa akin kahit na anong ginawa, ginagawa at gagawin ko.

Kinakausap lang niya ako na parang normal na mag-asawa tuwing nandito sa Pilipinas ang lolo niya.

He always wear the husband mode mask whenever his grandfather is home. Nakikita niya ako tuwing suot niya ang 'maskara' pero tuwing hindi para akong isang bagay na palaging nandiyan pero hindi napapansin.

May pakealam ako sakanya pero ayaw niyang pinapakealaman ko siya kaya tatahimik nalang ako at nagkukunwaring walang damdamin.

Hindi alam nang pamilya ko sa probinsya na may asawa na ako. Mas mabuti nang wala silang alam dahil sa tingin ko hindi naman magtatagal ang kung ano man ang meron kami ngayon ng asawa ko.

Wala kaming kibuan pag nagkataong nasa bahay siya. Alam niyo yung feeling na hindi ka pinapansin nang taong gustong gusto mong makunan ng attensyon.

Tsaka sino ba naman ako para pansinin nang nag-iisang Devin Nicklaus Wechsler? I'm just his unwanted wife, Mindy Tailinh Tadije or should I say Mrs. Mindy Tailinh  Tadije-Wechsler.

∞∞∞

ms. akino

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now