Chapter 21

159K 2.7K 143
                                    

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi bago ito pumasok sa kotse niya. Ayoko sana siyang halikan dahil baka mahawa siya pero mapilit siya, kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin ang halik niya.

Ayaw pa sana nitong pumasok para daw maalagaan niya ako pero pinilit ko itong pumasok, dahil may board meeting ito, at importante iyon.

Suminghot-singhot pa ako habang pumapasok sa bahay pagkaalis niya. Argh! Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang magkaroon ng trangkaso.

"Ipinagluto kita ng lugaw, hija. Kainin mo na habang mainit pa." Sabi ni Nay Esther nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"Salamat po, Nay." Agad akong pumunta ng kusina at ipinaghain naman kaagad ako ni Nay Esther.

"Inumin mo ito pagkatapos mong kumain." Sabay lapag nito nang gamot at isang baso ng tubig sa harap ko. "Siya, maiwan muna kita at mamamalengke muna kami."

Pagkatapos kong uminom ng gamot, pumanhik na ako sa kwarto namin at nahiga. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa trangkaso.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nagising ako dahil sa pag-iingay ng cellphone sa bedside table. Kinuha ko ito habang nakapikit pa rin, medyo natagalan ako sa pagkuha kaya naging missed call ito.

Umupo ako at tinignan ang cellphone, may mahigit sampung missed call ito galing sa iisang numero. Kay Devin.

Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko nang tumunog muli ito. Agad ko namang sinagot ang tawag.

"Why aren't you answering my calls? I've been calling you since--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. "Sorry, nakatulog kasi ako." I said in a groggy voice.

"How are you feelin', wife?" Worried is visible in his voice.

"I feel much better after taking a nap."

"Have you eaten?" Napatigil ako sa tanong niya. Napatingin ako sa may wall clock ng kwarto. Past two pm na pala.

"Hindi pa, kagigising ko lang kasi, bababa ako mamaya para kumain."

"Go grab your lunch, I'll hang up. Don't forget to take your medicines. I love you."

Napangiti ako. "I love you, too."

"I love you more."

"Oo na lang." Saad ko habang natatawa. Ayaw nanaman kasi niyang magpatalo. "Sige na, kakain na ako. Bye."

Pinusod ko ang buhok ko tsaka ako bumaba para kumain. Medyo wala akong gana kaya naghanda nalang ako ng oatmeal.

Saktong pagkatapos kong kumain ay biglang may humalik sa kaliwang pisngi ko mula sa likod. Paglingon ko, ang nakangiting mukha ng asawa ko ang bumungad sakin.

Napakunot noo ako. 2:30 pa lang ng hapon anong ginagawa niya dito?

"What's with the face, wife? Don't you missed me?" Tanong nito at akmang hahalikan ako sa labi pero umiwas ako. Tinakpan ko ang bibig ko. This time siya naman ang napakunot noo.

"May sinat pa ako, baka mahawa ka." Rason ko.

He rolled his eyes in a manly way. "Don't care." Sabay alis nito sa kamay kong nakatakip sa bibig ko tsaka ako hinalikan nang malalim. "You taste like oatmeal." Komento nito.

"Kakakain ko lang ng oatmeal. Wala kasi akong masyadong gana."

Umiling-iling ito. "You need to eat alot, so you won't catched a fever again." Saad nito tsaka binuksan ang dalawang butones ng long sleeve nito at itinupi pa nito ang sleeves hanggang siko tsaka nagpunta sa harap ng ref. "I'll cook for you, what do you want to eat?" Tanong nito habang nakatingin sa loob ng ref.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now