Chapter 23

153K 2.4K 149
                                    

Hindi ako makatulog nang gabing 'yun. Pakiramdam ko kasi ang layo niya kahit magkayakap at magkatabi lang kami sa kama.

Pagkagising ko, agad akong umupo sa kama pero napahiga ulit ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Argh, feeling ko umiikot ang buong paligid ko. Ilang araw na rin ako nakakaramdam ng pagkahilo. Madalas din akong tamarin.

Napatingin ako sa bedside table nang biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko ito at sinagot ang tawag.

"Hoy, bruha asan ka na ba ha?" Ang naiinis na boses ni Barry ang narinig ko. Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone at tinignan ang tumatawag. Si Barry nga, bakit kaya?

"Bakit ba?" Tinignan ko ang oras. Malapit nang mag-alas nuebe. Late na ako sa opisina. Sana lang hindi ako kulangin sa oras dahil sa mga absent at sa mga oras na late ako pumapasok. "Wala ka bang pasok ngayon?"

"Ay baliw. Uso ba ang katol ngayon girl? Kanina ka pa namin hinihintay ni mangkukulam, bilisan mo at baka wala na tayong maupuan."

Mas nahilo ata ako dahil sa pinagsasabi ni Barry. Ano bang pinagsasabi niya? "Ano bang pinagsasabi mo?"

"Sinasabi ko na nga ba e nakalimutan mo, e ikaw pa itong nag-aya saamin. Bibigyan kita ng tatlong clue ha. Enoch. Basketball. Nine am sharp."

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Pagtingin ko sa date ng cellphone ko, sabado pala ngayon at ngayon ang basketball game ni Enoch. Gusto kong kutusan ang sarili ko.

Hindi ako late sa internship ko kundi sa basketball game ni Enoch. Malapit nang magsimula ang laro pero heto ako nasa kama pa rin.

Agad akong bumangon at tinext si Barry na mauna na silang pumasok sa school gym at ireserve nalang ako ng mauupuan.

Naghahanda na akong maligo ng may maalala ako. Si Devin. Itetext ko nalang siya na aalis ako ng bahay. Di bale nakapagpaalam naman na ako sa kanya noon tungkol sa lakad naming magkakaibigan tsaka for sure busy iyon sa kompanya dahil sa nawawalang pera.

Tinext ko siya bago ako gumayak.

Pagdating ko sa school gym ay nagsimula na ang laro. Nadatnan kong sumisigaw si Barry para icheer si Enoch, pansin ko ding nakatakip ng tenga si Sadie. Napangiti ako, kung hindi lang bakla si Barry ay siguradong magkakatuluyan ang dalawa kahit lagi silang nagbabangayan. Sabi nga nila 'opposite attracts'.

Umupo agad ako sa tabi ni Sadie. Nasa bandang unahan kami, nasa harap namin mismo ang mga players ng school namin.

"Ba't ngayon ka lang? Nakalimutan mo ano?" Tanong ni Sadie.

Tumango ako at ngumiti ng alanganin. Umingos naman ito. "Ang ganda ng nahanap niyong pwesto natin." Komento ko.

"Nireserve mismo ni Enoch, kaya nasa likod lang nila tayo." Kaya pala.

Napabaling kami kay Barry nang naubo ito.

"'Yan kasi, sigaw pa more bakla. Effort kung effort sa pagsigaw e noh." Ingos ni Sadie.

Uminom muna si Barry ng tubig. "Pano naman kasi e natatalo na sina fafa Enoch."

Pagtingin ko sa score board, lamang ng sampung puntos ang kabilang kupunan. Pagtingin ko kay Enoch, parang hindi ito nagcoconcentrate sa laro.

"Pansin kong kanina pa walang ganang maglaro si Enoch." Komento ni Sadie kaya napatingin ako saglit sakanya tsaka itinuon ulit ang attensyon kay Enoch. Hinihingal na ito kahit na first quarter palang ng laro.

"Di kaya may sakit siya kaya wala siyang gana?" Ani ko.

"Hindi kasi niya nakita kanina ang inspirasyon niya bago magsimula ang laro." Napatingin kami kay Barry dahil sa sinabi niya.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now