Chapter 24

157K 2.3K 139
                                    

Nanatili akong nakatingin sa kanya at ganun din siya sa'kin. Ramdam ko ang lamig ng hangin dito sa school garden dahil sa katahimikang namumutawi sa aming dalawa.

Umiwas ito ng tingin at napakagat labi. "I. I j-just want to confess to you about my feelings." He said looking straight in my eyes.

Bigla akong natulos, napakapit ako sa puno na siyang sinasandalan ko kanina.

Gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Damn. He's like a friend to me. Nothing more. Nothing less.

"Mindy Tailinh Tadije, I like you." He confessed.

Kahit inaasahan ko nang iyon ang sasabihin niya ay hindi ko pa rin maiwasang mabigla. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o sabihin. Ito kasi ang unang beses na may nagtapat sakin. At si Enoch pa.

Napayuko ako. Humakbang siya palapit sakin pero umiling ako kaya huminto siya at nanatili sa kinatatayuan niya.

May namumuo nang luha sa mga mata ko. I don't want to hurt him but I have to. Si Enoch ang unang pagsasabihan ko tungkol sa status ko sa buhay.

I look at his brown eyes. "I'm sorry." His shoulders fell.

Those word that I've said is enough for him to know my answer to his confession.

Pinilit niyang ngumiti sakin pero alam kong nasasaktan siya. Sinaktan ko siya. Kung mas nauna ko lang siguro siyang nakilala kesa kay Devin, bakit hindi. Enoch is a good man. A perfect boyfriend and a husband material.

He's smiling but deep inside he's hurting. Hanggang sa may nakatakas na luha sa kanyang mga mata. Tumingala siya at tumingin sa naglalakihang puno sa garden para hindi na tumulo pa ang kanyang luha.

Bakit? Bakit hindi siya nagtatanong kung bakit?

Unti-unti akong humakbang papalapit sa kanya then I hugged him. "I'm sorry, but I can't like you back."

"Because of him, right?" He asked from nowhere.

Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan siya na may nagtatakang tingin. "Anong ibig mong sabihin?"

"I actually overheard you with Mr. Wechsler in the school's office. So you're his wife? You are married to him?" He asked. Conforming.

Tumango ako. "Kinasal kami three years ago."

Kumunot ang noo niya. "I don't understand. If you two are married then what's this circling news all about." This time ako naman ang napakunot noo. Napatitig sya sakin. "No. It can't be. Namali lang siguro ako ng dinig." Umiling-iling pa ito.

Curiosity ate me. "Ano ba yun?"

"Well hindi naman ako sure pero the other day I heard my uncle talking to someone in the phone about marriage with your husband. Devin Wechsler."

I feel numb suddenly. "Sinong ipapakasal nila kay Devin?"

"My cousin. Astrid Monroe." Bigla akong nanginig. "Hey. I'm not sure okay, maybe I just misheard them." Sana nga. Sana nga ganun. But I'm feeling the opposite feeling. Bakit feeling ko may mali? "But i know it's impossible because my cousin is alread-"

"Kailangan ko nang umalis." Paalam ko. Hahakbang na sana ako paalis pero pinigilan niya ako.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako ng mapait. 'Di ba dapat ako ang magtanong sa kanya ng ganun, pero hindi na kailangan dahil obvious naman na ang sagot.

"Oo naman." I lied. Hindi ako okay.

"That's a relief." He said then smile. "So friends?" Tanong niya sabay lahad ng kamay niya.

This time I smile at him. A real one. "Friends."

Nagbuga siya ng marahas na hangin. "Ha! I can't believe it, I just got dumped today." Ngumiti ito sakin ng nakakaloko. "It's a first. So better keep it a secret between us." Anito sabay tawa.

"Oo naman Mr. MVP." Then I smacked him in the arms. "Nauna na akong umalis. Tsaka na ang pablow out mo." I waved at him then run through the school's main gate.

EWAN KO BA pero may parte sakin na nagsasabing umuwi ako ng bahay. Kaya ginawa ko.

Isang hindi pamilyar na kotse ang nadatnan ko sa may drive way ng bahay. When I enter the house, silence filled my ears. Wala ni isa akong makitang kasambahay. Wala rin si Nay Esther sa may kusina.

Pumanik ako ng hagdan. Akmang papasok na ako sa kwarto naming mag-asawa ng may narinig akong kalabog mula sa kalapit na kwarto. Sa mini office ni Devin dito sa bahay.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit ng kwarto para hindi ako makalikha ng kahit anong ingay.

Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya nakita ko kung sino ang nag-uusap sa loob na kinagulat ko.

Devin and his grandfather are talking. Tungkol siguro sa kinakaharap na problema ng kompanya.

Akmang aalis na ako ng mapatigil ako sa narinig ko.

"I'm not divorcing my wife, damn it." Devin said in a firm voice.

Sumandal ako sa may pader. May nagtutulak kasi sakin na dapat kong marinig ang ano mang pag-uusapan nila.

"Don't 'damn it' me young man." Napayuko si Devin at humingi ng paumanhin sa lolo nya. "Ofcourse you won't do that to Mindy because in the first place you too are not married."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa bandang gitna ng dibdib ko. Napaawang ang labi ko and unconsciously my tears started rolling down.

We're not married?

So ano peke ang kasal namin?

"What do you mean 'lo?"

"You're marriage contract are not registered so basically you two are not married."

"What?" Naguguluhang tanong ni Devin.

"What's with that reaction? 'Di ba dapat magsaya ka sa nalaman mo? in the first place hindi mo naman gusto ang makasal 'di ba?"

"Yes, I'm against the marriage but you force me into it. I want my freedom to choose to marry who i love but you you took it away from me just because you met some ramdom woman who saves you. Me in exchange of her heroic action? then now what?"

"Then the destiny is on your side, grandson. You don't have to force yourself from your marriage to Mindy."

Enough.

I had enough.

Tinakpan ko ang dalawang tenga ko. I want to scream but all can i do is to scream inside my mind. Naninikip din ang dibdib ko at anytime ay baka bigla nalang akong mawalan ng malay.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang naglalabasan sa mga mata ko. My body is trembling. Feeling ko bigla akong nanlambot sa mga narinig ko.

Not minding the sound that i'll make, I run as fast as I could hanggang sa makalabas ako ng subdivision. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada habang wala sa sarili. My tears are still falling na kahit nanlalabo na ang mata ko ay sige pa rin ako sa paglalakad.

So after all what happened between us. After all the sweet moments and words we shared. I'm still his unwanted wife. Nothing's change.

I feel so weak. Biglang nanghina ang katawan ko hanggang sa nararamdaman ko nalang na unti-unti na akong natutumba.

Yeah, indeed, that truth hurts but it will set you free from a world that full of lies and false hopes.

The next thing I felt was the cold cement I'm lying. Then everything went black.

◈∞◈∞◈∞◈
ms. akino
◈∞◈∞◈∞◈

Next story: The Badboy's Kryptonite.

- the prologue is already posted.

Next next story: The Badboy versus The Playboy.

Kung papipiliin ka. Ano ang pipiliin mo? Badboy o Playboy?

Si Krung-krung na Badboy o si Tokwa na Playboy?

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now