Special Chapter

191K 2.9K 340
                                    

Bigla akong naalimpungatan. Pagdilat ko ng aking mga mata agad kong tinignan ang orasan sa loob ng kwarto. Alas tres palang ng madaling araw. Sinubukan kong umupo pero hindi ko magawa dahil sa makapulupot sa'king matitipunong braso.

Napatingin ako sa asawa kong mahimbing na natutulog. Hindi ko mapigilang mapangisi at matawa dahil naaalala ko kung bakit siya napagod ng sobra kaya ang himbing ng tulog niya.

Napagod sa paggawa ng gawaing bahay. Ewan ko ba, gusto ko kasing siya lahat ang gumawa ng mga gawaing bahay. Hinaplos ko may maliit na umbok kong tiyan. Maybe because of our little angel here. Excited na akong malaman kung babae ba o lalaki siya.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw. Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakapulupot sakin para hindi siya magising. Tumayo ako at kinuha ang pitsel sa round table na nasa loob mismo ng kwarto namin. Naglagay na kasi siya ng isang pitsel ng tubig at mga baso dito sa kwarto para hindi ko na kailangang bumaba sa kusina para doon uminom.

Habang umiinom ako ng tubig bigla akong nakarinig ng iyak ng bata. Oh, Dryckx, here you go again with your tantrums.

Napatingin ako sa kama namin ng biglang gumalaw si Devin. Kinapa nito ang tabi niya pero nang hindi niya ako makapa, bigla siyang umupo at tinignan ang pwesto ko sa kama. Panicked consumed him.

"Love!" Sigaw nito habang inaalis ang kumot na para bang nagtatago ako sa ilalim ng kumot. Natawa ako kaya napatingin siya sa'kin. I saw him sigh. "Please, don't scare me like that, love." Ngumuso pa ito. Tumayo ito at lumapit sakin habang nakanguso pa rin.

He kissed me and hugged me, I hugged him back. Akmang hahalikan niya ako ng marinig namin ang pag-iyak ng panganay namin sa katabi naming kwarto.

"Bad timing, baby." He murmured.

Hinampas ko siya sa braso at ininguso ang pintuan ng kabilang kwarto. Pwede kasing pumasok sa kabilang kwarto mula mismo sa loob ng kwarto namin. Bumuntong hininga siya tsaka pinuntahan ang kwarto ng anak namin. Our two and a half years old baby boy, Dryckx Wechsler.

Uminom ulit ako ng isang basong tubig bago siya sinundan sa kwarto ng anak namin. Naabutan ko siyang buhat-buhat ito habang pilit na tinatahan ang bata pero sige pa rin sa kakangawa ang pasaway na bata.

Natuon ang atensyon ng anak namin sakin, mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. "M-mama! Mama!" Ngawa nito habang inaabot ang dalawang maliit na kamay sa'kin. Yeah, he's a mama's boy. Tuwing nakikita niya ako ay palagi niyang gustong magpabuhat sa'kin. Malapit siya sakin kaysa kay Devin dahil ako palagi ang kasama niya sa bahay habang nasa trabaho pa ang papa niya, ayoko kasing kumuha ng yaya, gusto ko ako mismo ang mag-alaga sa kanila, minsan naman tinutulungan ako ni Nay Esther. At kapag dumadalaw dito sa bahay sina Barry at Sadie ay hindi na nila mabitawan si Dryckx, kaya kahit papaano ay makakapagpahinga naman ako. Pagkauwi naman ni Devin pagkagaling ng trabaho agad niyang kinukuha sakin ang anak namin pagkatapos niyang maglinis ng katawan. Iyong oras na dapat magpahinga siya dahil pagod siya sa maghapong pagtratrabaho ay ginugugol pa niya sa pag-aalaga sa anak namin. That's why I love him so much. Sila ng anak at magiging anak pa namin.

"Mama can't carry you, buddy. Maiipit ang baby brother mo." Anito sa anak namin. Baby brother? Nabanggit nga niyang gusto niya ulit ng anak na lalaki.

Napatingin sakanya si Dryckx. "Ipit? Baby?" Inosenteng tanong nito habang hilam pa ang luha sa mga pisngi nito.

"Yeah. So you should stop crying so your baby brother can sleep. Alright?" May ngiting tanong nito sa bata.

"I wanna to sleep beside my baby brother." Nakangusong pakiusap ng baby.

Napabuntong hininga ang asawa ko. Natawa ako ng mahina, halata kasing ayaw nito sa gusto ng anak namin. Naughty hubby, mukhang gusto nanamang makaisa.

"You can't buddy. Maiipit mo si baby." Pagtanggi nito.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now