Chapter 8

164K 2.9K 855
                                    

"tell me, have we met before our marriage?"

The answer is both yes and no. I've seen him before our marriage. Many times. Because I used to stalk him back when I was a freshman and he was a graduating student.

Lagi ko sya noong inaabangan sa labas ng school gate nila tuwing bago ako umuwi. Though parehas lang ang oras ng dismissal namin, tinatakbo ko ang distansya ng school naming dalawa para lang abangan syang lumabas sa eswelahan nila. Mabuti nalang at hindi ito umuuwi agad dahil may practice pa ito sa basketball araw araw after dismissal.

Uuwi lang ako sa tinutuluyan kong apartment pag lumabas na sa gate ng kanilang school ang mamahalin nitong kotse. Sa totoo lang hindi ko sya nakikita sa loob ng kotse dahil heavy tinted ito, pero kontento na akong makita ang kotse nito, ini'imagine ko nalang kung anong expression nya sa loob tuwing dumadaan ito.

But I doubt kung nakita na nya ako noon. Sa tingin ko kasi malabong mangyari iyon.

"I see" yan ang naging tugon nya nang sagutin ko nang 'hindi' ang tanong nya.





NAALIMPUNGATAN ako nang may tumatamang sinag nang araw mula sa bintana nang kwarto ko. Habang nakapikit pa rin, kinapa ko ang bedside table kung saan ko nilapag kagabi ang cellphone ko. Pero napamulat ako nang mata nang hindi ko ito makapa.

Naupo ako sa kama at napahikab pero ganun nalang ang panlalaki nang aking mga mata nang mapansin ko kung nasan ako.

Kinusot kusot ko ang aking mga mata para masigurado kong hindi ako namamalik mata lang.

Anong ginagawa ko sa kwarto ni Devin?

Napatingin ako sa bedside table, wala doon ang cellphone ko. Wala doon dahil wala ako sa kwarto ko. Sa pagkaka'alam ko kasi sa kwarto ko ako natulog kagabi dahil nga umuwi na ang lolo ni Devin kaya hindi na namin kailangang magpanggap.

Anong oras na kaya?

Bigla akong napatingin sa pinto nang banyo nang bigla itong bumukas.

Pisti.

Ang hot nang asawa ko.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa katawan nang asawa ko. Nakatapis lang kasi ito nang tuwalya sa may bewang nito at nagpupunas nang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.

"Take a picture, it'll last longer wife" nakangisi pa sya nang nakakaloko.

Namula ako dahil sa sinabi nito. At ano daw?

Wife?

Napayuko ako dahil sa hiya. Sino ba kasing nagsabing lumabas sya nang banyo na nakatapi lang nang tuwalya? Babae lang ako na umiibig, masyadong marupok.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala sya, tinukod nito ang isang tuhod sa kama at pati ang dalawang kamay nito tsaka dumukwang palapit sakin.

Ramdam kong nag'init ang buong mukha ko. A-anong balak nyang gawin?

Ang lapit na nang mukha nya sa mukha ko, kaya napa'atras ako nang kaunti na hindi naman nya hinayaan dahil pinigilan nya ako, nilagay nito ang isang kamay sa likod nang ulo ko.

Napapikit nalang ako hanggang sa maramdaman kong hinalikan nya ako sa noo, napamulat ako dahil sa ginawa nya.

"Good morning" bati nya tsaka nya pinagdikit ang mga noo naming dalawa.

Napangiti nalang ako nang kusa nang masilayan kong nakangiti rin sya.

Yeah, it's indeed a 'good' morning.




MARAMI ANG nagbago simula nung umalis ang lolo ni Devin sa bahay. It's been two weeks. Devin gave a chance to our relationship. To our marriage. Sya mismo ang nagsabi na bakit hindi namin i'try bigyan nang chance ang relasyon namin bilang mag-asawa. Sobrang natuwa ako nung sabihin nya yun, I hugged him and he hugged
me back. Tight.

Hindi ko alam kung ano o sino ang dahilan nito sa pagbibigay nang pagkakataon sa relasyon namin, pero kahit ano pa man yun, nagpapasalamat ako nang lubos.

Nagluluto ako ngayon nang agahan namin. Simpleng fried rice, itlog, hot dog at ham lang. Typical breakfast. Napangiti nalang ako nang may biglang yumakap sakin mula sa likod. I know his smell-- his addicting perfume.

"Good morning, wife" bati nito sabay halik sa batok ko.

"G-good morning din" sa totoo lang naninibago pa ako sa set up namin, nasanay na siguro akong lagi nya akong binabalewala. But I'm trying to cope because this is what I wish for, ang maging ganito sya sakin.

Yung pinapansin at pinapahalagahan nya ako.

Nakapang'opisina na sya ako naman nakapambahay pa din. Hindi ko pa kasi nababanggit sakanya ang tungkol sa pag'aaral at sa trabaho ko. Ewan ko ba, may bahagi sakin na gusto kong sabihin sakanya ang tungkol sa mga ito pero may parte rin na nagsasabing hindi pa ito ang tamang oras para malaman nya. Basta.

Habang kumakain kami ng agahan may mga time na sinusubuan nya ako na syang sanhi nang pagpula nang mga pisngi ko, nung napansin nyang namumula ako, pinisil pa nya ang ilong ko na syang nagpapula pa saakin lalo. Yeah, his teasing me. Ngayon ko lang nalaman na may mga ganito pala syang side. The mischievous side.

Pagka'alis nya tsaka ako nag'ayos papunta sa eskwela.

Kinagabihan maaga itong umuwi, buti nalang at naisipan kong wag munang pumasok sa cafe.comm.

Nag'aayos ako ngayon dahil sa labas raw kami kakain. Nagsuot ako nang dress dahil napaka'espesyal nang gabing ito para sakin, ito kasi ang unang pagkakataon na kakain kami sa labas na kaming dalawa lang. Dati kasi kumakain lang kami sa labas pa'umuuwi nang bansa ang lolo nya, minsan sa labas kaming tatlo kumakain.

Paglabas ko nang bahay nadatnan ko syang nakasandal sa kotse nito, may kausap ito sa telepono at ang isa nitong kamay ay nasa loob nang bulsa nito.

Nang mapansin nya ako, agad nya akong nginitian ganun din ako sa kanya, ang gwapo talaga nang asawa ko kahit simpleng Polo shirt at jeans lang ang suot nito.

Nag'paalam ito sa kausap sa telepono tsaka nya ako hinapit sa bewang papalapit sakanya tsaka nya ako hinalikan sa labi nang mabilis.

Bitin.

"You look gorgeous" he complemented.

"Ikaw rin" tugon ko.

"Let's go before I think twice" hinalikan ulit nya ako sa labi pero this time mas matagal nang kaunti kesa sa nauna.

Pero bitin pa din.

Napapansin kong simula nang maging okay kaming dalawa ay panay na ang halik nito sakin. Ipinagkibit balikat ko nalang ito. Hindi ko ipagkakailang gutong-gusto tuwing hinahalikan nya ako.

The dinner went well, sya mismo ang naghiwa nang steak ko at sinubuan pa nya ako though nung una medyo naiirita ako sa waitress na kumuha nang order namin, obvious kasi na may gusto ito sa asawa ko. Kung makatitig kasi parang wala ako, buti nalang parang ako lang ang babae sa paningin nang asawa ko. Naks naman.

After our dinner we went home straight. Magkatabi kami sa kwarto nya. We hug each other as we doze off.

I will wait for the time that he'll tell me that he loves me. Alam kong posible iyong mangyari. Ang kailangan ko lang gawin ay ang maghintay.

Sana lagi kaming ganito. Sana lagi syang ganito.

But...

My nightmare came when she came back.

'Tell me what happened to the 'chance' that you've promise?'

.∞.∞.∞.

ms. akino

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz