11 - Pagtatagpo

60 29 5
                                    

January 6, 2017
Oras: 8:00 ng umaga

"Selene!" Umalingawngaw ang boses ni Andrew sa loob ng opisina niya. Kararating lang niya at Una niyang hinanap ang sekretarya niya na wala sa table nito sa labas ng opisina niya.

"Sir Andrew! Teka lang po..." Humigit ng hangin ang sekretarya niya nang makalapit sa kanya galing sa pagtakbo nang marinig ang tawag niya. "M-may kailangan po kayo Sir?" Tanong ni Selene sa boss niyang hindi maipinta ang mukha.

"Saan ka ba galing? Ang aga-aga wala ka sa mesa mo. Nasaan na yong pinakontak ko sayo?" Tanong ni Andrew sa kaharap na huminga na ng normal.

"Ay si Mr. Ventura po ba? Naku Sir, nilagay ko po sa table niyo yong iniwan niyang message para sa inyo kahapon." sagot ni Selene.

Dinampot ni Andrew ang post it na neon pink na may nakasulat na mensahe.

Lalong dumilim ang mukha nito ng mabasa iyon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi matutuloy 'to? Selene sinabi ko na sayo na dapat you call me every time may ganitong matters. Anong mangyayari ngayon? Saan tayo hahagilap ng venue para sa shoot?" Tuloy-tuloy na ratrat ni Andrew na napasapo sa ulo dahil sa problemang kinakaharap.

Malaking kliyente ang mawawala sa kanila pag hindi sila makahanap ng perfect venue para sa isoshoot na commercial.

Hindi kumibo si Selene. Hindi na bago sa kanya na mainit ang ulo ng boss niya at alam din niyang need niya ng solusyon sa nangyari kahapon.

"Sir Andrew sori kung di ko kayo tinawagan. Alam ko pong pagod kayo masyado kahapon dahil sa dami ng meetings niyo. So naghanap na po ako ng ibang venue. Medyo malayo-layo nga lang po." Wika ni Selene. Napatingin sa kanya si Andrew.

"Kahit na malayo basta perfect ang venue Selene. Come on! Puntahan natin. Mag occular tayo." Yaya ni Andrew sa sekretarya na mabilis na nakatayo mula sa swivel chair niya.

Isa sa nakabisado ni Selene sa boss niya na hindi dapat sinasayang ang oras. Kahit minsan ay nakakairita ang pagiging ora-orada nito pero kinalaunan ay nahawa na din siya.

"Sir Andrew hindi po tayo pwedeng pumunta ngayon. May naka schedule na gagamit ng venue today. Bukas ng 10am pa aalis yong nandoon ngayon." Pigil ni Selene sa boss niya na akmang lalabas na ng opisina nito.

"Titingnan lang natin ang lugar. Gusto ko lang makasigurado Selene."

"Nakita ko na po yong pictures ng venue Sir and mas maganda po kaysa kay Mr. Ventura. Sinend ko sa email nyo kagabi." Wika ni Selene sabay turo sa laptop ng boss na nakapatong sa mesa nito

Dali-dali siyang bumalik sa pagkakaupo at nagtipa sa keyboard ng laptop niya.

Matamang tiningnan ng screen at napangiti.

"Perfect! You're right Selene, ito Yong perfect na venue. I can't wait, I need to see this place. Let's go. Tell Ferdie to get the car ready." Wika into at nagtuloy tuloy na sa paglabas ng opisina.

Napasunod si Selene habang tinatawagan si Ferdie ang company driver nila. Alam niyang hindi niya mapipigilan si Andrew kung may gusto itong gawin.

Nasa byahe na sila papuntang Baguio. Busy sa pagtatawag sa cellphone si Selene dahil pina-cancel ni Andrew ang mga meetings and other activities niya for that day.

"Selene natawagan mo naba ng may-ari na on the way tayo for occular inspection?" Narinig ni Selene na tanong ni Andrew mula sa backset ng SUV.

"Nainform ko na si Mr. Lander Chan and sabi niya po na saktong-sakto dahil nandun yong anak niya ngayon. Natawagan na daw po niya na darating tayo."

"Very good Selene." Tanging sambit ni Andrew at ibinalik sa laptop ang atensyon.

Mga bandang alas tres ng hapon na sila nakarating sa lugar. Malawak ang lupaing natanaw nila pagpasok nila sa isang private gate. Tinahak nila ang sementadong private road papunta sa nag-iisang bahay sa unahan. There it was, a three-storey house standing proud in the middle of a vast land. Mas maganda siyang tingnan sa personal at lalo na sa malapitan.

Isang mid thirties na lalaki ag nagbukas ng gate sa malaking bahay. Mas lalong hinangaan ni Andrew ang ganda ng bahay ng makapasok sila sa gate at makababa ng sasakyan. May dalawang 12-seater van na nakapark sa loob ng garahe.

Isang babaeng may katandaan na ang sumalubong sa kanila at nagpakilalang tagapangasiwa sa pag-aalaga ng bahay.

"Nandito daw po ang anak ni Mr. Chan? Gusto ko po sana siyang makausap?" Wikang tanong ni Andrew habang nasa tabi into si Selene na may hawak na notepad.

"Darating na po yon maya-maya. May mga sinamahan lang na mag-ikot sa strawberry farm. Upo po muna kayo doon sa loob at nang makapagmeryenda po kayo." Yaya ng caretaker ng bahay.

"Salamat po pero dito nalang po muna ako. I need a little stretching. Medyo mahaba-habang upoan yong binuno namin kanina." Wika ni Andrew sabay ngiti.

Si Selene ang sumama sa loob para makigamit ng CR.

Maya-maya ay may narinig na tawanan si Andrew mula sa gate na nabuksan na ng lalaking nagbukas din sa kanila kanina.

Grupo ng parang mga college students na babae yong dumating. May bitbit na basket yong iba na may lamang strawberries.

Napatingin sa kanya yong mga dumating na kabataan. Muntik na niyang isipin na baka isa sa mga studyanteng ito ang anak ni Mr. Chan pero ang isang parte ng utak niya ay bumitiw sa isiping iyon lalo na nang maramdaman ang puso niya na parang may hinihintay na di niya mawari kung sino.

"Excuse me Sir! Ikaw ba yong itinawag ni Papa na titingin sa bahay?" Narinig niyang tanong mula sa kanyang likuran.

Pagpihit niya nakita niya ang babaeng nagsalita.

"I-ikaw....?" Gulat na tanong ng babae.

Beautiful in her knee length yellow floral dress, she's there standing looking at him intently.

"Siya 'yong babae sa resto. What a small world!" sambit ni Andrew sa isip niya habang titig na titig siya sa dalagang kaharap.

OrasianaWhere stories live. Discover now