12 - Kabog

45 23 6
                                    

January 6, 2017
Oras: 3:00 ng hapon

Biglang tumahimik ang paligid na parang walang katao-tao. Lumakas ang kabog ng puso ni Lailanie nang magtama ang kanilang mga mata.

Kahit anong titig ang gawin niya ay tanging si Andres ang nakikita niyang nakatayo sa harap niya.

Ang kanyang mga mata na nangungusap habang sinasalubong ang bawat titig niya. Ang kanyang perpektong ilong na parang nililok ng kamay ng isang iskultor. Ang mga labi niyang manipis at mamula-mula na parang kaysarap halikan. At ang kanyang maamong mukha na di niya pagsasawaang tingnan at memoryahin.

Bakit sa dinami-dami ng tao ay Ito pa ang naging bisita niya. Naisip niyng maliit lang talaga ang mundo at nagkrus ulit ang landas nila.

All she can see ay ang modern version ni Andres. 'Yong Andres na social kumilos at halatang may kaya sa buhay at may pinag-aralan.

"Yes! It's me. Andrew Villarreal. Nice meeting you Miss..." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ng dalaga habang hinihintay ang pagbigkas nito ng kanyang pangalan.

"L-lailanie Marie Chan. Nice meeting you Mr. Villareal." pilit niyang kinalma ang sarili kahit halos dagundong ng dibdib niya nalang ang kanyang naririnig. Pinigil niya ang kanyang paghinga nang abutin niya ang kamay nito lalo na nang maramdaman niya ang parang kuryenteng dumaloy mula sa magkadaop nilang kamay papunta sa buong katawan niy.

Biglang kumunot ang noo ni Andrew at may namuong pawis sa noo niya. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Lailanie habang unti-unti siyang napangiwi na tila may naramdamang sakit.

"M-Mr. Villarreal? May problema ba?" Tanong niya nang maramdaman niyang nagsimulang manginig ang kamay ng lalaki at napasapo ito sa kanyang ulo dahilan para mabitiwan nito ang kamay ni Lailanie.

"S-Sir Andrew! Sir! Anong nangyayari sa inyo? Sir Andrew!" Tarantang tawag ng kasama niyang babae na agad sumaklolo sa tabi niya.

Napaluhod siya sa semento habang kumawala ang impit na sigaw dahil sa sakit ng ulo niya. Nanginginig parin ang katawan niya habang sapo ang ulo. Hinagod ng kanyang kasama ang likod nitong basa na ng pawis pero bigla itong nawalan ng ulirat. Buti nalang naalalayan ni Lailanie at ng kasama niyang babae ang magkabilang panig ng katawan ng binata dahilan para hindi ito tuluyan bumagsak sa semento.

"Kuya Conrad patulong po. Ipasok po natin siya sa loob para maihiga. Miss may gamot ba siya?" Pinilit ni Lailanie na 'wag mataranta sa nasaksihan. Hindi niy man alam kung anong sakit nito pero ramdam niya ang sakit na ininda ng binata sa mga oras na 'to. Nakita niyang umiling ang kasama niyang babae dahilan para mas makaramdam siya ng kaba.

Binuhat ni Conrad at ng kanyang driver ang walang malay na binata papasok sa loob ng bahay at inihiga sa mahabang sofa sa sala.

Dumulog agad ang kasama niyang babae na parang assistant niya yata at pinaypayan ito gamit ang folder na dala habang nakaupo sa gilid ng wala pang malay na lalaki.

"Sir Andrew! Gising po kayo. Hindi ko alam anong gagawin sa inyo Sir!" Wika ng babae na may pag-aalala.

"Lumayo kayo sa kanya. Lalong hindi yan magigising kung walang hangin sa paligid niya. Ipagpatuloy mo yong pagpapaypay." Narinig nilang wika ni Yaya Lucing mula sa kitchen.

"May sakit ba siya?" Tanong ni Lailanie sa babaeng kasama niya na nakarehistro sa mukha ang pag-aalala para sa lalaki.

"Wala akong ideya. Ako nga pala si Selene Mam. Secretary niya ako. First time kong nasaksihan na inatake siya ng ganoon." Sagot niya.

"Lailanie nalang Selene. Wala ka bang pwedeng mapagtanungan tungkol sa kondisyon niya? Baka napagod siya sa byahe kaya inatake siya." Anuman ang sakit niya ay siguradong nahihirapan siya.

"Wala akong number ng girlfriend niya. Napaka private na tao ni Sir Andrew."

"Guys, magsipanhik muna kayo sa taas." Utos ni Lailanie sa mga estudyante niya nang mapansing nagkukumpulan ang mga ito sa gilid ng sala. "Relax muna kayo doon and be ready for dinner at six." Patuloy niyang wika na sinagot ng tango ng buong grupo saka nagsipanhik sa taas.

"Teacher ka?" Maya-maya'y tanong ni Selene nang makaakyat na ang grupo ng mga kabataang nakita niyang kasama ni Lailanie kanina.

"Yes, history teacher. Anyway, I had your rooms prepared for the night. Magkakamalay din siya mamaya."

Isang tango, malungkot na ngiti at salamat ang itinugon ni Selene kay Lailanie bago pumanhik ang dalaga sa kwarto niya para magpalit ng damit.

Dinalhan ni Lailanie ng pamalit na damit si Selene kasi mukhang wala silang dalang bagahe since occular inspection lang ang nabanggit nv Papa niya nung tumawag ito para ipaalam sa kanya na may darating.

Tama nga hinala niya dahil nahihiya man ay tinanggap ni Selene ang damit na binigay niya saka pumunta sa kwartong pinahanda niya para sa mga bagong dating.

Si Lailanie muna ang pumalit sa pwesto na iniwan ni Selene at nagpatuloy sa pagpapaypay kay Andrew. Hindi nilubayan nang titig ni Lailanie ang buong mukha ng binata na ngayon at payapa na ang paghinga at nawala na ang panginginig ng katawan nito.

Ilang saglit ay dahan-dahan itong umungol at dumilat. Nagkakamalay na siya. Kumurap kurap siya na para bang inaaninag ang lugar na bumungad sa pagmulat niya.

"Salamat at nagkamalay ka na." Mahinahong wika ni Lailanie na may galak na pumuno sa kanyang dibdib.

Nabaling ang tingin niya sa dalaga. Pagkagulat at pagkalito ang una niyang nakita sa mga mata ni Andrew.

"L-lailanie?" Usal niya habang titig na titig dito.

Kusang pumatak ang luha ni Lailanie nang marinig niya ang pagbigkas nito sa kanyang pangalan.

⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚

A/N: Nakakaalala na kaya si Andrew? Hanggang kailan aasa si Lailanie na si Andrew ay si Andres?

Subaybayan natin ang susunod na mangyayari.

Don't forget to vote and sana ay nagustuhan niyo ang aking kwento.

OrasianaWhere stories live. Discover now