13 - Galak

41 20 6
                                    

January 8, 2017
Oras: 2:00 ng hapon

Nakabalik na sina Andrew sa Maynila pero hindi ito kumikibo sa kahabaan ng byahe. Medyo nagtaka si Selene sa inakto ng kanyang amo pero naisip nito na baka pagod lang sa ginawa nilang paglilibot sa buong bahay at sa karatig na lupain nito. Hindi na rin niya binanggit dito ang tungkol sa nangyari kay Andrew noong atakihin I to at mawalan ng malay tao.

Pagkarating namin sa opisina ay wala itong kinakausap at nagkulong lang sa opisina niya si Andrew. Mabuti nalang at wala oa siyang naaschedule na meeting dahil pinacancel niya muna lahat indefinitely.

Inasikaso nalang ni Selene ang mga naiwang trabaho at piniling 'wag istorbohin ang boss niya.

Lumipas ang isang oras mula nang dumating sila nang tumunog ang telepono sa table ni Selene.

Si Divine ang tumawag at hinahanap si Andrew dahil hindi daw ito sumasagot ng tawag sa cellphone niya.

"Sir Andrew! Nasa line 2 si Miss Divine. Gusto po kayong makausap." Tawag ni Selene kay Andrew pagkatapos katukin ang pinto ng opisina nito.

Wala siyang narinig na sagot. Kinatok niya uli ito at inulit ng una niyang sinabi kanina pero isang pabulyaw na "Leave me alone!" ang kanyang nakuhang sagot. Nagtataka man sa init ng ulo ni Andrew ay hindi nalang binigyang pansin iyon ni Selene. Off limits siya sa personal na buhay ng boss niya.

Sa kabilang banda ay galit lalo si Divine dahil hindi niya parin nakausap si Andrew. Kahit may mga problema ito sa opisina ay hindi nangyaring hindi siya kinausap ni Andrew. Palaging siya ang takbuhan nito mula nang makilala niya ito dalawang taon na ang nakakalipas.

Napagdesisyonan niyang puntahan sa opisina ang binata dahil dalawang araw niya itong hindi nakita at nakasama. Gulatang sekretarya ni Andrew ng biglang sumulpot ang dalaga na hindi maipinta ang mukha.

Gusto sanang pumasok agad ito pinigilan ni Selene dahil ayaw tumanggap ng bisita ng boss niya. Kinatok niya ang amo sa loob ngunit mas lalo pa yatang nagalit ito kahit sinabi niyang si Divine ang bisita niya.

Narinig niyang may kumalabog sa loob na mas nagpakaba kay Selene dahil baka inatake na naman ito at nawalan ng Malay. Pero humupa ang kaba niya ng marinig boses nito na parang may kausap sa telepono.

Paglingon niya ay nakita niyang may kausap si Divine sa cellphone nito at narinig niyang binanggit ang pangalan ng boss niya. Nakahinga ito nang maluwag saka bumalik sa kanyang mesa.

Maya-maya ay nagpaalam na si Divine matapos sabihing nagkausap na sila ni Andrew sa cellphone at hihintayin nalang niya ito sa condo niya.

Napailing nalang si Selene. Hindi rin matiis ni Andrew ang kasintahan nito kahit hindi niya ito hinarap.

Ibinalik ni Selene ang atensiyon sa mga trabahong dapat tapusin ngunit nahinto ulit dahil sa pagtunog ng telepono.

Si Lailanie Chan ang tumawag at kinakamusta si Andrew. Medyo nakagaanan na ng loon ni Selene ang dalaga kahit sa maikling panahon na nakasama niya ito sa Baguio. Mabait ito at maalalahanin hindi tulad ng ibang mayayaman na matapobre at mapagmata ng kapwa.

Sinabi niyang mainit ang ulo ng boss niya saka niya ipinasa ang tawag sa loob.

"Sir Andrew, si Miss Lailanie nasa line 2 po. Kakausapin nyo po ba? Tanong ni Selene sa amo. Tahimik lang itosa kabilang linya.

"I'll take the call." Narinig niyang tugon ni Andrew kasunod ng isang buntong-hininga.

"Ok po Sir." Maikling wika ni Selene saka nirelease ang line 2 mula sa pagkakahold nito.

"Hello..." Bati ni Andrew sa dalagang nasa kabilang linya. Wala siyang narinig na sagot maliban sa isang malalim na paghinga na para bang nag-iipon ito ng hangin bago sumagot.

"M-Mr. Villarreal...." Narinig ni Andrew na wika ni Lailanie mula sa kabilang linya. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya pagkarinig sa boses ng dalaga.

May kung anong galak sa puso siyang naramdaman. Bumalik sa kanya yong mga nakita niyang mga mukha at lugar bago siya mawalan ng malay noong magdaop ang kanilang mga kamay.

"I was asked to call you to check if tuloy 'Yong pinareserve n'yong date na gagamitin ang bahay for the shoot?" Dugtong ni Lailanie na pumukaw sa isip ni Andrew mula sa malalim na pag-iisip.

"Y-yes! Tuloy 'yon. I'll have my secretary prepare the contract para mapadala sa papa mo."

"No need! I will be the one to sign it on behalf of my father. He'll be out of the country in the next few days with my mom so I will be taking care of it while they're away." Anunsyo ni Lailanie sa kausap. Ang ganda ng boses niya sa telepono kahit ramdam ni Andrew ang kalungkutan nito.

"I see! So when do we set a meeting for the contract signing?" Tanong ni Andrew na nakaramdam ng kakaibang excitement sa loob niya sa isiping makikita niya ang dalagang nagsisimulang magpagulo sa isip niya.

"Tomorrow. Lunch time if you're free." Wika ni Lailanie.

"That's fine with me. Lunch time it is." Masiglang sang-ayon ng binata.

"By the way, k-kumusta na pakiramdam mo?" May pag-aalala siyang naramdaman mula sa boses nito. May bumalot na saya sa puso ni Andrew.

"I'm better now." Makahulugang sagot ni Andrew na sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Mabuti naman. Sobrang nag-alala a... I-i m-mean nag-alala ng sobra a-ang secretary mo." Pautal na wika ni Lailanie na mas ikinatuwa ni Andrew. Hindi niya maipahiwatig ang tuwang naramdaman ng puso niya.

"You're stuttering. Are you nervous?" Panunuksong tanong ni Andrew sa kausap na ikinatahimik nito habang todo ang ngiti ng binata.

"N-no! Just looking for the right words." Sagot niya.

"Okay. I'll see you tomorrow at lunch Miss Chan."

"Bye Mr. Villarreal." Paalam ng dalaga.

"Bye Annie."

Napuno ng katahimikan ang kabilang linya. Hindi alam ni Andrew kung bakit yon ang pangalang sinambit niya. Basta nalang ito lumabas sa bibig niya.

"S-si Andres lang a-ang tumatawag sa a-akin ng pangalang yan." Narinig ni Andrew na sabi ni Lailanie na may sumunod na pagsinghot.

Nakaramdam ng inis si Andrew sa sarili.

Alam niyang napaiyak na naman niya ang dalaga at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib.

"I'm sorry..." Tanging sambit ni Andrew.

OrasianaWhere stories live. Discover now