Wattpad Original
Mayroong 18 pang mga libreng parte

CHAPTER 2

164K 2.5K 113
                                    

Chapter Two

Argao Falls


"Sinong sinisilip mo diyan?"

Napatalon ako sa boses ni Ryso na tumabi pa sa akin.

Mabilis akong bumaba sa maliit na upuang inilagay ko para masilip ang kalupaan namin... Partikular sa parteng tanaw ko ang malaking barn sa hindi kalayuan.

"Wala!" Inis kong sabi at itinabi ang bangkito sa gilid.

Mabuti na lang at mataas 'yon kaya hindi niya makikita kung ano man ang tinitignan ko sa labas.

Ilang araw na ang lumipas nang magtagpo ang landas namin noong walang modong anak ni Mang Caloy! At hanggang ngayon ay pinagpa-planuhan ko pa rin kung paano ako makakapaghiganti ngayong nandito siya sa lugar namin.

Ako? Nagawa niya akong sabihan na hindi siya interesadong makilala ako? Gusto kong matawa sa sobrang inis! Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit sa leeg!

"Ano nga?" Kumunot ang noo niya at sinundan akong maglakad papasok sa mansion.

"Since when did you become interested in my life, Harrison?" Inirapan ko siya at hindi na muli pang nilingon.

Nagpatuloy naman siya sa pagsunod sa akin.

Hinarap ko lang ang makulit kong kapatid nang makarating na kami sa living room.

Tumawa siya at umupo sa couch. Sumunod naman ako at tamad na binuksan ang TV.

Magpabili kaya ako ng pintura at ibuhos sa kanya? Patayin ko kaya ang isang kambing para mapagbintangan siya? O...

Wait! Anong ginagawa niya sa property namin?! Napatayo ako na parang wala sa sarili.

Ibig sabihin ay matagal siyang mananatili dito? Bakit nasa kwadra siya ng mga kabayo ko?!

"You're acting weird, Ate. Na-engkanto ka ba?" Naghalukipkip ang kapatid ko sa aking harapan.

Tinapunan ko siya ng matalim na titig. Bumuntong hininga ako at bumalik sa pagkakaupo.

Tumabi ako sa kanya. I guess I need someone to tell how pissed I am with Mang Caloy's son.

Hinarap ko ng mabuti si Harrison kaya mas kumunot ang noo niya. Am I acting weird? No. I'm acting pissed! Ito 'yon!

"Kilala mo ba 'yong anak ni Mang Caloy?" Hindi ko na napigilang itanong.

Wala sa sariling umiling ang litong litong mukha ni Ryso. Nasapo ko ang ulo ko dahil sa kabaliwang naiisip.

Bakit ko ba kailangang itanong 'yon sa kapatid ko? He's nobody. He is! At hindi ako dapat nagpapaapekto ng ganito. Makakaganti rin ako.

Clegane...

Napailing ako ng ilang ulit pumasada sa utak ko ang nakakainis niyang pangalan.

Patalon talon akong naglalakad sa kalupaan namin. It's a good day! Alam kong pwede ko ng magamit si Gideon ngayon dahil iyon ang sabi ni Daddy.

Isang linggo na ring naging abala si Mang Caloy kaya alam kong sapat na 'yon para masulit niya ang pangungulila sa walang modo niyang anak.

"Ate Sally! Si Mang Caloy po?" Nakangiti kong tanong sa babaeng nakasalubong ko habang hawak ang kumpol ng mga kambing na ipapastol sa mas madamong parte ng farm.

Ngumiti siya at hinila ang mga ito para makalapit pa ng kaunti sa akin.

"Nasa kwadra yata, Maddy. Pero ang sabi ay aalis daw iyon ngayon at mamayang hapon pa ang balik." Sagot naman niya.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon