Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

CHAPTER 5

126K 2.2K 86
                                    

Chapter Five

Blue Sky


Nakarating kami ni Erwan sa malawak na bakurang ang sabi niya ay pagmamay-ari nila Travis. Mayroong two-storey house sa gitna ng lupa nila at ang bakuran ay napapalibutan ng iilang puno ng mangga.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko lalo pa nang matanaw ko ang may sampung katao na nakaupo sa bermuda grass.

Sa ilalim ng malaking puno ay nakalatag ang mga kable at instrumentong gagamitin nila sa pagtugtog.

My eyes searched for Clegane. Hindi dahil gusto ko siyang makita kung hindi para taguan siya. Hanggang ngayon kasi ay naiisip ko pa rin iyong tagpo namin sa Argao. 'Yung hawak niya sa mga damit ko... Sa...

"Ahm Erwan, doon na lang ako uupo sa dulo ha." Sabi ko at turo sa sulok ng isang puno.

Sinundan niya ng tingin ang sinabi ko bago ako sagutin.

"Sure ka? Sige." Aniya.

Ngumiti ako sa kanya bago dumiretso sa sinabi ko samantalang siya naman ay pumunta para batiin ang mga kabanda niya.

Hindi naiwasan ng mata ko ang mga mapanuring titig ng mga taong naroon. They're all older than me. 'Yan ang sigurado ko.

Hindi naman nila ako pinansin o tinitigan nang matagal pero alam kong nagtataka sila kung anong ginagawa ko ngayon dito.

Walang imik akong naupo sa bermuda grass, may kalauyan sa nakararami. Palinga linga ang ulo ko sa paligid.

Now where is he?

Lahat ng mga kabanda niya ay narito na ah? Hindi na ba siya tutuloy? Aalis na rin ba siya kaya hindi na siya sasali sa kanila?

Napatalon ako nang marinig ang pag-strum ng gitarang nakasaksak sa speaker. Si Erwan ay inaayos ang kanyang piano habang gano'n din ang ginagawa ng iba.

Hindi ko alam kung bakit parang kumulo ang tiyan ko nang pumasok sa malawak na bakuran ang isang itim na sasakyan. Nalaglag ang panga ko ng makitang umibis sa driver's seat ang babaeng minsan ay hinangaan ko at ng lahat ng nasa paaralang pinapasukan ko.

Si Daniella Cruz. Ang fourth year student na sikat sa Saint Anthony Highschool. Bumaba rin doon ang dalawa pang babaeng kaibigan niya. They're all pretty! Maganda naman ako pero dahil mas matanda sila ay parang iniidolo ko ang grupo nila noon.

Who doesn't? They look fancy after all. 'Yung tipong hindi nababagay sa bundok.

Dapat hindi na ako nagugulat na magkakaibigan sila dahil ang lahat ng kasali sa bandang ito ay kilala ang mga angkan sa kabuuan ng San Antonio.

My eyes widened when I saw Clegane get out of the passenger's seat. Parang naputol ang paghinga ko. Ni hindi ko inaakalang kasama niya ang mga ito.

Nakasuot siya ng plain white shirt at faded jeans habang hawak ang kanyang gitara.

"Ayan na siya!" Hiyawan ng mga babaeng nasa harapan ko.

Ngayon ko lang napansin na halos lahat pala ng audience nila ngayon ay babae!

Nagsisikuhan sa kilig ang mga babaeng patuloy na nakatuon ang pansin sa mga bagong dating partikular kay Clegane.

"Sabi sa'yo, ang gwapo, e!" Malakas na hiyaw ng isang babaeng morenang hindi yata alam ang salitang hiya.

"Shit! Oo nga! Tama ka!"

Rumolyo ang mga mata ko. He's famous huh? Hindi pa man polished ang banda nila ay sikat na siya. Paano pa kaya kapag tuluyan na silang tumugtog sa school? Parang gustong manakit ng mga kamay ko sa naisip.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon