Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

CHAPTER 12

101K 2.2K 361
                                    

Chapter Twelve

Harana


I can hear crickets.

Kitang kita ko ang pagbaling ng mukha ni Clegane sa gawi ko at ang pag-igting ng kanyang panga. Nag-iwas ako ng tingin at agad na tinitigan si Daddy.

"Dad! Wala nga 'yon!" Inis kong hiyaw sa kanya.

"Nagtatanong lang naman ako. You seemed really pissed off earlier. Ang sabi ni Bennie ay naglakad ka lamang pauwi nang mag-isa kaya curious lang ako." Tinitigan niya ulit si Clegane.

"Now tell me, Hijo."

"Dad!"

"I'm curious too Don Henry." Umangat ang gilid ng labi ni Clegane at tinitigan ako nang mataman.

Nagkatinginan naman si Daddy at Mang Caloy habang gano'n din ang dalawa pang matanda.

"Naglakad ka pauwi?" Tanong niya.

Tumuwid ako ng upo at pinilit na salubungin ang mukha niyang nagtatanong.

"May paa ako kaya hindi naman siguro bawal 'yon." Matapang kong sabi.

Hindi ko napigilan ang pagkalabog ng puso ko nang marinig ang tawa niya.

"You're really pissed off then? At bakit? Hindi ba dapat ako ang mainis at mag-walk out?" Nakita ko ang pabalik balik na sulyap ni Daddy sa aming dalawa.

Si Mang Caloy ay napainom na rin ng wine na nasa lamesa.

"Ano bang nangyari Hija?" Singit ni Lola Helga sa amin.

Pinutol ko ang titig kay Clegane at nagbaba na lang ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa sinabi niya. Kasalanan ko. Sinabihan kong pangit ang boses niya pero hindi 'yon ang totoong tinutukoy ko!

Ngayon anong sasabihin ko?

Na iyong kalandian niya ang ayaw ko? Na pangit tignan dahil naiirita ako? At bakit? Dahil crush ko siya? Fuck no!

"Hijo?" Si Lola Elena naman ang bumaling sa kanyang Apo.

Umiling si Clegane at uminom ng orange juice imbis na sagutin ang kanyang Lola.

Tumikhim si Daddy.

"What happened?" Tanong niyang mas kuryoso na ngayon.

Napangiwi ako. Alam kong ito na ang simula ng pangungulit niya at hindi matatapos ang usapang ito kapag hindi niya malaman ang nangyari kanina.

"Clegane?"

Imbis na nagtatanong na mukha ang ipakita ni Lola Elena ay nakangisi lang ito sa akin.

Weird.

"I guess I pissed her off, Don Henry. Gaya ng sabi niya." Aniya.

Tumaas ang kilay ni Daddy dahil sa hindi detalyadong sagot nito.

"Sa paanong paraan?"

"Dad, wala nga po!" Agap ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Bumuntong hininga si Clegane at hinarap ang nagtatanong kong Ama.

"My voice. Pangit daw ang boses ko kaya siguro nagalit."

Hindi ko alam kung kailangan ko na bang tumakbo papunta sa kwarto ko o magkunwaring nahimatay na lang para maiwala lang ang usapan.

Humalakhak si Mang Caloy na ikinakunot ng noo ng kanyang Anak. Tumawa na rin si Daddy kaya sumabay na rin ang dalawang matanda. One for all, all for one?

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon