Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CHAPTER 19

115K 2.1K 212
                                    

Chapter Nineteen

Tiki-Tiki


Hanggang sa makauwi na ako sa bahay ay hindi ko pa rin maramdaman ang mga paa ko sa sahig. Pakiramdam ko'y hindi lang ang utak ko ang lutang kung hindi pati ang buong pagkatao ko.

Dalawang oras pa lang akong nakakatulog ay tumunog na ang alarm clock sa gilid ko. Napaupo ako at wala sa sariling napangiti. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng pananakit ng ulo dahil sa puyat! At kahit yata sa panaginip ay si Clegane ang kasama ko.

Nagmamadali akong naligo at nag-ayos. Ngayong araw ang outing namin. Gustuhin ko mang hindi kasama ang grupo ni Daniella ay nawalan na ako ng pakialam dahil sa nangyari kahapon.

I felt like Clegane let me see his other side. Iyong hindi gaanong mahigpit at masungit. Iyong palaging nakangiti at magaan kausap. Kaswal lang naman ang naging usapan namin pero lahat ng 'yon ay tumatak sa kailaliman ng puso ko.

"Pao, ready na ako nasa baba ka na?" Tanong ko nang sagutin niya ang kanyang cellphone.

"Oo, narito na rin sila Babette." Sagot niya.

"Sige, pakisabi bababa na. Bye!"

I still have enough energy even if I only slept for two hours. Dala ang bag ko ay lumabas na ako sa mansion. Nakabukas ang pintuan ng puting van nila Babette at nakita ko kaagad doon si Travis, Lucas at Erwan kasama si Daniella.

Nasa likod naman ang dalawang babae at ang mga kaibigan kong lalaki samantalang si Zion naman ay nasa harapan.

Naputol ang pagsuri ko doon ng makalapit ako kay Babette.

"You look... happy?" Nakataas ang isang kilay na bati niya sa'kin bago ako yakapin.

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

"Si Clegane?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"Ah... kaya." Makahulugan niya namang sagot na tila may nalaman sa nangyari kahapon.

Natatawang inirapan ko siya at dumiretso na lang sa sasakyan. Nagmamadali naman siyang sumunod.

"Manong sa Claveria tayo tapos sa White rock na." Aniya tukoy sa beach resort.

Sa harapan naupo si Paolo katabi ni Zion at driver nila Babette habang kami naman ay nasa likuran nila.

Buong biyahe patungo sa Claveria ay nakatuon ang mga mata ni Babette sa akin. Like she was staring at a puzzle.

"Ano ba 'yun?" Masungit kong tanong lalo na nang maghalukipkip siya at titigan ako nang mabuti.

"Nothing." Kibit balikat niyang sagot.

Naglalaro ang isang ngisi sa kanyang labi kaya hindi na lang ako nagtanong pa hanggang sa makarating na kami sa property ng mga Cordova.

"Ang ganda pala rito 'no? Maaliwalas! And look at their landscape, just wow!" Hiyaw ni Babette nang makapasok na kami doon.

"They have a garden full of sunflowers, kay Lola Elena." Nakangising sabat naman ni Daniella.

"Talaga?! Nakapunta ka na rito?" Excited na hiyaw ni Moira sa likod.

Pinigilan kong magsalita dahil wala naman akong mabuting sasabihin. I let my ears suffer from their stupid conversation.

"Of course!" Humagikhik siya.

"You like sunflowers too right? Tamang tama kapag naging kayo na ni Clegane, pwede mo na ring manahin ang garden ni Lola Elena!" Sinabayan pa iyon ni Bianca ng nakakarinding hagikhik.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon