Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

CHAPTER 8

111K 2.1K 91
                                    

Chapter Eight

Kung Ayaw 'Di Huwag


Maaga akong nagising para sa pamimili namin ng gamit ni Babette. Sa Lunes, dalawang araw simula ngayon ay may klase na ulit kami.

Matapos mag-breakfast ay isinama ko si Paolo para sa pagsundo kay Babette at pagpunta sa bayan. Wala pa mang mga malls at night life ang San Antonio pero narito na rin naman ang mga kailangan ng lahat.

"Hi, Babs!" Kinawayan ko siya nang matapat ang g-wagon sa malaking gate nila.

Basa pa ang kanyang maiksing buhok. Mukha ring kakagising niya lang dahil may iilang bakat pa yata ng kama ang pisngi niya.

Ngumisi siya at naglakad papunta sa pinto ng sasakyan.

"Hi, Madeng!" Ganting tawag niya sa akin.

Kumunot ang noo ko at binuksan ang pinto para makasakay siya.

"Saan mo naman nakuha 'yan?!" Naghalukipkip ako.

Humalakhak siya.

"'Di ba tawag sa'yo 'yon? Sino nga 'yon? Iring ba 'yon? Basta iyong nasa kabilang section!"

Umayos siya ng upo matapos isara ang pinto. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya dahil ang tanging pumasok sa isip ko ay iyong yakapan ni Clegane at Yrene noong practice!

"Ako na ang magbubuhat, Maddy." Agap ni Paolo sa kamay kong may mga iilang paper bags na laman ay gamit na pinamili namin.

Napahinto si Babette at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Paolo. Tumango ako at ibinigay na lang sa kanya ang lahat ng hawak ko.

I can't argue with him. Masyado siyang mabait at talagang mapagkakatiwalaan sa lahat. Hindi pa kasali roon ang pagkagusto ni Babette sa kanya.

Ngumiti ako at hinila na ang kaibigan ko sa isang tindahan na mayroong mga highlighters.

"Ang cute niya talaga 'no?" Natutulalang bulong ni Babette habang nakadungaw sa bintana ng tindahan.

Naroon si Paolo habang hawak ang ilang mga paper bag namin. He's wearing his white uniform and a black slacks. Napailing ako at siniko ang tulirong kaibigan ko.

"Ano bang meron kay Paolo at patay na patay ka talaga sa kanya?" Tumaas ang kilay ko.

I'm not saying that he's ugly. In fact, gwapo naman siya pero masyadong malinis at pang-baby boy ang mukha niya. Not my type.

Unlike someone... manly, hard, hot and... Dammit.

"Wala, ang cute niya kaya!" Ngumuso siya at iniwas ang tingin kay Paolo na tahimik habang pinapanuod ang mga batang naglalaro ng tumbang preso.

Umiling ako. Kinuha ko ang lahat ng kulay ng highlighter na nasa harapan ko pagkatapos ay dumiretso sa counter. Sumunod naman si Babette na may hawak na makapal na notepad.

"I knew it!"

Napatalon ako sa pagtaas ng boses niya. What is wrong with her! Parang palagi na lang siyang nabibigla o ano.

Tinapunan ko siya ng nalilitong tingin habang iniisa-isa ng cashier ang mga pinamili ko.

"You knew what?" My left eyebrow arched.

"Si Clegane lang talaga ang crush mo!"

Wala sa sariling humagalpak ako ng tawa. She's still at it, huh?

"Isipin mo na lahat ng gusto mong isipin." Umiiling kong sabi.

Lumawak ang ngisi niya na parang may pumasok pa sa kanyang utak pero hindi na niya dinagdagan pa ang sinabi.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon