Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CHAPTER 17

101K 1.9K 87
                                    

Chapter Seventeen

Damn Tempting


Gaya ng mga nakaraang araw. Nang Biyernes ay gano'n pa rin ang ginawa ko. Nang magyaya si Babette ng lunch kasama ang kabanda ni Erwan ay hindi ako sumama.

"Kasama ko si Paolo e. Uuwi kami para mag lunch."

I lied. Hindi ko lang talaga kayang makita ang dalawang tao sa grupo nila. I should avoid them if I want peace of mind, right? At iyon ang gagawin ko. Kung ano man ang mangyari bukas sa outing ay wala na akong pakialam.

"Umiiwas ka ba?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

Niligpit ko ang mga gamit kong nasa lamesa at inilagay iyon sa aking bag. Natigilan pa ako nang makitang maluwag iyon. Hindi ko dala ang jacket niya ngayon dahil nagsasawa na ang bag ko.

Umiling ako at pagkatapos ay tumawa na lang. She can think whatever she wants, pero hindi ako aamin.

Inilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang bewang.

"Hindi no! Naghanda lang talaga si Lola Helga."

Eksaherada akong tumawa para matigil ang mga haka-haka niya.

"Uhm, pwede akong sumama?"

Naningkit ang mga mata ko pero hindi ko pa rin pinutol ang kasinungalingang sinabi ko sa kanya.

"If you want."

She sighed.

"Alright. Sige na nga sasabihin ko na lang kay Clegane na ayaw mong sumama."

Marahan kong isinara ang zipper ng aking bag. Bakit naman kailangan niya pang sabihin 'yon? As if he cares.

"Sige na. See you later!" Tumayo na ako at nagmamadaling lumabas sa classroom.

Ni hindi na ako nakapagpaalam sa dalawang lalaking abalang nag uusap. Tinawagan ko kaagad si Paolo para sabay na kaming makauwi.

"Uuwi ka?" He asked.

Lumapit ako sa sasakyan at tumango na lang sa kanya. Kinuha niya ang iilang librong hawak ko.

"Gusto kong magpahinga sandali." Ngumiti ako sa kanya.

Naguguluhan man ay hindi na nasundan ang pagtatanong niya sa akin.

Nagulat din si Daddy nang madatnan ko siya sa living room. Naroon si Mang Caloy at isa pang lalaking naka-suit na siguro'y business partner niya.

I kissed his cheek.

"Akyat muna ako, Dad." Paalam ko.

Abala naman sila kaya hindi na siya nag-atubiling magtanong kung bakit ako umuwi. It's not that unusual, minsan ay umuuwi naman ako kapag masama ang pakiramdam ko o kung ayaw ko munang makita ang kabuuan ng Saint Anthony.

But this time, my excuse was different. Tama si Babette, umiiwas nga ako. Ayaw ko nang madagdagan ang inis o iba pang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Clegane.

Sa pagpasok ko sa kwarto ay agad napako ang paningin ko sa nakasabit na army jacket sa vanity chair. Dadalhin ko sana iyon kanina pero hindi ko rin nagawa dahil pakiramdam ko'y maiirita lang ako kapag nakita ko siyang kasama si Daniella.

Bumuntong hininga ako at naglakad patungo sa aking kama. My eyes never left his jacket. I can picture him wearing it... At ito na naman ang marahas na pagtibok ng puso ko. It's betraying me.

Bahala na nga!

Tumayo ako at kinuha ang jacket niya. Ibibigay ko na sa kanya ito ngayon. Kung susungitan niya ako ay wala na akong pakialam. Baka dahil sa jacket na 'to kaya marami akong iniisip. Naalala ko kung paano niya ilagay 'yon sa balikat ko at siguraduhing hindi iyon malalaglag sa katawan ko.

Her First And Lust (Campbell University Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon