Chapter 3

2.4K 117 2
                                    

Chapter 3: The Village of Basil ❂ 

Sumapit na ang bagong umaga at ang mga tao ay maagang nagsigising at nagsisigawa na. Ginising na silang tatlo ni Gabriel para maghanda na, ng kani-kaniyang mga sarili. 

"Ang aga naman nilang magsigising?" bulong ni Lyan kay Jharel. 

"Oo nga ehh." 

Bumaba sila sa huling palapag at nakita nila sa mesa ang inihaing pagkaing pang-almusal. Mga tinapay, fried chicken legs and breasts, beef stew, vegetable tomato soup at iba't ibang mga prutas na ngayon lang nila nakita. 

"Magandang umaga sa inyo mga kaibigan. Kain na kayo." pagbati ni Edward sa kanilang tatlo. 

"Naku, h'wag na po! May mga baon naman po kami kaya h'wag na po," pagtanggi ni Jharel. 

"Pinahanda ko iyan para sa inyo. Kailangan ninyong kumain para mamaya ay may lakas kayong gumawa at tumulong sa amin," tugon ni Edward, kaya nagsilapit na sila sa bilog na mesa at umupo sa tapat niyon. 

"Tanggapin mo na Jharel. It's a blessing to us kaya 'di mo dapat 'yan tanggihan," wika ni Lyan. Hindi naman na makatanggi si Jharel dahil sa pagkatakam at pagkulo ng kaniyang tiyan kaya hinayaan na lang niya na kumain kasama sila. 

Humigop siya ng sarsa sa kutsarang gawa sa kahoy. Tinikman niya ang lasa ng beef stew. Nalasahan niya ang kakaiba nitong sarap kahit na wala silang mga modernong sangkap tulad ng mga process ingredients. Ang pagka-natural nitong lasa ang nag-udyok sa kanila na kumain pa ng marami. 

"Ang sarap!" ani ni Rika sa saya. 

'Kahit na simple lang ang pagkakaluto, nagawa pa rin nilang pasarapin ang luto nila.' pagkamangha ni Gabriel sa isipan niya. 

"Ano po'ng ginamit na pampalasa sa mga putaheng 'to?" tanong ni Lyan kay Edward. 

"Ang mga nagamit na pampalasa ay asin, bawang, kamatis, sibuyas, dahon ng haruna, ferlis at laran. Siguro naman hindi pa ninyo alam ang mga pampalasang iyon." 

"Bukod lang po sa asin, sibuyas, kamatis at bawang. Hehe!" masayang tugon ni Lyan at muling nagpatuloy sa pagkain. 

"Ahh, mayroon din pala kayo ng mga iyon... Ang Haruna ay ang halaman na may maliit na dahon na kayang magbigay lapot at bango sa pagkain kapag pinapatuyo ito ng tatlong araw at dinidikdik ng maigi. 

Ang Ferlis naman ay maliit at manipis na halamang bunga na nagbibigay sa pagkain ng anghang. Sunod naman ay ang Laran, ang mga buto sa bungang halamang iyon ay nagbibigay tamis sa sabaw ng putahe." 

'Katulad lang din pala sa 'min. Binago lang ang mga pangalan. Haha!' sa isipan ni Jharel. 

Pagkaraan ng ilang minuto, natapos na silang kumain at nagpasalamat kay Edward sa inihandang pagkain para sa kanila. Pagkatapos, ay saka sila inilibot ni Edward sa bawat bahay, pagawaan, taniman at sa buong bayan ng Basil. 

"Dito sa lugar namin mayroong pandayan, panahian, sakahan, pastulan, otel, lagarian ng mga kahoy, bahay kalakalan, mga tindahan at iba pa. Kabilang na rin ang aking Tanggapan at ang bahay ng aming Alkalde... Kayo na lang ang bahalang mamili kung saan kayo tutulong." 

"Magkano naman po 'yung kinikita ng mga manggagawa n'yo sa kanilang mga trabaho?" tanong ni Lyan. 

"Kinikita?... Hmm... Marahil mga dalawa o tatlong sako ng salapi ang aming naiipon kada buwan. Isa pa lamang itong Baryo para sa ibang mga tao kaya hindi kataka-taka na iyon lamang ang aming naiipong yaman," tugon ni Edward at muling itinuon ang paningin niya sa kanilang dinadaanan. 

"Marahil kaunti pa lang ang inyong nalalaman tungkol sa daloy ng sistema namin dito. Ang mga kumikita lamang ng mga salapi sa maliit na bayan na ito ay ang mga mangangalakal, manggagawa, mga miyembro ng Samahan ng mga Manggagawa at ang Alkalde. 

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Where stories live. Discover now