Chapter 10

1K 73 5
                                    

Chapter 10: Town of Ilugan 

Masaya kaming nangangabayo ngayong umaga papunta sa Ilugan kung saan maraming mangagalakal ang pumaparoon na sabi nila. 

Naranasan din namin kung ga'no kasayang mangabayo, may halong saya't takot na matumba sa pagkakatulin nang takbo dahil first time ko lang din na sumakay sa ganito, ewan ko na lang kay Lyan na mas takot pa sa 'kin. Kahapon lang ay nakita ko silang nangangabayo't parang okay naman siya ng mga time na 'yon. 

Si Rika naman ay nasa likod ni Gin at nakita kong mas masaya pa siya kaysa sa 'min... Nangangamba lang ako ng konti dahil tatlo kaming nakasakay sa kabayo... 

Nakakabilib pa rin dahil nakayanan kami nitong buhatin at tumakbo gaya ng malayang kabayo. At saka ang husay din ni Kuya Gab na mangabayo, parang likas na lang sa kanya na gawin ito tulad ng sa kakayahan ni Kuya Gin.

"Kuya Gab, sa'n niyo po natutunang mangabayo?" tanong ko sa kanya.

"Noong nagpunta ako sa Dinungo Province para puntahan ang mga kamag-anak ko't may sarili din silang bukid doon."

"Ahh, gano'n pala," kaya pala may karanasan din si Kuya Gab sa pagtatanim.

"Alam mo ba, no'ng una ko ngang subok eh pasablay-sablay at nahuhulog pa ako? Pero nung tinuruan ako ng magandang trainer, doon ako natutong mangabayo at talagang napakahusay niya..." wika niya sa 'kin na tila napa-isip sa nakaraan... Mukha yatang nakatagpo siya roon ng pag-ibig kaya siya nagde-daydreaming ngayon, hehe...

Nabaling ang atensyon ko ng mapansing napakapit si Lyan sa 'kin ng mahigpit... Nahihilo ba siya kaya siya nagkakaganyan?

"P'wede bang huminto muna tayo?" pakiusap ni Lyan na mukhang nahihirapan sa mga oras na 'to.

"Konting tiis na lang, malapit na tayo..." sagot ni Kuya Gab dahilan para magtiis si Lyan sa nararamdaman niya. "'Yung braso mo Jharel 'di na ba masakit?" tanong sa 'kin ni Kuya Gab.

"'Di na po masyadong masakit."

"Malapit na tayong makarating," sabat ni Kuya Gin dahilan para mapunta ang atensyon ko sa paligid.

Natatanaw ko na nga ang bayan ng Ilugan at nasa gilid ito ng pangpang. Nakakamangha ang kagandahan ng bayang ito. Nakatayo ito sa gilid ng malaking anyong tubig na look o harbor at maraming mga bangka't barko.

Dumaan kami sa konkretong tulay at paglingon namin sa kabila'y nakita na namin ang maraming mga mangangalakal at mga nagtitinda ng iba't ibang kagamitang ngayon lang namin nakita. 

Ilang sandali pa'y huminto na kami sa tapat ng horse stable, malapit sa bukas na tarangkahan at nakipag-usap si Kuya Gin sa may-ari. "Ginoong Gawre?"

"Ahh! Ikaw iyong kasama ni Ron noong nakalipas na araw, hindi ba?!"

"Opo, ibabalik na po namin iyong kabayo ni Ginoong Radger."

"Ahh, oh siya, sige. Ilagay niyo na lang sila diyan sa loob ng kuwadra." 

"Binibenta n'yo po ba ang mga kabayo n'yo rito?" napansin kong tanong ni Kuya Gab sa lalaki.

"Oo, pwede rin naming ipahiram sa iba kung ikaw ay rehistradong mangangalakal."

"Ohh..." wika ni Kuya Gab. Mukhang interesado siyang bumili ng kabayo para itanong 'yon.

"Bibili po kami sa inyo ng karwahe," sabi ni Kuya Gin.

"Mabuti naman! Dahil mga kaibigan kayo ni Boss, bibigyan ko kayo ng bawas sa presyo. Sa halagang tatlong pirasong ginto; magiging 2 ginto at 50 pilak na lang para sa inyo," aniya na nagbigay sa 'min ng saya... 

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Where stories live. Discover now