Chapter 17

826 58 1
                                    

Chapter 17: Training and Discovery 

Umaga na...

Kinuha ko na ang cellphone ko sa bag at binuksan ito sa pagkakapatay. Pagkatapos kong buksan, nakita ko ang orasan sa screen at ito'y nasa 6:15 am na. Nakita ko rin na wala si Rika sa higaan niya at malamang naghahanda na iyon sa pagsasanay namin mamaya.

Saan kaya siya nagpunta?... Hmm, kailangan ko ng maligo.

Bumaba na ako sa unang palapag para hanapin ang kanilang banyo. Hindi ko pa alam kung saan kaya itatanong ko muna sa may-ari ng inn na ito. Pagdating ko roon, nahanap ko lang ang babaeng nakikiramay sa lalakeng lasing, naroon siya na nagpupunas ng kanilang mesa. Nilapitan ko na siya para tanungin kung saan ang kanilang paliguan.

"Magandang umaga po, saan po ang inyong paliguan?"

"Doon banda sa kanang bahagi liliko ka lang ng pakanan at makikita mo na ang paliguan," turo niya sa akin sa hallway na iyon at muli ko siyang nilingon.

"Salamat po."

Nagtungo na ako Jharel sa palikuran na tinuro sa akin ng babae. Hinanap ko ito hanggang sa makarating na ako sa dulo at saktong nakita ko ang sliding door sa kanang bahagi niyon na maaaring paliguan nila.... Ito na kaya ang cr nila? Saan kaya dito ang sa lalaki?... Dito yata.

Pagpasok ko, napansin kong hindi pa nakasindi ang ilawan nila roon kaya halos nababalutan pa ito ng dilim. Tanging bintana sa labas lang ang nagpapailaw sa silid na iyon at hindi pa gaano sumisikat ang araw... Nakakakita pa naman ako ng konti kaya ayos lang sa akin na maghubad na ako rito.

Pagkatapos kong maghubad ay nilapag ko na ang mga naisuot kong damit sa malapit na mesa. Napansin kong meron ng damit na nakalagay dito pero hindi ko na masyadong pinansin... Siguro mga extrang damit lang iyon na iniiwan nila dito.

Pagdako ko sa harap ng isa pang sliding door ay saka ko na binuksan ito para magtampisaw at...

"Ehh?..."

"Aahhh!"

"Sorry-Sorry! 'Di ko sinasadya! Lalabas na ako!" taranta kong bigkas at paglayo sa kaniya nang makita kong... Ayy! Basta! Sinirado ko na lang ang pinto at dali-daling kinuha ang mga damit ko.

"Sandali, Jharel! Dito ka lang!... Please!" sigaw niya sa kabila at nakiusap na manatili lang ako dito. Nagtaka na lang ako sa sinabi niyang iyon at hinarap ang sliding door kung saan makikita ko ang anino ni Rika sa kabila... Bakit naman kaya gusto niya akong manatili dito? Galit ba siya?

"Ahhmm, bakit?" mahinahon kong tanong, baka kasi magalit pa siya sa akin lalo kung hindi ak—"

"Natatakot kasi akong magisa dito sa CR... Okay lang ba sa iyo?"

Natatakot siya? Kung gayon 'di siya galit. Hayys! Salamat!... "S-sige kung iyan ang gusto mo." kabado kong bigkas at nilapag ang mga damit ko sa mesa.

"Salamat." masaya at mahinang bigkas niya na nagpabigay sa akin ng ginahawa.
Umupo na'ko sa gilid ng pader sa tabi ng sliding door at nirelax ang aking katawan at isipan. Rinig ko ang mahinang pagbuhos ng tubig sa lugar niya at mukhang pinagpapatuloy na niya ang paliligo niya.

Tahimik ko lang pinakiramdaman ang bawat sandali hanggang sa naalala ko na lang ang mga cliche na pangyayari sa mga napapanood kong anime... Hindi ko gustong aminin pero, deep inside... Yes! Haha!.. Ang suwerte ko talaga na nangyari din sa'kin ito!... Salamat Lord! Haha!...

"Jharel?"

"Hmm? Ano iyon?" tugon ko at hinintay ang nais niyang sabihin sa akin.

"Ahh ano, may gusto lang akong itanong sa iyo... Ano kasi uhmm... Anong feeling kapag meron kang nanay at tatay na nag-aalaga sa iyo?" curious niyang tanong sa akin na nagbigay taka sa akin.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Where stories live. Discover now