Chapter 16

875 55 1
                                    

Chapter 16: New Peril 

Tatlong araw na ang lumipas simula nang matapos ang kaguluhan sa ETC, handa na kami sa paglisan sa Ilugan nang umagang iyon. Hinintay lang namin na gumaling si Kuya Gab kaya medyo inabot pa kami ng ilang araw sa pananatili namin dito. Salamat sa pill na binigay sa amin ni Sir Nuktas dahilan para gumaling kami ng mabilis, ganun din si kuya Gab at ngayon ay nakabalik na siya sa dati niyang lagay. Kasama rin namin sila Sir Ulfur at Sir Nuktas palabas ng bayan para ihatid kami sa horse stable, para na rin sa pormal nilang pamamaalam sa amin sa pag-alis namin sa kanilang bayan.

"Salamat po ng marami sa inyo Ginoong Nuktas at Ginoong Ulfur. Papaano po ba namin kayo masusuklian?" ani ni Kuya Gin nang marating na namin ang horse stable.

"Ayy huwag mo nang alalahanin pa iyon, tungkulin lang naman namin na mabigyan kayo ng tulong," tugon si kaniya ni Sir Ulfur.

"Oo Sir Gin, malaking pasasalamat namin na kayo ay makasama sa pag-iimbestiga at mapatigil ang East Trading Company dito sa Ilugan," masayang tugon din sa kaniya ni Sir Nuktas.

"Paano na pala ang East Trading Company? Baka magkaroon pa kayo ng alitan sa kanila at mauwi na naman sa kapahamakan," tanong ni Kuya Gab.

Kahit kami ay hindi rin mapakali sa mangyayaring kaganapan sa dalawang faction. Siguradong hindi magbibigay ng konsiderasyon ang kaharian na namamahala sa ETC dahil isa sa sila sa mga mayayaman at mayayabang na kaharian. Isa rin naman kami sa sanhi ng kaguluhan na iyon kaya, hindi kami maaaring magsawalang bahala na lang.

"Huwag kang mag-aalala Sir Gabriel, hindi hahayaan ng Algaren na maganap ang ganung klaseng pangyayari. Nakakasisiguro kami na wala sa dalawa ang nagnanais na magkaroon ng alitan... At isa pa, nasa amin ang gabay ni Gulanos ang Panginoon ng Hangin at ng Kalayaan kaya hindi kami pababayaan sa aming pamumuhay." bigay alam sa amin ni Sir Nuktas na ikinataka namin... Sino naman kaya si Gulanos?

Agad naman kaming nakabawi at hinayaan ang katanungan na iyon sa aming sarili... Talaga ngang relihiyoso nga ang mga tao rito.

"Paano po kayo naimpluwensiyahan sa paniniwala niyo kay Gulanos?" curious na tanong ni Lyan... Mukhang may alam na yata siya tungkol kay Gulanos kaya niya naitanong iyon.

"Alam niyo bang meron kampyon na hinirang si Gulanos?... Si Suras Heth, ang ninuno ni Ginoong Nuktas, siya ang nagtatag ng kalakalan dito sa bayang Ilugan, kaya taglay na namin ang paniniwalang ito noon pa," wika ni Sir Ulfur.

"At pang-anim ako sa henerasyon ni Suras... Sumisimbolo rin ang puno ng Marongo sa katagalan ng aming bayan dahil si Suras rin ang siyang nagtanim niyon," bahagi rin ni Sir Nuktas.

"Ahh... Ganun po ba?" sang-ayon ni Lyan.

Kung gayon, matagal-tagal na rin pala ang puno na iyon. Napatango-tango na lang din kami sa sinabi niya at nagsimula nang sumakay sa karwahe.

"Salamat po ulit sa tulong na ibinigay niyo sa amin... Mauuna na po kami." pamamaalam ni Kuya Gin sa kanila.

"Sige mag-iingat kayo!" pahabol ng alkalde nila.

"Kung maari ay bumisita rin kayo minsan dito sa bayan namin," ganun din ang punong guwardia nila na si Ulfur.

Kumaway rin kami at nagpaalam sa kanila. Hanggang sa nakalabas na kami ng bayan doon sa malawak na kapatagan nila. Maglakabay na kami patungo sa susunod na naming destinasyon o ang nayon ng Faltreya.

Sabi sa amin ni Kuya Gin ay mapupuntahan na namin iyon ng 'di lalagpas isang araw kaya mararating na namin iyon bago pa magdilim.

"Kuya Gin, ilan po ba ang diyos at diyosa na pinaglilingkuran ninyo? tanong ni Lyan na nagbigay din sa amin ng atensyon.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Where stories live. Discover now