Chapter 39

358 32 0
                                    

Chapter 39: Competition? ❂

Galak naming narinig ang anunsyo ng babaeng Ragoun sa pagpasok namin dito sa Hairol. Ganap na kaming mag-aaral ng kanilang paaralan kaya dito na magsisimula ang pagsasanay namin sa paggamit ng mahika.

"Dahil nagawa niyo na ang pangalawang hakbang sa pagpasok, magtutungo na kayo sa dako ng Registrasyon diyan sa labas na may nakahelerang bintana. Ibibigay niyo ito sa tagatanggap at isa-isa kayong makakatanggap ng Identity Card bilang account ninyo," aniya kasabay ng pagkuha namin ng aming mga papel at pagkakarooon ng kuryosidad sa card na binanggit niya.

"Ang Identity Card ay isang bagay rin na makakatulong sa inyo na malaman ang kalagayan ninyo sa Hairol, gaya na lang ng balance fee na hinihingi sa inyo ng paaralan, urgent request sa mga nakatataas na officer, mga violation na nagawa ninyo at task mission na kailangan ninyong gampanan," paliwanag pa niya na nagbigay sa amin ng idea sa kung para saan iyon.

Iba nga lang sa inaasahan ko na malalaman ang antas at lagay namin sa paggamit ng mahika, gaya ng ranking system sa nilalaro ko or skills and abilites. Pero hayaan mo na, masyado na yatang personal ang Identity Card na iyan kung lalagyan pa nila.

"At siyempre pwede mo ring malaman ang antas at abilidad mo gamit ang card na iyan," dugtong niya na ikinagulat ko.

"Talaga po?" sabik na tanong ni Lyan.

"Oo, dahil kailangan iyan para magawa niyong gamitin ang Testing Room sa Training Ground Area at doon niyo malalaman sa bolang cristal kung anong Magic Attribute, Magic Power at Affinity ang meron sa inyo," paliwanag pa niya na ikinaraos ko.

Hayys... Akala ko naman na maililista doon sa card yung mga personal kong impormasyon tungkol sa skills ko. Mabuti na naman nakabukod iyon. Hehehe... Ayoko ko na kasi maihayag ang mga bagay na meron sa akin lalo na't may kakaibang akong katangian na 'di pangkaraniwan sa iba. Isang beses na rin akong gustong kunin ng kalaban at saka yung buto na iyon kaya mas mabuti nang mag-ingat kaysa sa hindi.

"Now I know... Hmhm!" ngising sambit ni Lyan.

"Pagkatapos niyong pumunta sa Rehistrasyon ay magbabayad na kayo sa departamento ng Pananalapi. Siguro naman ay may sapat kayo pangbayad sa pagpasok niyo dito," saad niya at kami naman ay tumango bilang pagsang-ayon.

"Sige, maaari na kayong umalis."

"Ayy hihintayin pa daw po kami ni Sir. Kung pwede lang po sana kami manatili saglit ehh..."

"Ahh oo nga pala. Sige-sige pwede naman. Umupo na lang kayo diyan sa mga upuan na iyan. H'wag lang kayong mag-iingay ahhh kundi palalabasin ko kayo," wika at paalala niya na sinang-ayunan naming tatlo.

Pagkaupo namin ay nagsimula na siyang gumawa ng kaniyang assignment at hindi namin matanggal ang kaniyang tingin sa pagpapalipad niya ng mga papel at libro sa paligid niya. Patuloy pa rin kaming namamangha lalong-lalo na si Lyan at naibukang bibig pa niya na matutunan niya rin iyon balang-araw.

Kahit ako ay nasasabik rin na matutunan ang ilang spell na makakatulong sa akin sa pakikipaglaban. Magawa ko lang itong ma-master ay sapat na para makapaglakbay pa kami ng malayo nang hindi kami napapahamak.

Ilang minuto na ang nakalilipas ay may tao na ring kumatok sa pinto. Pinayagan naman ng Ragoun na nagngangalang Marie ang kaniyang pagbisita.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Where stories live. Discover now