Chapter 32

522 43 0
                                    

Chapter 32: Missing Piece

Habang nangangalap ng impomasyon ang grupo nila Gin at Jager, si Aster naman ay napabisita sa guild ng Hunter para pakiusapan si Jager na ihinto ang binabalak niyang pagsama sa laban, sa pagitan nila ng Black Lotus.

Nagtaka naman ang ibang mga miyembro sa kani-kanilang puwesto kung bakit naroon ang 'di kilalang babae na matapang na pumasok sa loob ng guild nila.

"Nasaan si Jager?... Gusto ko siyang makausap ngayon din!" Malakas na boses ni Aster sa gitna nila na ikinasimangot at mapatayo sa kinatatayuan nila.

"Sino ka ba miss para mambulabog sa guild namin haa?" matapang ding tanong ng isang lalake na lumapit sa kaniya, subalit hindi naman siya kumibo sa pagbabanta niyang iyon. "Masungit ka rin ehh noo... Hmm! Kung hahayan mong makipagtalik ka sa akin at sabihin kung sino ka at kung bakit ka narito, saka ko sasabihin sa iyo kung saan."

"At bakit ko naman gagawin iyon sa taong siraulo na gaya mo," aniya na kinainis naman ng lalake.

"Tchh! Bawiiin mo 'yang sinabi mo kung ayaw mong-"

"Wala rito ang hinahanap mo miss, nasa oras sila ng pangangalap ng impomasyon tungkol sa kayaman na pinaniniwalaan ninyong alamat," singit na sambit ni Armon sa itaas ng balcony na ikinatigil ni Aster at ng mga kasapi ng guild.

"Pinunong Armon!... P-patawad kung hindi ko nagawang paalisin ang babaeng ito!"

"Di ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka diyan," malamig na pagkakasambit niya na nagbigay kilabot sa lalake at sa mga kasamahan niya.

"Hintayin mo na lang siyang bumalik sa guild. Mayamaya ay babalik siya rito para ibahagi sa amin ang natuklasan nila doon."

"Di na ako maghihintay pa ng matagal, kailangan ko na siyang hanapin ngayon din." Tugon niya na ikinabuntong hininga na lang ni Armon. Pagtapos ay ibinato niya ang isang scroll kay Aster, sinalo naman niya ito ng may pagtataka.

"Nakapaloob diyan ang iginuhit na mapa ng dungeon na kanilang pinuntahan para hanapin ang susi na kaaugnay sa kayaman ng Lorgmor. Kasalukuyan 'yong binabahayan ng mga bandido kaya maaari nilang kunin ang patong sa ulo ng pinuno at ibigay sa punong guwardia ng bayan na ito..." aniya kay Aster na nagsisiyasat sa mapa na ibinigay niya.

Pagkatapos ay itinago na niya ito sa bulsa ng kaniyang vest at yumuko bilang pagpapasalamat sa kaniya.

"Salamat..." Magalang niyang sambit sa kaniya at sunod na niyang tinalikuran siya para ipagpatuloy ang paghahanap niya kay Jager.

"Bilisan mo na hangga't hindi pa sila nakakaalis doon baka magkasalisi pa kayo," pahabol pa niya at pinakinggan lamang siya. Tuluyan na si Aster na umalis ng guild, tumakbo sa gitna ng daanan.

"Jager... Pakiusap, kailangan ka ng iyong angkan."

*****

Natagpuan na rin nila sa wakas ang pinanggalingan ng isang bahagi ng susi subalit hindi nila alintala na wala na roon ang bagay na hinahanap nila doon. Nanghinayan na lamang sila lahat dahil doon, at dahil rin sa panghihinayan at pagod, napaupo naman si Jager sa elevated na sahig.

"Kung minamalas ka nga naman... " bagot na sambit niya sa kanila.

"Wala man lang mga halaga sa mga abubot at lumo na nakatago rito. Hayss!" Hinayan naman ni Kaseyos habang sinisiyasat ang mga baol sa mga patapon na kagamitan.

"Talaga namang buhay 'to ohh! Arrghhh!" singhal pa ni Vald na kinaawaan naman ni Gin.

"Hayaan niyo na muna iyon, mas mabuti na rin napigilan natin ang mga bandidong iyon kaysa manghasik pa sila ng gulo sa mga malalapit na bayan. May mga araw pa naman tayo na makahanap pa ng impormasyon tungkol doon," wika naman ni Gin para bigyan sila ng pasensya para hanapin muli ang susi.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Where stories live. Discover now