Chapter 26

616 47 0
                                    

Chapter 26: A combining strength from each

Habang ang grupo ni Gin ay nahaharap sa matinding sagupaan sa mga bantay ng kagubatan sa mga oras na iyon, makikita ngayon si Aster na nagmamadaling tumakbo sa madilim na lagusan. Hanggang sa nakita na niya ang ilaw na galing sa labas doon sa dulong iyon.

Pagkarating ay hinawi niya ang mga baging na nakasabit sa itaas at napadpad sa magandang tanawin ng Basil. Nakita na niya rin sa malayo ang usok na galing sa bahay ng albularyo na kaniyang ikinatuwa, sapakat ilang takbo na lang ay mararating na niya 'yon. Nagpatuloy ulit siya sa pagtakbo.

Pagkatunton ay nakita niya ang bukas na pinto ng bahay kaya agad na siyang nagmadaling tumuloy sa loob nito para lapitan si Alira na nakatayo sa harap ng counter table.

"Ginang!..." malakas na bigkas ni Aster at hingal na pagkasabi nang pagpasok niya na ikinagulat naman ng mga taong naroon. Agad na niyang ibinigay kay Alira ang sungay na nagdahilan ng pagtataka ni Alira at ng mga kasamahan niya.

"Ohh-ahh! Nasaan sila-"

"Babalikan ko pa po sila! Salamat po ng marami ginang!"

Hindi na nakapagsalita pa ng maayos si Alira dahil inunahan na siya ni Aster na magsalita at umalis sa harapan niya. Napatingin na lang siyang saglit sa babaeng kasamahan niya na nababahala rin at sa sungay ng usa na binigay sa kaniya. Nanatili lamang na nakatayo si Alira na hindi mapalagay sa panganib na binigay niya sa kanila.

"Ano ba ang ginawa ko para mahantong ito sa ganitong sitwasyon?!... Gin, sana makaalis kayong ligtas!"

*****

Nahaharap naman sila Gin at Jager sa mga kalaban habang hinahanda ng mabuti ang kanilang sarili sa matinding sagupaan.

"May alam ka bang plano kung paano natin matatalo ang isang 'to?" tanong ni Jager kay Gin gamit ang Telepathy.

"Oo. Gamit ang iyong clone, maabala mo siya at malilito kung alin ang uunahin niya, kaya maitutuon niya lang ang kaniyang atensyon sa 'yo. Habang ako naman ay maghihintay ng pagkakataon na tirahin ang mahinang parte niya. Pero bago iyon ay kailangan na muna nating talunin ang dalawang iyon gamit ito," aniya habang pinakita ang bilog na bagay na nasa palad niya.

Napangiti naman si Jager sa bagay na iyon kaya kinuha na nga niya ang isa at sabay nilang pinausukan ang kanilang paligid gamit smoke screen.

Kumilos na rin ang dalawa sa pag-atake at naispang pigilan sila sa binabalak nila, pero pa bago nila magawa ay nagsilabasan na ang apat na clone at nagsimula silang kumilos at maghiwa-hiwalay para lituhin ang nilalang na tinatawag nilang Gorogos, kasama ang Summoned Beast na susugod din sa kanila. Binigyan pagkakataon na nga ni Gin na ihanda ang pana para tirahin ang kalaban ni Jager.

Tumatakbo sila palibot sa kaniya at hinahabol ng tingin at hampas. Sumugod rin ng mabagsik ang dalawang summoned beast ni Gin sa dalawang Siringan at nagkanya-kanya silang laban sa oras na iyon.

Pinag-papalo at pinagsusuntok na nga ng Gorogos ang mga clone ni Jager dahilan nang paglaho ng iba at pagkagulat ni Jager sa biglaan nitong pagbilis. Hanggang sa naubos na ang mga clone ni Jager at siya na lang ang natira, kaya naman napagamit siya ng Shadow Blur at pinilit na iwasan at lituhin muli ang kalaban.

Hindi rin nagtagal ay umabot na nga ang kaniyang limitasyon at nagawa na siyang atakihin ng Gorogos ng direkta. Nagawa naman niyang itong salagin pero sa lakas nito ngayon ay nagawa pa rin siyang patalsikin ng malayo. Natalo rin ng isang Siringan ang nag-aapoy na lawin ni Gin at pinatalsik niya ito gamit ang hangin, ganun din ang isa. Napangiti ngayon ang dalawang Siringan dahil tanging si Gin na lang ang kanilang tatalunin sa oras na iyon.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Where stories live. Discover now