THREE

308 28 18
                                    

KATH'S POV

Peter and I have been playing this game for quite a long time now. We hold hands, we text each other, he gives me his jacket for me to wear, and it goes on. Sobrang mali lang. Kasi bestfriend ko narin si Tin. Tapos tuwing mag aaway sila ni Peter, sakin mag cconfide si Tin. 'Di niya alam, inaaway talaga siya ni Peter para lang mas magka time si Peter sakin. Lately magkausap din kami ni Joshua, (oo, yung mahal ko na boyfriend ng bestfriend ko) tinetext niya ko, minemessage ako sa Friendster. Nakikipag laro ako kay Peter dahil alam kong di ako kayang mahalin ni Joshua. Kaso lang si Peter, mukhang natamaan na talaga. Binigyan niya ng pink na bracelet si Tin nung isang beses, dalawang bracelet pala actually. Nung tinanong ni Tin kung bakit dalawa, sabi daw ni Peter ipabigay yung isa sakin dahil bestfriends daw kami. Nung naka abot na sakin yung bracelet, tinext ko siya nung wala na si Tin.

*flashback*

K: Sira ulo ka ba? Para san 'to? Ba't kay Tin mo pa pinadaan?

P: Because you're special, Kath.. mahal na ata kita.

*end of flashback*

Mahal na niya 'ko? Nawalan na 'ko ng gana. Time to end this game. Haha. As soon as matapos 'tong Christmas vacation, sasabihin ko na kay Tin. Kanina pa 'ko naka babad sa harap ng monitor, mag llogout na dapat ako pero biglang nag message sakin si Louise sa Friendster. 

Louise: Kath, alam mo naman na best friend kita since grade 4 diba? =') I know that you also love Josh. Kahit di mo pa sabihin, alam ko yun. Ano ka ba, best friends nga tayo diba? You and Josh would look better together. =') Sayo na siya Kath, sabihin mo sakin kung sasaktan ka nun ha? Sasapakin ko hehe I  love you Kath =') wag mo nalang replyan to. You don't have to say anything.. and lalayo muna ako =')

Whaaaaaaaaaaat. Even if I play a game with Joshua, alam ko namang matatalo lang ako. Dahil mahal ko na siya bago ko pa naisipang mag laro. At alam ko na kahit ibinibigay na siya sakin, hindi parin niya 'ko mamahalin. ANG SAKIT NA HA. AYOKO NA. I decided to reply to her message.

Kath: Ano nanamang drama yan, Lou? Nag away nanaman ba kayo? Hahaha. Hintayin mo lang, susuyuin ka rin niyan. Wag ngang kung ano ano sinasabi mo. Pwede ba. Kayo talaga ni Joshua para sa isa't isa. Ba yan! Wag ka nang mag drama okay?

Di ko na hinintay kung nag reply si Louise o hindi. Nag log-out na 'ko. Basta aayusin ko na. Kakausapin ko narin si Peter, ititigil ko na kung ano meron man samin. 

Patayo na ko nung biglang may sumakal sakin tapos ginulo buhok ko.

"KANINA KA PA DIYAN HAAAA!" si Kuya Kevin. Kapatid ko, duh?

"AHHHH BITAAAW! Eto na nga tapos na Yaku!!" Yaku tawag ko sakanya, figure it out. Mahal na mahal ko 'to! It helps that we have an 11-year age gap. Dahil hindi kami sabay dadaan sa iba't ibang phase ng pagiging teenager. Thank you mom and dad! 

"Kain ka na ng dinner, pasalubong ko sayo. Tapos matulog ka na. Gagabihin si Mama and si Dad, may panonoorin daw na play." tapos pinisil niya tagiliran ko.

Naka kain na ko, ngayon pahiga na ko. Bukas makalawa mag rresume na ng classes, konti nalang graduation na. Tinext ko na si Peter

K: Tigil na natin 'to. Sabihin mo narin kay Tin lahat, dahil kung hindi, ako na magsasabi sakanya.

P: Bakit?? Hindi na kailangan Kath!! Kaya kong iwan si Tin para makasama ka. Please don't give up on us?

K: There's no "us", Peter. You're pathetic. Ako na magsasabi kay Tin. Wag mo na kong kakausapin.

Nilapag ko na phone ko, alam kong nag text parin si Peter pero di ko na pinansin at natulog na.

The One That Saves MeWhere stories live. Discover now