FORTYFOUR

73 7 5
                                    

MILES’ POV

*flashback*

"Quen." shit. Di ko alam kung pano pa nakayanan ni Bey na tawagin si Quen dahil alam kong durog na durog na siya.

Parang nanonood lang ako ng movie o telenovela. Two lovers that are hanging by a thread plus matching ulan pa? Sinong audience ang di masasaktan?

Ang mas masakit nga lang, yung pinapanood ko, totoo. As in nangyayari mismo sa harap ko. As in.. basa na ko ng ulan okay?

Pero siryoso na, ang sakit na nito. Please pahingi naman ng happy ending.

"Quen!" hindi ko na matiis, pati ako tinawag na siya.

Finally lumingon na siya

"Miles?! Ba’t ka nandito?!" Quen

Yung totoo? Hindi ba niya nakikita si Bey?!

"Sabi ko naman sayo diba, nandito kami." matamlay na sabi ni Bey

"Kath.. Ano ka ba, sabi ko diba wag muna ngayon. Umuwi na kayo.." Quen

Hindi ako makapaniwala kay Quen. Bakit ba niya tinataboy si Bey? Nakita ko rin sa itsura ni Bey na hindi siya makapaniwala sa inaasal ni Quen

"Hindi sige, babalik na kami ng Town." Ako

"Sige sabay sabay na tayo, dun din punta ko bago mag debut. Sakay na tayo ng tricycle." Quen

"Ako nalang sa backride." Ako

"Ha? Kayo na ni Kath sa loob M—" Quen

"Hinde. Ako na sa backride." matigas kong sinabi at sumakay na sa backride

Punyeta naman tong ulan na to wrong timing lang! Pero sige. Para kay Bey. Para makapag usap na sila. Hooo! Basang basa na ko!!

Finally nasa may shuttle station na kami. Agad akong bumaba ng tricycle para kamustahin si Bey

"Ano na Bey?? Nakapagusap na kayo?? Okay na kayo? Ha?" excited kong tinanong

"Hindi, hindi kami nag usap.." Kath

"A-ahh…."

So.. Nabasa lang ako para sa wala.. Sige, sa shuttle nalang. Siguro naman mag uusap na sila sa shuttle.. Oo, maguusap na sila sa shuttle.. Okay Miles, tigilan mo na kakausap sa sarili mo.

"Sakay na Miles, tabi na kayo ni Kath." Quen

"Ah, hindi. Dun na ko sa kabila, tabi na kayo." Ako

Nagkatabi na si Bey at Quen, habang ako nagtulog tulugan sa harap nila.

"Mi. Dito na tayo sa Town.." Kath

Nakatulog pala talaga ko. Gulat nalang ako ginigising na ko ni Bey. Bumaba na kami ng shuttle at naglakad papasok ng Town. Nung napansin kong nauuna si Quen, bumulong na ko kay Bey.

"Ano na Bey? Ano napag usapan niyo? Okay na kayo? Ano sabi niya? Nakapag usap kayo ng maayos?" Ako

"Hindi parin.. Di kami nagusap at all.." Kath

"A-ahh……"

Pinag tabi ko na, natulog na ko’t lahat lahat, di parin nag usap?! Punyeta naman Quen!!

"Sige, dito nalang ako, nakikipag meet sakin barkada ko sa may Promenade eh. Bye, ingat!"

*end of flashback*

"Tas yun. Naiwan kami ni Bey na tulala habang pinapanood si Quen umalis." sabi ko habang naka tingin parin kay Bey na umiinom sa kabilang dulo ng table namin

"Tarantado talaga yung Quen na yun. Bading ata yun eh!" sabay inom ni Neil ng beer

"Ewan ko din talaga dun! Ayaw nga ni Bey na kausapin ko eh!" Ako

"Di lang alam ni Quen, may sasalo agad diyan kay Kath pag pinakawalan niya yun." Neil

Napatingin naman ako sa kung saan naka tingin si Neil. Kay Peter. Na ngayon ay tumabi kay Bey.

"Nice dress, Kath" nginitian ni Peter si Bey

"Sweater siya actually pero thanks narin" Kath

Kung ako sayo, Quen, wag mo nang pakawalan si Bey.

The One That Saves MeWhere stories live. Discover now