FIVE

266 21 8
                                    

-SCHOOL-

Sabi nila pinaka masaya daw ang highschool. Mukhang totoo nga yun. Nangangalahati na yung school year, yung (mga) crush ko, isang buong alphabet na. As in A-Z sila sa dami. Nawalan na rin kami ng ibang kaibigan, pero nagkaron naman ng malaking barkada. Yung barkada namin halos buong section 18 plus mga taga ibang section. Yung tambayan namin, katabi lang ng guidance center at mga lockers. Share kami ng tambayan ng isang barkada na puro Seniors. Buti na nga lang iba yung oras ng pasukan ng Freshmen sa lahat ng year. Kaya pag pasukan namin, may class sila. Pag break naman nila, may class kami.

"Kath! Si Pai?" Khalil.

"Nag cr lang. Ba't napapadalas paghanap mo dun? 'Kaw haaa!" oo pinapansin ko na si Khalil. Kaklase ko nga kasi ulit siya. Parang timang naman pag ipagpilitan ko pa rin na iwasan 'to! Besides, mukha namang iba na trip nito. Haha!

"Bakit? Selos ka? Aminin mo na kasing nagkagusto ka rin sakin dati!!" kapal ni Khalil no? Pero literal makapal 'to. As in makapal ang katawan, di lang mukha niya.

"Ano pinapagusapan niyo?" Pai.

"Ahhh, ito kasing si Khalil may gusto sa isdhgianvwu" PWE!! Ang alat ng kamay ni Khalil ok?! Pano ba naman tinakpan bigla bibig ko.

"MAY GUSTO AKO SA KANYA DATI!!" itong si Khalil, tinakpan nga bibig ko, pero wagas pagiging defensive!

"Hi Paiii" nag grin si Khalil kay Pai tapos pinakawalan na bibig ko para mag offer ng high five sa kanya

"Tss." ehhhh inirapan lang siya ni Pai. As usual. Hahaha masungit kasi 'to sa boys na makulit.

"Rejecteeeed" asar ko kay Khalil.

*flash*

"HAHAHA! Buti na capture ko yung nangyari!" sabay high-five namin ni Neil. Buti nalang laging may dalang digicam 'to. Bestfriend ko 'to. Since grade 6 pa namin kilala isa't isa, ngayon nga lang naging close.

"Uy Neil! Ginawa mo na ba ret-let ko?!" Ako.

"Ret-let?" Pai.

"Retreat letter nga. Inexplain ko na nga yun sayo diba? Gusto mo gawan kita Pai?" sabay taas baba ng kilay si Khalil

"Galing sayo? No thanks." Pai.

Nagtawanan kaming lahat. Hahaha kawawa naman si Khalil

"Kailan nga ulit retreat natin??" Neil.

"Yung totoo, Neil, kaklase ka ba namin??" Ako.

"Friday. Which is bukas haha. What's up bro!" sumingit naman 'tong isa sa mga asungot sa usapan namin at nakipag apir kay Neil. Pero di ko nalang pinansin.

"Oh! May isang buong gabi pa ko para gawin yun!" sabay tumawa 'tong si Neil. Tssss. Binigyan ko tuloy ng death glare. Tamad kahit kailan.

"Sige na sige na. Ayusin mo ha! Geh guys. Uwi na kami nito ni Pai." si Pai inirapan lang ulit si Khalil nung nag offer ulit si Khalil ng high five. Ayaw mawili eh hahaha.

-BAHAY-

"MAAAAAAAAAAAA MAMAAAAAAAA MAAAAAA" kasalukuyan naming pinagtutulungan ni Yaku si Mama. Ang sarap kasing asarin

"Ano nanaman?!" Mama.

"NATTIIIIING" sabay namin sinabi ni Yaku at sabay din kaming ngumiti

"HEH!! Ikaw Kathryn ayusin mo na nga lang gamit mo para sa retreat mo bukas?! At ikaw Kevin 'di ba may trabaho ka pa bukas?! Matulog ka na!!" tapos walk out. O ha? 

"HAHAHA first name basis na!" Yaku. Pag tinatawag na kasi kami by our first names, ibig sabihin seryoso na talaga si Mama. Hahaha

"Mama niyo pinikon niyo na naman!" natatawang sinabi ni Dad.

"Ikaw din kaya!" nagtawanan kami sa sinabi ko.

"Sige na magpahinga ka na Yaku. Ikaw din pagkatapos mo mag ayos ng gamit matulog ka na, Bey" yung "Bey" short for "Bebey". Yun yung tawag sakin nila Dad. At di ko alam kung san galing yun.

Nag goodnight na kami sa isa't isa at pag ayos ko ng gamit ko, natulog narin ako.

-SCHOOL-

"Feel free to choose any seat, class" Pinapasakay na kami ni Sir Cali sa bus papuntang retreat house sa Capuchin. 

Naka upo na kami ni Pai, sa window seat siya since nakita ko narin naman yung place na yun dahil nakapag retreat na kami sa Capuchin nung grade 6.

"Hi Paaai" sino pa ba? Haha. Tumigil pa talaga 'tong si Khalil sa gitna habang si Seth at iba naming classmates nasa likod niya.

Inirapan lang ni Pai tas sinabi "Hii... SETH." natawa lahat tas si Khalil nag pout at umupo nalang sa pinaka likod. Nagulat naman ako sa kasunod ni Seth

"Hi Kath! Happy retreat hahaha!" wow. Kumpleto mga asungot ngayon. Tsss. Patay

"Ba't ka nandito?? 'di ba section 19 ka?? UWI!!" Ako.

"Gusto ko lang. Haha!" tapos naglakad na siya papunta kila Khalil.

Haaaay nako. Nakipagkwentuhan lang ako the whole time with Pai. Medyo boring yung retreat this year. Pero masarap parin yung food! Room mates ko si Karla and Pai, and nakapag bond din ng sobra yung section namin. So okay lang din naman.

The One That Saves MeWhere stories live. Discover now