ELEVEN (First Of Summer)

208 17 21
                                    

SUMMER 2008

KATH'S POV

-AQUA PARK-

"PAI SORRY NA NAMAN KASI TALAGA PLEASE LANG PLEASE!!" 

Vinivideohan ko ngayon si Khalil na nakaluhod sa harap ni Pai. Nag aapologize ng topless at exposed ang malaki niyang tiyan. Isa pa, lasing siya. This is priceless!

"HEH! Tumalon ka nalang sa pool! Malunod ka. For all I care." sabay irap naman si Pai

"Ano nanaman ba kasi nangyari?" bulong sakin ni Neil

"Nasira kasi ni Khalil yung paypay ng lola ni Pai. Tapos di alam ni Khalil kasalanan niya. Yan, pinapahirapan ni Pai." Ako

Nag bbreakdance na si Khalil habang nakahiga sa sahig. Sobrang tawang tawa na kami nila Mi and Julia. Si Pai? Ayun, kausap si Ryan. Hmhmhm! Uminom inom narin kami. Ang dami ng lasing, pero steady lang kaming apat na girls. Ang sarap kasi i-enjoy. Halos kumpleto kasi kami. 30+ kami ngayon sa Aqua Park. Solo lang namin. Sobrang daming PDA okay?? si Peter at German niyang gf, si Erika at Marco, si Yen at si Neil, etc etc! Nag inuman lang kaming lahat, kumain and nagkwentuhan. Sobrang enjoy! Umuwi kami ng mga 7 ata? Tapos nag overnight kami kila Julia. Kwentuhan lang at walang tulugan as usual! Solid talaga barkada namin.

------

*bzzzt* *bzzzt* *bzzzt* *bzzzt*

Seth: Ano ba gusto mo gawin ko? Mahal lang naman kita. Yun lang Yun. :(

Julia: WAG KANG IIYAK!! D: uhhh pag umiyak ka, aagawin ko sayo si Jeric sige ka!! D:<

Mi: BEY!! KEEP IT TOGETHER!! >:O Kaya mo yan!!

Pai: Strong ka pre. Strong!!

Tim: Andito parin naman ako para sayo eh :-)

Sabi ko kasi sakanila, i-text nila ako ng kung ano ano para di ako maiyak. Nasa airport na kasi kami ngayon ng whole family. Aalis na in a couple of hours si Yaku papuntang Guam. 2 years din siya mawawala. KAYA HINDI KO TO KAYA!! nagbond lang kami sa loob ng airport, nagkulitan, nag picture picture. Binigyan ko pa siya ng nobela. As in 13 pages ata yun, kinwento ko yung lahat ng mga nangyari nung 3rd year. Kasi gusto ko kahit nandun siya, tuloy tuloy parin kwentuhan namin. Then, the time came when we had to leave already. 

"Bye Yaku!" sinusubukan ko talagang 'di maiyak. Niyakap lang niya ko ng sobrang higpit tapos ginulo buhok ko

"Wag mo masyado pasakitin ulo nila Ma ha??" Yaku

"Bye Anak" sabay nag hug sila ni dad

"You take care there okay Anak?? Always call! We love you!" naririnig kong naiiyak na si Mama. kaya naiiyak narin ako. Buti di narin natuloy kasi tumalikod na 'ko agad. Pero nung napalayo na kami ng onti, lumingon ulit ako. Nakita ko si Yaku tapos nakatingin rin siya. Nag wave nalang ako sakanya tapos nag wave siya sakin. Dun na 'ko napaluha. 

----

"BEY KUHA NA 'KO NG SHIRT HA?!" Mi

"OKAY!!" Nasa ibang kwarto kasi siya okay? Kaya nag sisigawan kami. 'di kami magkagalit! Overnight ngayon samin si Mi, habang ako medyo lutang. Malungkot parin kasi ako dahil wala ng nangungulit sakin sa bahay.

*bzzzt*

0927*******: wag ka ng malungkot! dito naman ako eh :)

K: Huh? Pano mo nalaman na malungkot ako? And sino 'to? Hahaha

0927*******: kinuha ko kay seth number mo :) o. wag ka na malungkot ha? ako nalang muna magiging kuya mo, kahit na mas matanda ka sakin :))

K: Sabi na familliar eh! Okay. Sabi mo yan ah? Hahaha

Dreamboy: oo ba! dreamboy mo nga ako diba? and i'd do anything for my dreamgirl :) 

Sige na nga. Tignan na natin kung ano mapupuntahan natin, Daniel Padilla. 

The One That Saves MeWhere stories live. Discover now