THIRTYFIVE

105 9 8
                                    

KATH’S POV

"We are just two people who weren’t meant to fall inlove, but we did." Margaret Tate

Naramdaman ko na dahan dahang hinawakan ng kasama ko yung kamay ko.

Hay, sige na nga. Okay narin na nasa floor nanaman ako ng sinehan. Si Quen naman kasama ko.

After awhile natapos narin yung The Proposal. Hindi ko alam kung san galing yung lakas na meron ako ngayon. Di ko kasi kaya yung mag isa lang ako kasama yung guy na gusto ko.

Dati pag lagi kami lalabas ni Quen, dapat kasama kahit isa kila Mi, Julia, or Pai. Pero ngayon kami lang ni Quen.. aaaaah bakit ako kinakabahan?!

"Kath, kain ka na? Sige na naman oh. Kanina nung kumakain ako, pinanood mo lang ako.." Quen

Isa pa kasi yun. Di ko kayang kumain sa harap ng gusto ko. Ano ba naman ‘to?!

"Hay sige na nga.." Ako

"Hay salamat! Kasi naman tignan mo ang payat mo na nga, di ka pa kakain. Haha tara mag dinner ka na!" Quen

Pumunta naman kami sa Jollibee. Tapos nag dinner na ‘ko. Napansin ko kanina pa naka titig sakin si Quen.

"Hoy baka matunaw ako ano ba!" Ako

"Ay haha! I’m sorry Kath." Quen

"Ano ba iniisip mo bakit di matanggal yang ngiti mo? Haha kanina pa yan eh?" Ako

"Ha?? Haha hindi naman eh! Ano, tapos ka na? Hahatid na kita pauwi, gabi na eh" he held my hand again and pulled me close to him.

Ang bango talaga ni Quen. Ito yung tipong, pag uwi ko, maaamoy ko parin siya sa suot ko or sa braso ko? Yung ganun.

"Hindi okay lang, kahit sa sakayan nalang Quen." Ako

"Ayaw mo ko makita ng parents mo no?" Quen

"Oo. Hahaha! Eh basta ako nalang. Kaya ko naman eh" Ako

Nakarating na kami sa sakayan.

"Sige Quen, bye! Ingat ka ha?" Ako

"Bye Kath, thankyou for this day" nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Quen

"I love you Kath" binitawan ako ni Quen para tignan ako at ngumiti siya

"I love you too.." nginitian ko rin siya at tuluyan ng nag paalam

"Sige na Quen, bye! See you sa school!" nakaakyat na ko ng jeep at bago pa ko maka upo, nabigla ako kay Quen.

"KATH!! WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" Quen

Napa upo na ‘ko at lumingon kay Quen

"…HA?!" hindi ako makapaniwala eh.

Umaandar na yung jeep, habang ako naka lingon parin kay Quen, na naka ngiting naghihintay ng sagot ko.

It’s a no brainer.

"YES!!" pagka sagot na pagka sagot ko sakanya, tuluyan ng umandar ng mabilis yung jeep namin.

Kahit malayo na si Quen, kitang kita ko yung laki ng ngiti niya. Nung malayo na kami, naalala ko ng magbayad sa jeep. Dun ko lang napansin na sabay sabay na biglang tumingin kung saan saan yung mga kasama ko sa jeep. Hassle! Text ko nga si Quen.

To: Quen

Lahat ng nasa jeep kanina pa pala nakatitig sakin!

*message sent*

*bzzzt*

Quen: Haha. Alam kasi nilang girlfriend na kita :] I love you, Kath. Thank you talaga.

Haaaay. Bliss. August 8, 2009.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon